Pagkatapos tawagan ang pulis na nag-imbistiga noon sa kaso ni Francis, tinawagan din ni Anna ang Tito James niya at si Henry. Hindi na siya nagkuwento sa tiyuhin at sa nobyo, sinabihan na lang niyang agad siyang puntahan ng mga ito. Naunang dumating ang tiyuhin niya na sinundan ng pulis pagkaraan ng kalahating oras. Pumasok ang pulis sa kuwarto ni Jane at pagkatapos ay sa kuwarto niya. Binanggit ni Anna sa pulis ang pananakal at paghahanap sa kanya at kay Emma ng salarin kay Jane. Sinang-ayunan ng pulis ang hinala ni Anna na malamang na pag-aari din ni Jane ang anumang hinahanap ng lalaki sa kuwarto niya.
Hiniling ng pulis sa kanya na ilarawan niya ang hitsura ng lalaki.
May dalawang oras nang nakakaalis ang pulis nang dumating si Henry.
"What happened?" tanong nito nang salubungin niya ng mahigpit na yakap.
"May pumasok uling lalaki rito," sagot niya habang nakasubsob pa rin sa dibdib nito at nakayakap dito.
Nakita niya ang pagguhit ng pag-aalala at pagkatapos ay galit sa mukha ni Henry nang sabihin niya ritong tinangka siyang patayin ng lalaki.
"I would never let him lay a hand on you again," he vowed, then wiped her tears with his fingers. At sapat na iyon para mabawasan ang takot niya.
Hindi lang ang paglalagay ng bakal sa mga bintana ng kuwarto ni Anna at iba pang seguridad sa bahay ang inialok sa kanya ng tiyuhin—he wanted to give her an armed bodyguard, someone who would be with her twenty-four seven.
Pinayuhan siya ni Henry na tanggapin iyon.
Dumating din kinagabihan ang magiging bantay nila. Sa sala nila pinatulog. Zaldy ang pangalan nito at dating pulis.
Kinabukasan, nakatanggap si Anna ng tawag mula sa pulis na nag-iimbistiga sa kaso.
"Check mo 'yong email mo, ma'am," sabi sa kanya ng pulis. "Nagpadala ako ng police sketch ng suspect, pakitingin kung kamukha."
She checked her email and found that the sketch was quite accurate.
Nang lumabas ang balita tungkol sa insidente sa mga diyaryo, kasama na roon ang mukha ng lalaking sumakal sa kanya at ang panawagan sa mga taong nakakilalala rito na makipag-ugnayan sa mga pulis. Nang araw din na iyon na lumabas sa mga pahayagan ang mukha ng lalaking sumakal sa kanya, nakatanggap si Anna ng tawag mula kay Lizzie.
"Anna, si Ruben 'yon," sabi ni Lizzie nang sagutin niya. "Ruben Villardo."
"Sino si Ruben?"
"Yong pumasok sa kuwarto mo, 'yong sumakal sa 'yo, " sabi nito sa tunog-kinakabahang boses. "Si Ruben'yon."
"Kilala mo siya?"
"Pinsan siya ni Francis," sagot nito bago hiniling na puntahan niya ito sa bahay para doon sila mag-usap. "And please don't call the police, the cops are traumatizing my daughters. At ayokong dagdagan 'yong mga pag-uusapan sa 'kin ng mga kapitbahay ko."
Pero pumayag ito na magpasama siya kay Henry. Sila na lang daw ni Henry ang magsabi sa mag pulis ng anumang mapag-uusapan nila at handa raw si Lizzie na kumiprmahin ang mga iyon.
Tinawagan ni Anna si Henry at nagpasama sa bahay ni Lizzie. Her uncle was out of town at that time and she left Zaldy, her bodyguard at the house to stay with her mother and Emma. Nasabi na niya kay Henry bago pa man sila umalis ng bahay kung ano ang sadya nila kay Lizzie—ang kausapin ito tungkol kay Ruben—pero halos hindi sila nag-uusap habang ipinagmamaneho siya nito patungo sa Makati. Nakatutok sa pagmamaneho si Henry, sinisigurong mabilis pero ligtas silang makakarating kay Lizzie, habang siya, hindi na siya makapag-isip nang maayos matapos niyang makausap si Lizzie at malaman na kilala nito ang lalaking nagtangkang pumatay sa kanya. Nararamdaman pa rin niya ang mga kamay ng lalaking iyon sa leeg niya, pati na ang matinding takot na idinulot niyon sa kanya: inisip niyang mamamatay na siya ng mga sandaling iyon, na mamamatay siyang hindi na malalaman kung ano ang kailangan ni Francis sa kapatid niya.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Horror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...