Chapter 4

1.5K 79 9
                                    

Nasa harapan na ako ng Fort Apollonia. Isa itong kulungan sa mga makasalanang tao kaya hindi na nararapat si ina rito. Pagpasok ko sinalubong ako ni Prinsipe Chase, pinsan ko. Malapit lang ang tirahan nila rito kaya nakakapunta siya rito. Pinagbilin ko kase sa kanya na lagi niyan alagaan at tingnan si ina.

"Mabuti dumalaw ka aking pinsan, matagal tayong hindi nagkita," masayang bati niya sa akin. Yayakapin niya sana ako kaya lang umatras ako agad.

"Naligo ka na ba? Ikaw ba ang naaamoy kong masansang?" tanong ko at inamoy ko siya. Inamoy din niya ang sarili niya dahil doon natawa ako sa ginawa niya.

"Mukhang inaasar mo na naman ako."
Ngumisi ako bigla, mabuti naman nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig.

"Kahit kailan talaga hindi ka naligo ng matino. Sasabihan ko ang iyong ina para naman paliguan ka niya," natatawa kong sambit.

"Hay ang laki-laki ko na kaya. Hinihintay ka na niya kaya puntahan muna siya. Sisiguraduhin ko sa iyo paglabas mo rito maliligo na ako." Tsaka niya ako iniwan. Sabi na nga ba napakatamad niya talaga.

Tinanggal ko na ang suot kong pantakip sa mukha dahil wala naman tao sa loob ng Fort Apollonia. May dala akong pagkain. Naabutan kong nakaupo siya at nakapikit ang mga mata. Kinuha ko ang susi sa may bulsa ng suot kong damit at binuksan ko ang kulungan ni ina. Hindi ko naaatim na magtagal pa siya sa kulungan na ito, wala na rin naman nakakaalam na buhay pa siya at tinatago namin siya kaya papakawalan ko na siya. Gumalaw si ina na hudyat na nagising siya marahil sa ingay na pagbukas ko ng kulungan niya. Gulat siyang napatingin sa akin at bigla siyang tumayo. Nang tuluyan kong mabuksan ang kulungan mahigpit ko siyang niyakap.

"Masaya ako na binisita mo akong muli, aking anak," bulong niya sa akin sabay hagod sa aking buhok.  "Hilary anak ko, kumusta ka na? Habang lumalaki ka pabago nang pabago ang iyong itsura. Alam kong... marami akong pagkukulang bilang iyong ina. Hindi kita naalagaan at nasasamahan sa Windsor. Kaya hayaan mong kapag naging maayos na ang lahat gagawin ko ang lahat-lahat upang makabawi sa iyo." Pinunasan niya ang luha kong hindi na napigil sa pagbagsak.

"Ina wala po kayo dapat ikabahala. Hangga't nasa labas ako at nakakagalaw sa lugar na ito gagawin ko ang lahat upang magkasama na tayo. Aagawin ko ang dapat sa atin at kailangan pagbayaran ng sinoman ang may sala at kumalaban sa ating pamilya. Hayaan niyon kumilos ako at ipagtanggol kayo sa kasalanan hindi ninyo nagawa," naluluha ko pa rin saad kay ina. Naluha na rin siya kaya lalo lamang ako naiyak.

"Anak ko, bilang reyna ng Windsor wala na akong silbi. Kaya kung anoman ang iyong nais aking ginagalang at nirerespeto. Huwag kang matakot na magsabi kapag nagawan ka ng masama ng iyong ama, lalo na ang iyong bagong ina. Sana'y hindi mo ako ipagpalit sa kanya."

Niyakap ko siya muli ng mahigpit. "Pangako, hindi ko kayo ipagpapalit sa kaninoman."

"Paano ka nakalabas? Hindi ba, bawal ka makilala ng lahat ng tao? Kasama mo ba si Dorothea?" Sabay lingon sa likuran ko.

"Ina wala po akong kasama. Tumakas ako upang makausap kayo. Sa St. Jago Church po talaga ang punta ko ngunit ito na ang pagkakataon upang palayain kayo at makabalik sa Royal Castle." Ngumiti siya at hinawakan ang buhok ko. "Tayo na po."

Sabay kaming lumabas ng Fort Apollonia. Gusto ko sana siya makasama sa pagsimba sa St. Jago subalit hindi maaari dahil alam kong kapag ginawa ko iyon malalaman ng lahat na buhay pa siya. Masisira lamang ang plano ko.

"Ina, bumalik na po kayo sa Royal Castle nandoon po si Lady Amelia ang inyong kapatid kaya kailangan niyo po bumalik sa inyong puwesto."

Tumango si Ina at niyakap akong muli. "Mag-iingat ka sa iyong pagbabalik sa Windsor." Ako naman ang tumango.

"Ako na po ang maghahatid sa kanya," sabat naman ni Chase at nagulat ako dahil basa na ang kanyang buhok.

"Tsk, sinasabi ko na nga ba hindi ka talaga naligo kanina," natatawa kong tugon.

Natawa si ina at sumimangot naman si Chase. Masaya ako na makita si ina na masaya.

Habang naglalakad kami ni Chase sa Good hope Lake binasag niya ang katahimikan. Simula nang iwan namin si ina wala na nagtanka magsalita sa amin.

"Kumusta ka na Prinsesa Hilary? Maayos ba ang kalagayan mo sa Windsor?" tanong niya.

"Oo naman, huwag kang mag-aalala sa akin kaya ko ang sarili ko."

Bigla kami nahinto sa paglalakad na makita namin si Dorothea na tumatakbo at papalapit ito sa amin ni Chase.

"Mahal na Prinsesa."

"Bakit narito ka?" Pagtataka ko.

"Pinadala po ako rito ng mahal na reyna. Hindi po kayo masusundo ni Pinunong Hermios dahil umalis po sila ng mahal na reyna," paliwanag niya.

Magsasalita sana ako kaso naunahan ako ni Chase.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo? Ilan taon ka na? At saan ka nakatira?"

Nagulat kami ni Dorothea sa sunod-sunod na tanong ni Chase sa kaniya. Bakit gusto niyan malaman? Naku, mukhang may iba sa pinsan ko, ah. Sinanggi ko sa braso si Chase at ngumiti ng pilit kay Dorothea.

"Pasensya ka na sa aking pinsan masyado lang siyang mahilig sa kababaihan kaya ganyan ang kanyang akto. Mauna ka na sa St. Jago doon kase ako patungo."

Tumango agad si Dorothea at lumakad na paalis. Binatukan ko naman si Chase at nagulat siya sa aking ginawa.

"Aray! A-ano problema mo?!" gulat na gulat na sabi niya.

Inirapan ko siya at tinignan ng masinsinan. "Si Dorothea ay isang tagapagsilbi namin. At hindi ako makakapayag may gawin kang masama sa kanya."

Tumawa naman siya at napailing. "Ano ka ba, wala naman ako gagawin. Mukhang unang kita ko pa lang sa kaniya kumabog na ang puso ko." Hinawakan pa niya ang dibdib niya.

"Hay, ewan ko sa iyo, basta huwag na huwag mong gagalawin si Dorothea. Dadaan ka muna sa mga kamay ko." Sabay taas ng kamay ko at itinapat sa mukha niya. Lumakad na ako palayo sa kanya.

Pagkapunta ko sa St.jago nakita kong nakaupo at taimtim na nagdadasal si Dorothea. Tumabi ako sa kanya at pinagmasdan ko siya. Napahinga ako ng maluwag dahil buti na lang nakadalaw ako sa pinakamasaysayang at pinakamatatag na simbahan sa Hagerdon.

"Hindi po ba kayo magdadasal sa maykapal?" Napatingin ako kay Dorothea kaya lumuhod na rin ako at taimtim na nagdasal din.

Pagkatapos non bumalik na ako sa upuan ko at parehas kami ni Dorothea na nakatingin sa krus, na kung saan nasa harap namin. Sana matupad ang panalangin ko at magtagumpay ako sa plano ko.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon