Tatlumpu't-anim

79 4 2
                                    

"Walanghiya ka!" Sigaw ko kay Don Gonzalo. Muli akong napatingin sa naglalagablab na bahay nina Rodrigo. "Hindi! Diyos ko! Dorina!"

Binilisan ko ang paglapit sa bahay.

Hindi maaari!

"Dorina! Dorina! Hindi!" Sigaw ko. Hindi ako makalapit dahil sa lakas ng apoy. Sobrang init ng paligid. Mahapdi sa balat ang init na hatid nito. Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

Panay din ang ubo ko dahil sa makapal na usok na nagmumula sa nasusunog na bahay.

"Sasabihin mo na ba kung nasaan si Dorina?!" Muling tanong ni Don Gonzalo. Nasa tabi ko na siya.

Malakas ang suntok na pinatama ko sa mukha ng Don.

"Hayop ka! Anong ginawa mo! Demonyo ka!" Sigaw ko sa kanya. " Nasa loob si Dorina! Bakit mo sinunog ang bahay?! Nasa loob si Dorina!" Sigaw ko sa mukha ng Don.

Dahil sa liwanag. Kitang-kita ko ang pagtakas ng kulay sa mukha niya. Biglang nanginig ang labi nito at napatingin ito sa nasusunog na bahay.

"Hindi!" Biglang sigaw ng Don. Napabalikwas ito at akmang lalapit sa nasusunog na bahay ngunit hindi makalapit dahil sa lakad ng apoy.

"Dorina!" Sigaw ko sa nasusunog na bahay. Muli akong nawalan ng malay dahil sa kapal ng usok na nagmumula sa nasusunog na bahay.

"Patawarin mo ako Dorina." Usal ko bago ako bumagsak sa lupa.

Love Letters On Scented Paper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon