Anna had always been terified of darkness.
Mula noong bata siya, hanggang ngayon, hindi siya natutulog nang nakapatay ang ilaw. Kailangang laging maliwanag ang kuwarto niya lalo na kung nag-iisa lang siya. Kahit may kasama, kailangang nakabukas ang ilaw sa silid niya. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit naglalakad siya ngayon sa madilim na kagubatan na iyon. Tanging hiram na liwanag ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa lugar. It was a forest of dead trees. Kanina pa siya naglalakad pero wala pa siyang nakikita o nadadaanang buhay na puno, puro patay ang nakikita niya. Trees that looked like giant human skeletons in various forms of suffering. May isa na ang hitsura ay parang nakaluhod sa lupa habang sapu-sapo ng dalawang kamay ang ulo na parang naghihinagpis.
Kanina, nang dumungaw siya sa bintana ng bahay nila ay nakita niyang naglalakad palabas ng bahay nila ang nakababata niyang kapatid na si Jane. She looked like she was sleepwalking. Napatakbo siya palabas ng bahay at sumunod dito. At namalayan na lang niyang naglalakad na siya sa madilim at patay na kagubatang iyon.
Mayamaya pa ay napahinto siya sa paglalakad nang makita sa tinutumbok niyang daan ang isang piraso ng puting damit. It was the nightwear Jane was wearing, not far from it were her underwear... and a few steps from it was the cross necklace she always wore. Siya ang nagbigay niyon sa kapatid. Pinulot niya ang mga iyon. Pag-angat ng tingin ni Anna, nakita niyang nakatayo na siya sa pinto ng isang simbahan na nakatayo sa tuktok ng isang burol. Itinulak niya pabukas ang pinto na malakas na lumangitngit na tila nananaghoy bago siya humakbang papasok sa loob—para mapatda lang sa nakita sa loob. Paulit-ulit pa niyang ikinurap ang mga mata para matiyak kung tama ang nakikita niya habang pinipigilan ang sariling mapahiyaw o mawalan ng malay-tao.
There, in the altar, was Jane, naked, dead, nailed to a cross.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Horror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...