Ikasiyam

103 14 16
                                    

2014

"Grabe naman po iyon! Nangharana pa lang kayo tapos ganon agad ang reaksyon nung parents ni Dorina? My gosh!" Napailing pa ako sa sobrang unbelievable na ugali ng mga tao nung panahong iyon.

"Ganoon talaga hija. Iba ang panahon noon kaysa sa panahon ngayon."

Napaisip ako.

Sabagay? Hmp!

"Naiinis lang po ako Mang Arturo. Alam naman siguro nung Don Gonzalo na yon kung paano magmahal. Bakit kontrabida ang peg nya sa inyo?" Hindi ko maiwasang mainis kahit na alam ko naman na hindi na counted ang reaksyon ko kasi nangyari na iyong kwento ni Mang Arturo.

Pero kahit na! Emote pa din yung parents ni Dorina!

"Ganoon talaga Criziel, hija. May bagay na pinaghihirapan." Sabi ni Mang Arturo. Nagpatuloy siya. "Mas masarap at mas pahahalagahan mo ang isang bagay at isang tao lalo na kung naghirap ka bago mo ito makuha."

Tumango ako. "Tama po kayo. Mas maa-appreciate ang isang bagay kapag may exerted effort."

Ngumiti si Mang Arturo. "Tama hija. Natutuwa ako na malalim ang pananaw mo sa kahulugan ng mga bagay."

"Salamat po."

"Alas dose na pala ng tanghali. Mag-aalala ba ang mga magulang mo kung hindi ka makapag-tanghalian sa inyo ngayon?"

Napatingin ako sa Timex watch ko. Alas dose na nga. "Hala! Tanghali na nga. Nalibang po ako sa kwento mo Mang Arturo eh."

"Ipagpaumanhin mo ang pagiging madaldal ko hija. Tumatanda na ako. Hindi na maiiwasan ang pag-alala sa nakaraan."

"Okay lang po iyon. Maganda po kasi ang kwento ng pag-ibig ninyo ni Dorina."

Nakita ko ang lungkot na bumakas sa mukha niya. Kung gaano ito kabilis dumating, ganoon din kabilis itong nawala. Ngumiti siya sa akin.

"Maaari ka naman dito magtanghalian, hija. Saluhan mo kami ng apo kong si Arthur."

Speaking of the devil, bumukas ang gate at pumasok ang binatilyo. Hindi man lang ito tumingin sa kanya.

"Maghahain na po ako, Lolo."

"Sige, apo. Isama mo na din sa paghahain itong si Criziel at dito na siya kakain. Malayo ang fastfood dito sa lugar natin."

Tumingin sa akin si Arthur at walang salitang pumasok sa loob ng bahay.

Weird talaga.

"Sanay na ako dun sa batang iyon. May sariling mundo." Mahinang sabi sa akin ni Mang Arturo.

Correct ka dyan Mang Arturo!

"Halika sa loob hija at nang makapananghalian na tayo. Wala pa sa kalahati ang kwento ko sayo."

Napatingin ako sa kanya. Tama ang hinala ko. There is more sa kwento ng pag-ibig nila ni Dorina.

"Sige po." Inalalayan ko siyang makapasok sa loob ng bahay.

Simple lang ang loob ng bahay. Bagamat mamahalin ang mga gamit ay simple ang pagkakaayos ng mga ito. Tama lang sa simpleng matanda tulad ni Mang Arturo.

Menudo ang ulam namin. Habang kumakain ay panay ang tanong sa akin ni Mang Arturo ng kung anu-ano. Panay din naman ang sagot at panay din ang sulyap ko sa weird na apo nitong si Arthur. Hindi man lang ito nagsalita kahit isa hanggang sa matapos kami.

Habang nililinis ni Arthur the Weird Boy ang lamesa ay niyaya ako ni Mang Arturo sa sala. Inalalayan ko siya at nang mabukasan ang electric fan ay naupo ako sa sofa katabi nito.

"Kunusta pala ang mga sulat?" Tanong sa akin ni Mang Arturo.

"Okay naman po yung mga love letters. Medyo yellowish na po yung papel tapos kupas na yung itim na kahon pero all in all, okay po. Malinaw pa ang mga sulat. At saka mabango pa ang mga papel. Amoy na amoy pa ang mga roses!" Kwento ko.

Napatingin si Mang Arturo sa nakabukas na bintana. Parang tinatanaw niya ang nakaraan doon.

"Galing daw sa England yung mga papel na yun sabi nung may-ari ng tindahan na bibilhan ko. Tatlong piso ang halaga noon." Wala sa sariling sabi ni Mang Juan. "Pero hindi ko inisip ang presyo dahil espesyal sa akin si Dorina. Gusto kong ibigay sa kanya ay espesyal."

"Mahal na mahal nyo si Dorina ano po?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang magiging sagot nya.

"Mahal na mahal hija. Kaya kong ibigay sa kanya ang buhay ko." Seryoso niyang sabi.

Natahimik ako. Ramdam na ramdam ko ang katotohanan sa sinabi niya kahit na napakatagal na panahon na ang kwentong ibinabahagi niya sa akin.

Ako kaya? Kelan makakatagpo ng lalaking magmamahal sa akin ng totoo tulad ni Mang Arturo?

Hindi ko maiwasan na umandar ang pagiging hopeless romantic ko. Napakaswerte ni Dorina na makatagpo ng pagmamahal sa katauhan ni Mang Arturo.

"Bukod po pala sa love at first sight, true love nyo po pala si Dorina." Sabi ko.

Ngumiti siya. "Marahil ay ganoon na nga. Pakiramdam ko ay nakatadhana kaming dalawa para sa isa't-isa. Na sadya kaming nagkatagpo nang Bagong Taon na iyon. Sa salita ninyo ngayon ay siya ang soulmate ko kumbaga."

"Ano po ba ang nangyari pagkatapos kayong pagbantaan ng ama ni Dorina? Pilit po ba kayong pinaglayo? Pinaghiwalay?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Parang ganoon na nga hija. Pero dahil wagas ang pagmamahal namin sa isa't-isa, kinaya namin ni Dorina ang galit ng mga magulang niya."

"Tapos po?" Nananabik na muli kong tanong.

Umayos ng upo si Mang Arturo at tumingin muli sa labas ng bintana. Napatingin din ako. At sa pagpapatuloy ng kwento niya ay nakita ko sa labas ng bintana ang mga pangyayari. Para akong nanunuod ng isang lumang pelikula.

Sa kwento ni Mang Arturo, namalayan ko na lang na nasa 1938 ulit ako.

Author's Note:

Pasensya kung binitin ko kayo sa update na ito ha? Gusto ko lang maging kaabang-abang ang mga susunod na tagpo sa love story ni Arturo at Dorina!

Comments lang po kayo! Malay mo, sa comment nyo sa akin eh matagpuan nyo ang soulmate nyo :)

Love Letters On Scented Paper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon