Iniuwi lang nila ang ina ni Anna at si Emma pati na sina Andrew at Ingrid bago lumipat si Tito James sa sasakyan ni Henry at tumuloy na silang tatlo sa ospital na kinaroroonan ni Francis. Anna was keeping her fingers crossed that Francis would tell them the truth. At iyon siguro ang dahilan kaya agad silang ipinatawag ni Lizzie: dahil magtatapat si Francis sa kung ano talaga ang hinahanap nito sa kuwarto ni Jane at kung ano ang kaugnayan nito sa kapatrid niya.
Pero agad na kinabahan si Anna habang naglalakad sa pasilyong kinaroroonan ng kuwarto ni Francis: nakita niya kasing nakaupo si Lizzie habang kausap ang ilang siguro ay kamag-anak nito.
Lizzie was crying and so some of her companions.
Lizzie's tear-stained face painfully contorted when she saw them approaching.
Francis just woke up, why wasn't she happy?
Tumayo si Lizzie at sinalubong sila habang nagpapahid ng mga luha sa mukha. "Patay na si Francis," sabi nito sa kanila sa garalgal na boses.
Nagising daw si Francis kaninang bandang alas-diyes y media nang umaga. Alas-diyes y media? Iyon din ang oras na nakita niya ang itim na lalaking iyon. Agad niyang ipinilig ang ulo, nagkataon lang siguro iyon. Francis was still disoriented at that time, kaya pinagbawalan pa ng doktor na makipag-usap o kausapin ito. Pagdating ng ala-una, pumayag na ang doktor na kausapin si Francis pero saglit lang daw. Sa halip na kausapin si Francis ang tawagan sina Anna ang ginawa ni Lizzie. Natakot daw si Lizzie na baka wala lang saysay ang maitanong nito kay Francis at masayang lang ang pagkakataon na ibinigay ng doktor na makausap ito. Lizzie was also scared that her husband would slip into coma again—but something worse happened.
Habang hinihintay ang pagdating nila, nakita raw ni Lizzie na bigla na lang nandilat ang mga mata ni Francis na parang may nakitang lubhang nakakatakot at kasunod niyon ay nanigas ang katawan nito at nagsimulang tumirik ang mga mata. Natatarantang tinawag ni Lizzie ang mga doktor –pero pagkaraan lang ng ilang minuto ay idineklara nang patay si Francis. The doctor said he suffered cardiac arrest.
Anna slumped to a seat, sudddenly feeling exhausted.
Dalawang araw lang ibinurol si Francis at pagkatapos ay inilibing na. Hindi gusto ni Lizzie na pinag-uusapan pa ang dahilan nang pagkamatay ng asawa. Hindi nagpunta ng burol si Anna—dahil alam niyang kukuha lang siya ng negatibong atensiyon doon—pero si Henry ay pumunta nang tatlong gabi, umaaasang may makukuhang impormasyon sa nangyari kay Francis, na may magsasalita sa burol at magpapatunay na kilala ni Francis ang may-ari ng kuwartong pinasok nito. Pero wala, lahat ay hindi makapaniwala na papasukin ni Francis ang isang bahay para magnakaw—bahay ng isang pamilyang mas mayaman pa ang pamilya ng lalaki. At wala ring lumitaw para magsabing magkakilala nga sina Francis at Jane, confirming what the already knew—Francis and Jane were strangers to each other. Nakausap daw ni Henry ang tatlong kapatid ni Francis at ilang mga kaibigan nito, at lahat ng mga ito, hindi rin kilala si Jane,
All clueless as to what Francis wanted from Jane.
So, ano na ang mangyayari ngayon? tanong ni Anna sa sarili habang nasa loob ng kuwarto ni Jane. Isang linggo nang naililibing si Francis at hindi na siya umaasa pa na malalaman pa nila kung may kaugnayan sa sa't isa ang mga ito. Dahil patay na si Francis, tinapos na ng mga pulis ang imbistigasyon. May magtatangka ba uling pumasok dito sa kuwarto ni Jane? O matatahimik na ang kaluluwa ng kapatid niya? At mapapanatag na rin sila. Pero mapapanatag ba sila ng hindi nalalaman kung ano talaga ang kailangan ni Francis kay Jane?
Ginambala ng mga katok sa kuwarto niya ang pag-iisip ni Anna.
Si Emma ang napagbuksan niya.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Horror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...