Ikalabing-walo

86 4 2
                                    

2014

"Naku! Paano po yan? Ano pong nangyari nang mahuli kayo ng Papa ni Dorina? Sinaktan po ba kayo? Sinaktan po ba si Dorina? Si Rodrigo po?" Sunod-sunod na tanong ko. Mixed emotions ako ngayon dahil sa turn of events ng kwento ni Mang Arturo.

Bakit hindi na lang hinayaan nung walanghiyang Don Gonzalo na iyon ang pagmamahalan ni Mang Arturo at Dorina?

Hindi ko talaga maintindihan ang OA na pananaw ng mga people noong nakalipas na mga decade.

Nainlove din naman sila diba? Bakit hindi nila naunawaan ang feelings ni Dorina para kay Mang Arturo?

Kung nabuhay ako noon, jusmiyo! Super stressed ako panigurado.

"Hinay-hinay lang ang tanong hija. Matanda at mahina na ang kalaban mo." Natatawang sagot ni Mang Arturo. "Dadating din tayo sa parteng iyan ng kwento ko. Sandali lamang at magpapabili ako ng meryenda. Sa haba ng kwento ko ay nakaramdam ako ng gutom."

"Pero -"

"Walang pero-pero hija. Alam kong nagugutom ka na din. Sandali ka lang at tatawagin ko si Arthur."

Tumayo si Mang Arturo at gamit ang tungkod ay naglakad. Lumabas siya ng bahay at maya-maya ay narinig ko ang boses niya, tinatawag si Arthur the Weird Boy.

Tumayo ako at nag-stretch. Medyo nangalay din ako sa pagkakaupo.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay. Hindi naman siguro magmasid at maningin at syempre, mag-usyoso na din.

Una kong tiningnan ang mga picture na nasa frame na nakapatong sa isang malaking narra na divider. Mga bagong picture ang nakalagay doon. Puro colored.

May picture ng isang bata, madaming pagkain sa harap nito. Birthday siguro.

May picture din ni Mang Arturo. Nasa seventy years na siguro ito sa picture dahil ganito na ang looks nya ngayon.

Sa isang picture naman ay ang mukha ni Arthur the Weird Boy. Nakatoga ito. Graduation.

Hmp!

Walang ibang masyadong picture na bababa sa year 2000. Lahat ay bago at colored na. Halata mo na kaagad na boom na ang technology.Isa pa, puro pictures ng mga family gatherings lang ang nakalagay doon. Pasko, New Year, Reunion, Birthdays.

Nasaan kaya ang picture dito ni Dorina?

Lumipat naman ako ng pwesto. Ang mga nasa tabi naman ng flat screen television ang inusisa ko. At kagaya ng dati, puro close up shot. Puro colored picture din. Puro mga recently taken.

Tumayo ako at lumapit sa mga nakasabit sa pader. Mga black and white at sepia nga pero puro graduation pictures din. Dalawang lalaki at isang babae.

Babalik na sana ako sa pagkakaupo ko sa sofa nang mahagip ng paningin ko ang isang sepia colored na picture.  Maliit lang ito at nakalagay sa isang varnished wood frame. 4R lang ang size nito.

Dahan-dahan akong lumapit dito at nang matitigan ko itong mabuti ay nakita ko na isa itong wedding picture. Bigla akong kinabahan. Anticipation, I'm sure.

Nakatayo ang isang lalaki at isang babae. Nakatalikod sila sa altar at obviously ay nakaharap sa mga bisita.

Ang lalaki ay nakasuot ng barong tagalog at itim na pantalon at sapatos. Tinitigan kong mabuti ang lalaki. Hindi halos nagbago ang features ng lalaki, kumulubot lang ang balat at pumuti ang mga buhok.

Si Mang Arturo!

Sunod ko namang pinagmasdan ang babae sa wedding picture. Nakasuot ito ng white na white na wedding gown. Halata mo din na lumang model na ang gown. Nakahawi na sa likod ng babae ang kulay puti din na veil. Nakalugay ang mahaba at itim niyang buhok. Hindi maipagkakaila na maganda ang babae kahit medyo kupas na ang picture.

Ito siguro si Dorina. Maganda nga pala talaga siya. Hindi ako inoolay ni Mang Arturo.

Kahit hindi pa tapos ang kwento sa akin ni Mang Arturo, natutuwa akong malaman na nagkatuluyan sila ni Dorina base sa wedding picture nilang ito.

Nakangiti akong bumalik sa pagkakaupo ko sa sofa at kinuha ang cellphone ko sa bag ko.

Himala! Wala pang text mula kina Mama at Papa. It's almost three in the afternoon na. Oh well!

Ibinalik ko ang cellphone sa bag. Maya-maya ay pumasok si Mang Arturo kasama ang weird na apo nito. May bitbit na plastic bag ang mga ito.

"Hala, Arthur. Ilagay mo iyan sa plato at ihain mo sa amin nitong si Criziel. Sigurado akong nagugutom na ito sa kwento ng isang matandang tulad ko. Hindi ba hija?" Tanong nito sa akin. Muli itong naupo sa original position nya sa sofa at naupo.

"Hindi naman po, Mang Arturo." Natatawang sabi ko sa joke niya.

"At marunong pang mambola!" Wika nito. Sabay kaming napahalakhak. Yung apo nya, wala. Nga-nga.

Weird!

"Gusto mo na bang ituloy ko na ang kwento ko sayo ha Criziel?" Tanong ulit sa akin ni Mang Arturo nang mailagay ni Weird Boy ang isang plato ng bagong lutong banana Q sa harap namin. Tinusok nito ang isa at kinagatan kahit mainit pa.

Kumuha ako ng isang tinidor at tumusok din ng iaang saging. Pero unlike Mang Arturo, hindi ko kaagad ito kinagatan. Hinipan ko muna para lumamig ito.

"Ano hija? Ituloy ko na ba?" Ulit ni Mang Arturo.

"Sige po. Sige po. Nae-excite na po akong malaman kung anong nangyari nang mahuli kayo ng Papa ni Dorina.

Pinigilan ko ang sarili ko na mapalingon sa wedding picture nila ni Dorina na nakasabit sa pader. Ayokong malaman ni Mang Arturo na alam ko na ang ending sa love story nila ni Dorina. Pero kahit ganun, excited pa din akong malaman ang mga trials na pinagdaanan nila.

Malay mo makapulot ako ng lessons na maaaring magamit ko kapag nagkaroon na ulet ako ng Fafa!

"Bueno, itutuloy ko na ang kwento ko habang kumakain tayo nitong banana Q." Wika niya. Ibinaba niya ang tinidor at nag-continue ng kwento niya.

This time, naiimagine ko na ang mukha nila.

Love Letters On Scented Paper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon