Tatlumpu't-apat

70 4 1
                                    

Mabagal na lumapit sa akin si Don Gonzalo at ang dalawang tauhan nito.

"Nasaan si Dorina!" Idiniin nito ang shotgun sa dibdib ko.

"Wala siya dito!" Sigaw ko. Huwag sana munang magising si Dorina.

"Matigas ka ha!"

Hinablot ako ng dalawang tauhan ni Don Gonzalo at iniharap sa Don.

"Uulitin ko, nasaan si Dorina?!" Diniinan nito ang tama ng bala sa binti ko.

"Ah!" Halos mawalan ako ng hininga sa sakit.

"Nasaan!" Muling sigaw nito kasabay ng suntok sa mukha ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo sa ilong ko.

"Wala nga siya dito!" Mariing wika ko.

"Sinungaling!" Sinampal niya ako. Sinabunutan niya ako at iniharap ako sa kanya. "Nasaan si Dorina?!"

Hindi ko siya sinagot. Dinuraan ko siya sa mukha. Pinahid niya ito at tumayo kasabay ng malakas na hampas nito ng shotgun sa mukha ko. Napatihaya ako sa lupa.

"Bubugin pareho iyan." Narinig kong utos nito bago ako mawalang ng malay-tao.

Love Letters On Scented Paper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon