Chapter 9

941 12 1
                                    


Mag-aalas-diyes na nang umaga nang magising si Anna. Tanghali na iyon pero kulang pa rin siya sa tulog. Naubos ang magdamag niya kabibiling at kaiisip kay Henry. Kung siya lang ang masusunod, matutulog uli siya at mananatili lang sa ibabaw ng kama maghapon. She saw a text message from Henry when she picked up her phone from the bedside table. Good morning, bati nito sa kanya, pupuntahan agad kita 'pg natapos ko un mga kailangan kong asikasuhin ngaun.

Nag-reply siya ng gud morning, pagkatapos ay ibinalik na sa ibabaw ng mesa ang cell phone, Napakalaki ng posibilidad na magwakas na sa araw na ito ang kasisimula pa lang na relasyon nila. Magdamag na siyang nag-isip kung ano ang posibleng dahilan at hindi binanggit sa kanila ni Henry na nagpunta ito sa burol ni Jane. Bakit ito umarte na parang unang beses lang na nakita sila nito nang iligtas siya nito sa simbahan? Hindi siya maniniwala kung sasabihin ni Henry na may iba itong pinuntahan sa puneraryang iyon at nadaan lang at naisipang sumilip sa kuwartong kinaroroonan ng mga labi ni Jane. Tama si Emma, puwede niyang paniwalaan iyon kung hindi nila ito nakita sa loob ng abandonadong simbahan nang magpunta sila roon. It would be too much of a coincidence, kung sasabihin ni Henry na nagkataon din lang na nakita sa simbahang iyon. Tanga lang ang maniniwala sa palusot na nagkataon lang pareho ang dalawang insidente na iyon.

Para kasing sinusundan sila ni Henry.

Pero bakit?

Dahil nga gaya ni Francis ay may kailangan ito sa kanila—partikular kay Jane? At hindi gaya ni Francis na naging agresibo agad, ang diskarte ni Henry ay kaibiganin muna sila at kunin ang tiwala nila para buong puso nilang ibigay rito ang kailangan nito sa sandaling hingin sa kanila. Naibigay na nga niya ang katawan niya rito, ano pa iyong kung anumang materyal na bagay na kailangan nito.

Pasado alas-tres nang hapon nang dumating si Henry sa kanila.

Awtomatikong ngumiti ang lalaki nang makita siya at ng mga sandaling iyon, parang handa na si Anna na patawarin na ito sa lahat ng kasalanan nito sa kanya, pati na sa mga kasalanang iniisip at pinaplano pa lang nitong gawin. He looked good in his white- long sleeve polo and when he took his shades off while walking towards her, it was like she was watching a commecial featuring a gorgeous commercial model—and whatever she was endorsing, she would buy in bulk.

Ipinaalam lang niya kay Emma at sa ina na bisita niya si Henry bago niya ito niyaya sa may likod-bahay. Magkatabi silang naupo sa ilalim ng isang bangkitong kahoy sa lilim ng isang mayabong na puno. Bumuntung-hininga si Anna bago inilabas ang cell phone ni Emma mula sa bulsa niya at iniabot kay Henry.

"Ano 'to?" tanong ni Henry habang hawak ang cell phone.

"Baka puwedeng ipaliwanag mo sa 'kin 'yong ilang pictures na nandiyan?"

Hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ni Henry habang nakatingin ito sa hawak na cell phone, binabantayan niya kung ano ang reaksiyon na rerehistro roon. Would it be guilt? Would he be shocked that he got discovered? Would he be embarrassed? Would he scamper away? "Burol ni Jane 'to," kaswal lang na sabi nito habang nakatingin sa litrato.

"Oo," sabi niya, lumunok siya, natatakot sa magiging sagot nito sa susunod na sasabihin niya. "At nandiyan ka."

"A, oo," kaswal lang na sabi nito.

"Ano ang gingawa mo riyan?" tanong niya, nagtataka sa halos kawalan ng reaksiyon sa mukha ng lalaki.

"I read about it in a newspaper," sagot ni Henry. "Naro'n din sa newspaper kung saan nakaburol si Jane. Gusto ko sanang makiramay pero nahiya naman akong hanapin 'yong pamilya no'ng namatay no'ng nadoon na 'ko. I wasn't sure kung paano kayo magri-react sa pakikiramay ng isang estranghero."

LOVE AFTER DEATH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon