"Kamag-anak ka ni Alfred?" patanong na pag-ulit ni Henry sa sinabi ni Althea, nakatitig siya sa mukha ng babae, inaalam kung seryoso ito o nagbibiro lang. Miniscule psychological bombs were still exploding inside his head. Pero alam ni Althea na walang puwang ang pagbibiro sa mga sandaling iyon at sa sitwasyon nila nina Anna.
Tumango ito. "We're blood-related," pagkumpirma nito, "so, you and me are also blood-related."
"How are you blood-related?" tanong ni Henry. Wala siyang natatandaang nabanggit si Fernando na pangalang Althea sa mga naging anak o apo ng mga kapatid ni Alfred.
"My grandfather, Armando, was the grandson of Arcadio," sagot ni Althea. "And Arcadio was the older brother of Alfred."
"Ano ang pangalan ng mother mo?"
"Melinda."
Melinda? Agad na hinalungkat ni Henry sa utak niya kung sino si Melinda. Nagkaroon ito ng dalawang anak, base sa kuwento ni Fernando. "Dalawa ang naging anak ni Melinda, alam ko," sabi niya. "Sina Rafael at Leila. "Wala siyang anak na Althea ang pangalan."
"Sina Rafael at Leila," sabi ni Althea. "Mga bata pa lang sila ay namatay na ang mga magulang nila, dinala sila sa isang bahay-ampunan dahil walang kamag-anak na gustong kumupkop sa kanila. Pero isang taon pa lang sila ay nasunog na ang bahay-ampunan na kinaroroonan nila."
"Pareho silang namatay sa sunog."
"Nakaligtas sila," pagkontra ni Althea sa sinabi niya. "The authorities were clumsy, everyone that went missing, whose bodies they didn't find inside the burned-down orphanage, they declared dead. Pero nakaligtas sina Rafael at Leila. Nagkahiwalay sila nang nang tumakas sila sa nasusunog na bahay-ampunan. Pero masuwerteng may kumupkop sa kanilang mga pamilya at inalagaan at minahal sila at pinalaki. Kung kailan nasunog ang orphanage, saka may umampon sa kanila." Sinundan ni Althea nang malungkot na ngiti ang sinabi. "And luckily, Rafael and Leila, they also found each other again and they would always communicate with each other..." Huminto si Althea at nang muli itong magsalita, may narinig na si Henry na kirot sa boses nito. "...until Rafael died." She paused, then she said, "I'll show you something, Henry."
Tumalikod sa kanya si Althea at itinaas nito ang damit. Sa likod nito, nakita ni Henry ang isang malaking pilat mula sa pagkasunog. It was an ugly burn scar located near her left shoulder. Agad ding ibinaba ni Althea ang damit at muling humarap sa kanya. "I am Leila," sabi nito. "Pero binigyan ako ng bagong pangalan ng pamilyang umampon sa 'kin."
"Si Francis? Sino siya?' tanong ni Henry kahit parang alam na niya kung sino ang lalaki.
"Si Francis?" She sighed and paused. "Siya si Kuya Rafael," pagkumpirma ng babae sa iniisp niya. "Kagaya ko, binigyan din siya ng ibang pangalan ng pamilyang kumukop sa kanya. Siguro, dahil nang makita nila kami, pareho naming hindi maalala ang mga pangalan namin. Nakita nila kami no'ng pareho kaming tumatakas sa nasusunog na bahay-ampunan... we were in shock, we were traumatized...we were hurting..."
Nakatayo lang si Henry sa harapan ni Althea, sunud-sunod ang dating nang nakagugulantang na impormasyon na parang gusto nang sumuko ng isip niya at mablangko. But amidst the confusion, he was sensing hope.
"Nalaman ko lang 'yong mga nangyayari kay Kuya Francis no'ng mamatay na siya," pagpapatuloy ni Althea. "It was his wife who told me what happened before he died... and she thought it was unbelievable... bakit daw magnanakaw si kuya sa isang bahay gayong kaya naman niyang bilhin kahit 'yong bahay na 'yon? Pero ako, may idea na 'ko kung ano ang nangyayari nang mabasa ko sa news 'yong connection ni Jane kay Alfred... even before the tragedy with Jane, marami nang trahedya at malulungkot na bagay na nangyari sa angkan namin, unang-una na 'yong pagkamatay ng mga magulang ko, sa mga lolo at lola ko, sa mga tiyuhin, some of them died in horrible accidents, 'yong iba, bata pa ay namatay sa sakit na hindi matukoy kung ano... alam kong may kinalaman do'n 'yong pagiging kaanib ni Alfred noon sa kultong sumasamba sa demonyo... so I immediately planned to go home... I know how to stop Alfred..."
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Horror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...