Chapter 16

822 13 0
                                    

Napahiyaw si Clara nang bumaon sa braso nito ang matulis na kahoy—hindi malalim ang pagkakabaon niyon pero sapat na para dumugo. Ilang sandaling nandidilat lang na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Clara bago ito tumutok kay Patricia. Ilang sandali uling nakatulala lang ito kay Patricia bago nito parang nakilala ang pamangkin.

"Patricia, ano'ng nangyari?"

"She's awake," sabi ng babae.

Saka lang parang nakahiga ng maluwag na niyakap ni Patricia ang tiyahin.

Si Henry ay nakatitig lang sa babae na na nang mga sandaling iyon ay nilalagyan na ng alkohol ang sugat ni Clara na kinuha nito mula sa nakasukbit na backpack sa likuran nito. Sumumlyap siya kay Clara, parang hindi na nagawa pang magreklamo ni Clara sa kirot na dulot ng alkohol sa sugat nito dahil hindi pa nito naiintindihan ang mga nangyayari. Ibinalik ni Henry ang tingin sa babae, maganda ito, nasa tatlumpung taon na siguro ang edad, nakatali ang mahabang itim na buhok nito. She wore a black jeans, a pait of boots, a vest and a white shirt underneath. Binendahan din ng nasabing babae ang sugat ni Clara.

"You'll be fine, ma'am," sabi ng babae kay Clara pagkatapos.

"Salamat," sabi ni Clara, nakahawak sa nakabendang sugat. "Pero sino ka ba? Ano ba nangyari? Bakit ako may sugat?'

"May sumasanib na kaluluwa sa 'yo, Tita," paliwanag ni Patricia. "'Buti na lang dumating siya, sinaksak ka niya ng kahoy para magising ka."

"Si Alfred ba 'yon?" tanong ni Henry kay Clara. "'Yong gustong pumasok sa katawan mo?"

May nakaguhit uling pagkalito at takot sa mukha ni Clara nang tumingin sa kanya. "Hindi ko alam, basta naramdaman ko na lang na may mga tumutusok sa balat ko at parang may dumadagan sa puso ko at hindi ako makahinga, pagkatapos nagdilim na ang lahat sa 'kin."

"'Yon ang mararamdaman mo kapag may kaluluwang gustong umangkin sa katawan mo," sabi ng babae habang nakatingin kay Henry. "Hindi lang si Alfred ang multong naglalagi sa simbahang ito at puwedeng sumanib sa katawan niya. And the best way to wake up someone whos' being possessed is to to wound him and break his skin. Sa sugat na 'yon, sa biyak na 'yon sa balat niya mahihigop palabas ang kaluluwang gustong sumanib sa kanya.

Henry mentally uttered a wow. Marami-rami na siyang nabasang libro tungkol sa mga multo pero hindi niya nahagip ang kaalamang iyon. Nagsusulat siya tungkol sa mga multo pero walang dudang mas maraming alam ang babaeng ito sa kanya pagdating sa mga kaluluwa. Kung hindi ito dumating, baka hanggang sa mga sandaling iyon ay inuuga nila at sinasampal-sampal si Clara. "Bakit mo alam 'yon?" tanong niya sa babae.

"Research," nakangiting sagot ng babae bago inilahad sa kanya ang kamay. "I'm Althea, a ghost hunter and a paranormal enthusiast."

Kinamayan ito ni Henry. "That explains a lot. Pero enthusiast lang, hindi expert?"

Ngumiti ito. "I don't often assume."

Napangiti rin si Henry. "Makes sense."

Hindi na tumanggi si Henry nang magyayang umuwi si Clara dahil sa takot na may kaluluwang muling magtangkang pumasok sa katawan nito. Hindi sila gaanong nakapag-usap ni Althea. Pero siniguro niyang makukuha niya ang numero ng babae.

And two days after they first met, Henry was already having a conversation with her inside a coffee shop.

Althea Rivera ang buong pangalan ng babae. Althea's thirty one years old, and when she was twenty four years old, her family decided to migrate to to America, which explained the slight American twang in her, although she remained fluent in Filipino because her family continued to speak it. Umuuwi na lang sa Pilipinas ang pamilya ni Althea para magbakasyon at dalawin ang mga kamag-anak. Dalaga pa si Althea, walang nobyo, hindi pa nagkakanobyo at nahiya nang itanong ni Henry kung bakit kahit pa isang malaking kaisipan iyon dahil napakaganda ni Althea—she had a small scar on her forehead, near her left eyebrow but you could easily ignore it.

LOVE AFTER DEATH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon