Chapter 30

654 26 1
                                        

"Maligayang Kaarawan sa iyo Jv," dinig kong sambit ni Prinsipe Levi.

Umangat ang aking tingin at nasa harapan na pala namin si Prinsipe Jv. Ang bilis naman niya makababa.

"Salamat,"

"Ito nga pala ang regalo namin sana'y magustuhan mo." Kinuha naman niya ito at ibinigay kay Linley na nasa tabi niya.

"Maligayang kaarawan po sa inyo Prinsipe Jv." Pagbati naman ni Dorothea.

Nagulat ako nang tumingin sa akin si Prinsipe Jv. Kailangan ko ba talaga siyang batiin? Para kaseng umatras ang dila ko.

"A-ah, M-maligayang kaarawan," bakit ba ako nauutal.

"Tsk," pinamulsa niya ang isa niyan kamay at mabilis na tinalikuran kami. Sandali, nagalit ba siya sa akin? Binati ko naman siya ah. Tumayo ako para sundan siya. Subalit sa pagsunod ko sa kaniya may nabangga na naman ako. Halos lumuwa ang aking mata nang mapagtanto ko na si Maddie pala ang nabangga ko.

"N-nandito ka?" gulat niyan turo  sa akin.

Lumingon sa amin si Prinsipe Jv, at nang aatras sana ako paalis subalit hinigit ni Maddie ang braso ko.

"Anong ginagawa mo  rito? Hindi ba sinabihan kita na huwag kang pupunta rito. Ang kapal nang mukha mo." Singhal niya sa pagmumukha ko.

"Paumanhin, inaya lamang ako ni Prinsipe Levi. Hindi naman ako magtatagal." Wika ko.

"Kahit na, ngayon pa lang umalis ka na. Baka nakakalimutan mo tagapagsilbi kita 'yon ang alam nang lahat. Iniinis mo ba ako Hilary?"

"Maddie hindi ka naman bingi 'di ba? Sabi ko nga hindi naman ako magtatagal. Mas nanaisin kong alagaan na lang si ama keysa makipagsiyahan dito." May balak ba siyang gumawa ng iskandalo rito. Wala talaga s'yang hiya.

"Mabuti nagkakaintindihan tayo hindi ko naatim na nandito ka. Hindi ka nababagay sa palasyong ito." Pumiglas ako sa hawak niya at marami na ang nakapukaw nang atensyon namin.

"May problema ba?" sabay kami ni Maddie napatingin kay Prinsipe Jv. Hindi pa pala siya umaalis.

"Wala naman. Huwag muna kami intindihin hindi lang kami nagkakaintindihan."

Umiwas ako nang tingin nang dumako ang mata ni Prinsipe Jv sa akin.

"Sige, uuwi na ako," sabi ko at naglakad paalis.

"Hindi ka aalis hangga't 'di pa tapos ang selebrasyon ko." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya.

"A-ah eh Prinsipe Jv ako ang nag utos sa kaniya na paalisin na siya. Kailangan siya sa palasyo kase may sakit si ama kailangan niya ito bantayan. Pabayaan mo na lamang siya." Rinig kong sambit ni Maddie. Gagawin niya talaga ang lahat para mapaalis ako.

"Ako ang nag imbita sa kanya." Napalingon na ako kay Prinsipe Jv na nakatuon pa rin ang atensyon sa akin.

Alam kong galit na galit na sa akin si Maddie. Baka nga pagkauwi namin sa palasyo hindi lang bunganga ang aabutin ko sa kanya.

"Kahit na, hindi naman siya nababagay rito. Hayaan mo na lamang siya Prinsipe Jv." Pagkumbinsi ni Maddie.

"Huwag muna siya isipin prinsipe hindi naman siya importanteng tao. Magsaya na lamang tayo." Sabat naman ni Euna na tumabi kay Maddie.

Dumating rin si Prinsipe Kreios at kinausap niya si Prinsipe Jv kaya nawala ang tuon nito sa amin ni Maddie. Hinigit niya akong muli at pinandilatan nang mata.

"Umalis kana, baka gusto ko kaladkarin kita paalis." Asik niyan muli sa akin.

"Hindi na may paa naman ako huwag kana mag aksaya. Nababaliw kana talaga." Sabi ko at napailing sa harap niya.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon