Dalawampu't-dalawa

81 4 3
                                    

"Celia?" Anas ko. Hindi ko mapaniwalaan na nandito si Celia. Nabuhay ang pag-asa sa puso ko. "Anong ginagawa mo dito, Celia?"

"Ikinalulungkot ko ang napakasamang ginawa sa iyo ni Tiyo Gonzalo, Arturo. Sa inyo ng pinsan mong si Rodrigo. Ikinuwento sa akin ni Dorina ang nangyari." Bakas sa mukha ni Celia ang pag-aalala.

"Si Dorina?! Kumusta si Dorina? Sinaktan ba siya ni Don Gonzalo?!"

"Huwag kang mag-alala Arturo. Bukod sa pagsampal na ginawa ni Tiyo ng mahuli nila kayo ay hindi na siya sinaktan ulit ng ama. Hindi iyon mapapayagan ni Tiya Felicia." Sagot nito.

"Mabuti naman kung ganoon." Nakalma ako sa impormasyong dala ni Celia. Makakahinga na ako ng maluwag na hindi minamaltrato ngayon ng ama si Dorina.

"Pero hindi pinapayagang lumabas ng kwarto niya si Dorina. Hinahatiran na lang ito ng pagkain, umaga, tanghali at gabi. Ako ang inatasan nila na magpasok ng pagkain sa silid ni Dorina."

"Ganoon ba? Kaawa naman si Dorina. Dahil sa kagustuhan ko na magkausap kami ay napahamak siya tulad ni Rodrigo."

"Huwag mong sisihin ang sarili mo Arturo. Nais din ni Dorina na magkausap kayo ng personal noong tumakas siya. Katunayan ay ako pa ang kumuha ng calesa na sasakyan niya pagpunta sa simbahan."

Napatingin ako kay Celia. Napakabait niya. Maswerte si Dorina dahil mapagkakatiwalaan niya si Celia.

"Kung gayon ay ano ang dahilan at nagpunta ka dito sa bahay namin, Celia? Baka makita ka ng isa sa mga kakilala ni Don Gonzalo o Donya Felicia ay madamay ka. Ayaw kong madamay ang iba dahil sa amin ni Dorina."

"Huwag mong isipin iyon Arturo. Nakiusap sa akin si Dorina. Bukal sa loob ko ang pagtulong ko sa inyo."

"Maraming salamat Celia."

"Walang anuman Arturo." Inilabas nito ang isang puting sobre mula sa bag nito. "Ito ang dahilan kung bakut ako nagpunta dito Arturo. Nais ipabigay sa iyo ni Dorina ang liham niya para sa iyo. Hihintayin ko din ang magiging sagot mo."

Kinuha ko ang sobre ng iabot sa akin iyon ni Celia. Kumakabog ang dibdib ko sa antisipasyon sa nilalaman ng liham ni Dorina.

Pinunit ko ang gilid ng sobre at binuksan iyon. Kinuha ko ang papel sa loob niyon at nangamoy rosas ang paligid.

Mahal kong Arturo,

Kumusta ka na mahal ko? Sana ay walang masamang nangyari aa iyo.

Ipagpaumanhin mo ang karahasang ginawa sa iyo ni Papa. Hindi ko akalain ka kaya niyang manakit ng tao. Humihingi ako ng tawad sa inyong dalawa ni Rodrigo.

Dahil sa nangyari, buo na ang pasya ko na sumama talaga sa iyo sa paglayo dito. Hindi ko na maaatim na makita pa si Papa dahil sa ginawa niya sa iyo, ang lalaking mahal ko.

Hihintayin ko ang sagot mo kung kailan mo ako ilalayo dito? Pakibigay ang liham mo kay Celia. Siya lang ang tanging mapagkakatiwalaan natin.

Huwag kang mag-alala sa kalagayan ko. Ikinulong man nila ako dito sa aking silid ay hindi nila maikukulong at mapipigil ang pagmamahalan natin.

Mahal na mahal kita Arturo. Mag-iingat ka palagi.

Nagmamahal,

Dorina

Itinupi ko ang liham niya at napatingin ako sa kanila. Nakatingin silang lahat sa akin.

"Maaari nyo po bang iabot ang ballpen at papel sa itim na kahon sa loob ng tokador ko?" Tanong ko kay Tiya Adelina.

Binuksan niya ang tokador at inilabas ang itim na kahon. Iniabot niya ito sa akin.

Mabilis kong binuksan ang itim na kahon at inilabas ang itim na ballpen at ang mabangong papel. Muling lumakas ang amoy rosas sa paligid.

Mahal kong Dorina,

Natutuwa akong malaman na nasa maayos kang kalagayan mahal ko. Nawala ang pangamba sa puso ko na baka pinagmamalupitan ka ngayon ng ama mo.

Huwag mo ding alalahanin ang kalagayan ko dahil nasa maayos akong kondisyon.

Sa ikalabing-tatlo ng Abril ay ilalayo kita sa lugar na ito Dorina. Magtatanan tayo. Iisipin ko pa kung saan tayo maaaring magkita sa araw na iyon.

Madalas akobg liliham sa iyo Dorina. Tatagan mo lang ang loob mo at isipin na ilang araw pa ay magkakasama na tayo.

Nagmamahal,

Arturo

Matapos ipasok ang sulat sa sobre ay iniabot ko iyon kay Celia.

"Makakaasa ka na makakarating kay Dorina ang liham mo Arturo." Wika niya. Hinawakan niya ako sa braso. "Magpagaling ka kaagad nang magkasama na kayong dalawa."

"Maraming salamat Celia. Hulog ka ng langit sa amin ni Dorina. Napakabait mo."

"Walang anuman iyon, Arturo. Matalik na pinsan ko si Dorina at gusto ko kayong lumigaya dahil tapat ang pag-ibig ninyo kaya ko ito ginagawa."

"Maraming salamat talaga."

"Nga pala. Bago ko makalimutan, hindi na kayo maaaring mag-iwan ng sulat  sa simbahan dahil hindi na pinapayagan ni Tiyo Gonzalo si Dorina na lumabas."

"Kung ganoon, paano ko makukuha ang sagot ko kay Dorina? Paano niya matatanggap ang liham ko?"

"Tuwing hapon bago ako umuwi ay dadaan ako dito. Palitan ang mangyayari, sa unang araw ay sulat ni Dorina ang dadalhin ko dito, sa sumunod nama ay ang sulat mo papunta kay Dorina."

"Ganoon ba? Pero baka mapahamak ka, Celia?" Nag-aalalang tanong ko.

"Huwag kang mag-alala Arturo. Hindi ako paghihinalaan nina Tiyo. Dodoblehin ko din ang pag-iingat."

"Maraming salamat Celia."

"Tutuloy na ako Arturo. Maiwan ko na po kayo." Paalam nito.

"Maraming salamat. Mag-iingat ka."

Nng makalabas ng pinto si Raymundo para ihatid sa pinto si Celia ay walang isa mang nagsasalita sa amin.

Pumikit ako at inisip ang maamong mukha ni Dorina habang hawak ang liham niya na nakapatong sa dibdib ko.

Love Letters On Scented Paper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon