Chapter 44

468 21 1
                                    

"Isiro at Dorothea!" Sigaw ko sa dalawa. Mag gagabi na at 'di pa rin sila tapos maghain ng pagkain. Kasama pa rin namin sina Prinsipe Kreios, Chryses, Linley, Camila at Carter. Sabay sabay kami kakain para ipagdiriwang pa rin ang kaarawan ko.

"Matagal pa ba iyan?" tanong ko sa dalawa.

"Natapos ko na ilipat iyon niluluto ko kanina. Tinutulungan ko na lang si Isiro rito para mapabilis." Sabi ni Dorothea.

"Sandali na lamang ito Hilary susunod na lang kami."

"Sige,"

Tumabi ako kay Chryses at ilan sandali lamang ay lumapit na rin ang dalawa. Inilapag na ang mga pagkain at bago magsimula nagdasal muna kami. At bago muling kumain kailangan ko muna raw humiling para sa kaarawan ko. Ang hiling ko lang ay dumating ang taong gusto ko, para lalong sumaya ang araw na ito.

"Nahuli ata ako," halos nanlaki ang mga mata ko na marinig ang boses na iyon. Agad akong lumingon at nasa likuran ko na ang taong iyon. Nangiti ako sa kanya at inaya na siya ni Prinsipe Kreios umupo sa tabi niya. Nagsimula na kami kumain at panay sulyap ko kay Jv. Kumusta na kaya ang pagsunod niya kay Maddie. Medyo kinabahan ako ng kaunti. Kase kung matutuloy ang kasal nila paano naman ako. Wala na ba akong pag-asa na sumaya man lang.

Habang nag-uusap ang iba nagpaalan ako kay Chryses na papasok sa simbahan. Tumigil ako sa mga kandila at sinindihan ang mga ito. Naalala ko kase bigla si ama. Sana naiinom niya ang mga gamot na pinagpalit ko. Maasahan ko naman doon ang tagapagsilbi na nakausap ko. Pumikit ako at nagdasal muli. Sa aking pagdilat ay napalingon naman ako sa taong tumabi sa akin.

"Maligayang Kaarawan," sabay abot muli ng isang kahon. Umangat ang tingin ko sa kanya at kinuha ang kahon na iyon. Binuksan ko ito at isang singsing muli ang bumungad sa akin. Ibang iba ito sa singsing kanina.

"Paumanhin," sabi ko at ibinalik ang regalong iyon. Kumunot ang noo niya.

"Dahil ba kay Maddie kaya ayaw munang tanggapin?"

"Hindi ko muna tatanggapin. Baka kase matuloy ang kasal ninyo ni Maddie. Kilala ko siya hindi ka niya titigilan hangga't hindi ka napapasakaniya. Ayoko magdesisyon kaagad na baka sa huli pagsisihan ko."

"Kahit anong gawin niya hindi na matutuloy iyon. Kahit na pumayag ang lahat hinding hindi ako papayag. Kung maparusahan man ako ay lubos kong tatanggapin. Simula na mawala ang aking ina ikaw na babaeng mamahalin ko. Kahit na, dumaan ang maraming pagsubok ay ikaw pa rin ang pipiliin ko."

"May gusto akong sabihin hindi ko kase naituloy kanina. Mahal na mahal kita. Nakakatawa lang kase sobrang nakakahiya ang lahat na nagawa ko sa iyo. Iniisip ko nga sinusumpa muna ako."

"Sadyang lapitin ka lang ng disgrasya." At sabay pitik sa noo ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin salbahe pa rin siya. "Basta makinig kang mabuti sa akin. Walang makikipaghiwalay sa atin kung sakaling matuloy ang kasal namin ni Maddie ayos lang naman siguro na pangalawang asawa na lang kita."

"Ano kamo?" para akong nabingi sa sinabi niya. "Hindi ako makakapayag." Bigla siyang nangiti.

"Ayaw mo? Kung gayon pipili ako ng pangalawang asawa. Sa tingin mo may ibabalato ka ba sa akin?" napairap ako sa kanya. Tinalikuran ko siya, kung mang aasar siya bahala siya sa buhay niya. Lalabas na sana ako ng simbahan nang yakapin niya ako.

"Huwag muna intindihin ang sinabi ko. Pangako, ikaw lang ang magiging asawa ko." Tinanggal ko ang pagkakayakap niya at hinarap siya.

"Hindi sapat ang pangako. Hindi mo ako makukubinsi." Bumaba ang tingin niya at walang ano ano na hinalikan ako sa labi. Mabilis lamang iyon at pinagdikit niya ang noo namin.

"Sapat na ba iyon? O may gusto ka pang iba?" sabay ngisi muli. Pinalo ko naman siya at niyakap ng mahigpit.

Pangako, siya lang ang mamahalin ko at makakasama ko habang buhay.

-----

Nagpasama ako kay Dorothea para pumunta sa Royal Castle kina ina. Pinagusapan lamang namin doon ang magiging plano para kay Reyna Eleanor. Tumulong na rin si Chase at ang kaniiyang ama. Magtitipon kami at sabay sabay ibababa ang reynang iyon.

Pagbalik namin sa Simbahan dumiretso ako kay Esperago Easton at Isiro may sasabihin daw sila sa akin.

"May kailangan kang malaman." Saad ni Esperago Easton at may hinilang tao. Nakatali ang dalawang kamay niya at gusgusin ang itsura nito. Halos nangayat din dahil sa pagkakulong sa Fort Appollonia. Walang iba kundi si Janna. Nagsinungaling ang kampo ng reyna para mapaalis talaga ako sa Windsor.

"M-mahal na p-prinsesa," hirap na hirap niyan usal at napaupo ito sa sobrang kahinaan. Umupo ako para maging kapantay niya. At inalis ang mga hiblang buhok na humaharang sa madungis niyan mukha.

"Ibabalik kita sa dati kung papayag kang makipagtulungan sa akin." Tumingin siya sa akin at dahan dahan tumango. "Kapag nagsinungaling ka sa harap ni Reyna Eleanor hindi lang paghihirap ang mararanasan mo. Ang tanga ko lang kase hindi kita nagamit noon pinalalayas na ako sa palasyo. Sabagay, hindi ko na iyon maibabalik pa sa dati."

"Mamayang gabi magpapadala muli tayo ng regalo sa Windsor." Saad naman ni Isiro.

"Huling regalo na iyon. Siguraduhin niyo na matatanggap nila iyon." Sabi ko sa dalawa.

Inutusan ko na si Esperago Easton na dalhin si Janna kina Dorothea at Camila. Pinakain ito at pinaliguan. Siya rin ang makakatulong sa amin para mapalinis ang pangalan ko. Dalawang araw na lang susugod na kami lahat sa Windsor. Tatapusin ko na ang kaguluhan idinulot ni Reyna Eleanor.

"Mahal na Prinsesa," paglapit sa'kin ni Camila.

"Ikaw pala,"

"Nais ko pong humingi ng paumanhin simula noon nailigtas kayo sa Dark Castle at kahit na pinatawad niyo na ako ay gusto ko pa rin humingi ng paumanhin sa inyo."

"Ano ka ba, wala naman iyon sa akin. Biktima ka lang kaya naiintindihan ko iyon. Kung ako siguro ang nasa sitwasiyon mo baka ganoon din ang nagawa ko. Tsaka isa pa kalimutan na lang natin iyon."

"Salamat po. Malaki po ang paniniwala ko sa inyo. Nakikita ko po kaseng kayo ang magiging sagot para maging masaya at bumuhay muli ang Hagerdon." Hinawakan ko na lang siya sa balikat at nginitian.

Kung ako man ang magiging sagot ay sana mapanindigan ko. Hindi lang trono ang ginagampanan ko s'yempre bilang anak, kaibigan at kapatid sa iba kailangan ko rin maging mabuting halimbawa sa kanila. Pagdating ng ilan taon magiging reyna rin ako at malalaman ng lahat nakaraan ko. Maaari ko naman iyon baguhin sa mabuting paraan. Maraming tao pa ang aapak sa daan daan puwesto namin ngayon henerasyon.

Si ama  at ina ay magkakasama na kami na tahimik, makakamit ko rin ang matagal ko ng pangarap. At si Prinsipe Jv naman ang bubuo ng isa ko pang pangarap. Ang magiging anak namin ay hindi ko itatago at ipagkakait na makilala ng lahat. Sila ay mabubuhay ng marangya at pupuwesto sa dapat nilang puwesto. Lahat ng opisyal at mga mahaharlika ay magtutulungan para makipag-isa sa mga taga bayan.

Hahanapin ko sina Aling Marta, Cyro at Lira. Kasali sila na dapat makabalik sa kung saan sila dapat. At sina Reyna Eleanor at Maddie ay maparurusahan sa malaking kasalanan sa buong Hagerdon. Wala na dapat mga taong ganito ang hahayaan mamuno para lang maging malakas at makapangyarihan. Hindi sagot ang mga bagay na iyon para mabuhay ka ng masaya. Kukunin at babawiin din iyon kaagad.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon