Chapter 2

1.6K 20 2
                                    


Anna stared at the vast field of clouds outside her window.

She still was looking outside her window when she saw something—or someone— running over the clouds. It was a woman with flowing black hair and dressed in white. It was Jane and she looked scared. Pagtingin ni Anna sa may bandang likuran ng kapatid, nakita niyang may mga maligno at mga impaktong humahabol dito.

"Jane!" she screamed and banged repeatedly at the window. "Jane!"

Pero hindi siya naririnig ng kapatid, patuloy lang ito sa pagtakbo hanggang sa makita niyang palapit na ang mga malignong humahabol dito. One of the monsters sprang away from the pack and lunged at Jane. It then seized her and grabbed her, Anna saw blood spurting from her sister and heard her screaming for help...

Anna opened her eyes—she was having a nightmare again.

Napasulyap siya sa may bintana ng eroplano at agad na inalis ang tingin doon nang makita ang mga ulap. Some of the clouds were, in her eyes, shaped terrifyingly. Ipinikit uli niya ang mga mata pero wala na siyang balak matulog. Ipinasiya niyang umuwi agad nang malaman ang nangyari sa kapatid. Lagi na siyang hirap makatulog at kapag nakakatulog naman siya, agad na dinadalaw siya ng masamang panaginip tungkol sa kapatid. Kailangan sigurong huminto na muna siya sa pag-iyak, sa pagdadalamhati at sa pagtatanong kung sino ba ang dapat sisihin sa nangyari sa kapatid, ang kailangan niyang munang gawin ay ang harapin ang katotohanang wala na si Jane, na kailangan niya itong ilibing at bigyan ng lakas ng loob ang kanyang ina. Kailangan din niyang pagmalasakitan a ng sarili.

Ayon sa mga pulis, nagpakamatay si Jane. There was no foul play. Mali ang unang hinala nina Emma na may ibang taong pumasok sa simbahan habang narooon si Jane at siyang pumatay dito. Proof of it was the suicide note she left behind, which they found inside her room, on top of her dresser. Nasa sulat-kamay ng kanyang kapatid ang maikling liham na iyon ng pamamaalam nito.

Gusto ni Jane na doon siya ilibing sa simbahan na 'yon, sabi sa kanya ni Emma habang kausap niya ito isang araw bago siya bumiyahe pauwi.

Sabi pa ng mga pulis, lubha sigurong naapektuhan si Jane sa nangyari kay Alfred, na naawa ito ng husto sa nangyari sa lalaki. Katibayan daw niyon ay ang paggaya nito sa paraan nang pagpapakamatay ni Alfred.

Nothing supenatural happened to Jane, they said. Alam daw ni Jane na hindi na ito magtatagal at nahihirapan na rin ito. And there was a strong possibility that she just decided to make her death dramatic.

Walang plano si Anna na sundin ang huling habilin ng kapatid na ilibing ito sa abandonadong simbahan.

She arrived at the airport at seven in the evening and was met at the airpor by her Uncle James and his twenty-one year old son, Andrew.

"Sigurado na ba na nagpakamatay si Jane, Tito?" tanong niya sa tiyuhin habang ipinagmamaneho siya nito pauwi.

Malungkot na tumango ito. "May suicide note," sabi nito. "Yong patalim na nakuha sa kanya, dala niya 'yon nang magpunta siya sa simbahan."

Napapikit si Anna sa panlulumo.

Inilabas niya ang cell phone at tinawagan si Emma at ipinalam na nakauwi na siya.

"Si Mama?" tanong niya sa pinsan.

"Nandito, may mga kausap na bisita," sabi nito. "Teka, tatawagin ko."

"Huwag na, sabihin mo na lang na nakauwi na 'ko," sabi niya. "Kakausapin ko na lang siya pagpunta riyan." Pagkatapos ay tinapos na niya ang pag-uusap nila.

LOVE AFTER DEATH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon