Ikalawa

282 16 22
                                    

1938

Maingay ang tunog ng kampana ng simbahan, hudyat na alas dose na ng madaling araw.

Bagong Taon na. 1938 na.

Sumabay ako sa daloy ng mga tao papalabas ng simbahan. Nasa likod ko ang pinsan kong si Rodrigo at Raymundo. Naisipan naming sumimba upang salubungin ang Bagong Taon sa loob ng simbahan.

Makapal ang mga tao sa harap ng simbahan, tanda na madami ang nakinig sa misa sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kung hindi mahulugang karayom sa dami ng tao sa labas ng simbahan, hindi naman makausap ang mga abalang tindero at tindera ng mga kakanin. May nagtitinda ng kalamay, puto, suman, bibingka at puto bumbong. Ang iba naman ay mas gusto ang mainit na sopas, tsamporado at lugaw na inilalako sa kaliwang bahagi ng liwasan ng simbahan. Bawat pamilya na nagsimba ay may bitbit na kakanin na iuuwi nila sa mga hindi nakasimba.

"Arturo, hindi ba tayo bibili? Parang gusto ko ngayon ng bibingka." kuhit sa akin ni Rodrigo.

"Oo nga. Parang masarap nga iyon." Sang-ayon ni Raymundo.

"Sige. Gusto ko din ng makakain." Sabi ko. Gumawi kami sa kanang bahagi ng liwasan at sa liwanag ng mga degasang ilawan ng mga nagtitinda ay bumili kaming tatlo ng bibingka at kape.

"Anong gusto mo Dorina? Puto Bumbong o bibingka?" Napatingin ako sa dalawang babae na katabi namin. Ang isa ay kayumanggi at ang tinawag na Dorina ay mestisa.

"Bibingka na lang ang sa akin Celia." Tugon ng tinanong na si Dorina. Bigla itong tumingin sa akin at nang makita na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin.

Muntik na akong mabulunan ng kinakain kong bibingka dahil sa ginawa sa aking ng babaeng nagngangalang Dorina.

"Ayos ka lang Arturo?" Nagulat na tanong sa akin ni Raymundo.

"Ayos lang ako." Umuubo pa na sabi ko. Muli akong tumingin sa tinawag na Dorina at nakita ko na pinipigilan niya ang sarili na ngumiti. Ngumiti ako sa kanya kahit inuubo at tuluyan na niyang pinakawalan ang pinipigilan niyang ngiti.

Nagkangitian kami.

Lakas-loob akong lumapit sa tinawag na Dorina. Nahagip ng tingin ko ang nagtatakang tingin nina Rodrigo at Raymundo.

"Mawalang-galang na mga binibini. Ako nga pala si Arturo. Arturo Azul. Kung hindi ninyo mamasamain ay nais ko sanang makipagkilala." Sabi ko sa dalawa. Halatang nagulat ang tinawag na Celia sa ginawa ko.

"Ah, kuwan, ako naman si Celia." Nakipagkamay ako sa kanya.

"Ako naman si Dorina." Tinagalan ko ang pakikipagkamay kay Dorina. Binitiwan ko lang ito nang maramdaman ko na nahihiya na siya sa tagal ng paghawak ko sa palad niya. Nagpaumanhin ako.

"Ikinagagalak ko kayong makilala." Sabi ko.

"Ganoon din kami Arturo." Sagot ni Celia. Natuon muli ang tingin ko kay Dorina. Nahihiya amg tingin na ibinigay niya sa akin.

"Kasama ko nga pala ang dalawa kpng pinsan." Sabi ko nang maalala ko sila na nasa likuran ko. "Ito si Rodrigo at Raymundo."

Nakipagkamay ang dalawang dalaga sa dalawa kong pinsan. Nakipagkwentuhan sa aming tatlo ang dalawa habang kumakain ng bibingka at umiinom ng mahilig sa kape. Nalaman ko na pareho silang disisais anyos at nakatira sa kalye Mabini kung saan magaganda ang mga bahay dahil mayayaman ang mga nakatira. Kapwa sila nag-aaral sa kolehiyo at kumukuha ng kursong economics.

Sa dalawang babae, kay Dorina napako ang pansin ko. Naagaw ng mahinhin niyang tawa sa mga biro naming magpipinsan ang atensyon ko. Parang musika ang dating ng tawa niya sa tenga ko. Ang salita niya ay nagpapatulala sa akin.

" Maaari ba namin kayong ihatid sa inyong tahanan?" Tanong ko nang matapos kaming kumain at mapansin namin na kakaunti na lang ang tao sa liwasan ng simbahan. Ang ibang nagtitinda ay nagsarado na din.

Nagkatinginan ang magpinsan at pumayag na ihatid namin sila.

Habang nasa daan ay nagkwentuhan pa kaming muli. Si Rodrigo at si Raymundo ay nakikipagpalitan ng kuro-kuro kay Celia samantalang kami ni Dorina ay nag-usap tungkol sa aming buhay-buhay.

"Maraming salamat sa paghahatid ninyo sa amin Arturo, Rodrigo, Raymundo." Ani Dorina.

"Walang anuman iyon Dorina," Sabi ko. " Karangalan namin na ihatid kayo, mahirap naman na mapahamak kayo lalo na at madilim sa daan."

" Sige. Salamat muli sa inyo." Sabi ni Celia. Binuksan nito ang gate at nagpauna ng pumasok. Sina Rodrigo at Raymundo naman ay nauna na sa paglalakad.

Nakatayo lang kami ni Dorina sa harap ng gate nila. Nakangiti sa isa't-isa.

"Maaari ba kitang madalaw dito sa bahay ninyo Dorina?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Kung iyon ang gusto mo Arturo."

"Wala bang magagalit na kasintahan?"

Napatungo si Dorina at napangiti. Lalo siyang gumanda sa ilalim ng liwanag ng buwan.

"Wala."

Napangiti ako. "Maraming salamat ulit sa pagpapaunlak na makilala kayo. Maligayang bagong taon sa iyo. Natutuwa ako na sa ganitong okasyon kita nakilala."

" Ako din Arturo." Humakbang siya paatras. "Papasok na ako sa loob, maligayang bagong taon din."

Iyon lang at pumasok na siya sa loob ng gate. Nakatayo pa din ako sa labas niyon. Nang maisara ni Dorina ang gate ay kumaway siya sa akin at nawala sa paningin ko.

Naglakad ako nang nakangiti.

Nagtagpuan ko na ang babaeng nagpatibok ng pihikan kong puso.

Author's Note:

Nakakatuwa naman! Love at first sight ba ang namgyari kay Arturo ng makita niya si Dorina? Nakakainggit naman noong panahon nila no?

Abangan pa ang mga paglalahad ni Arturo ng love story nila ni Dorina sa mga susunod na chapters ng LLOSP!

Don't forget to share your thoughts and leave comnents para sa Chapter na to! Mwuah!

Love Letters On Scented Paper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon