Chapter 3

1.2K 16 0
                                    


Nagsisisigaw sa takot si Anna habang nakatingin pa rin sa malaking ahas na nakapulupot sa krus at handa na siyang tuklawin. Mabilis siyang nahatak ng tiyuhin niya palayo sa krus at kasunod niyon, may narinig silang malakas na kalabog. Napasigaw uli si Anna pati na si Emma nang bumagsak sa lupa ang malaking ahas. Nagtakbuhan sila palayo sa ahas papunta sa pinto. Nakalabas na silang lahat nang simbahan nang saka lang siya may napansin—may iba pang tao sa loob ng simbahan. Isang lalaki na sa halip na lumabas ay naglakad palapit sa malaking krus.

Nakita nilang yumuko ito, may nakasabit na camera sa leeg nito, dumampot pala ito ng isang malaking bato at malakas na ibinagsak nito sa lupa. Nakita pa nilang parang may kung anong sinisipa ito sa lupa bago sumulyap sa kanila at ngumiti. "Okay na," sabi nito, nasa late twenties or early thirties na siguro ang edad nito. "Puwede n'yo nang ituloy 'yong ginagawa n'yo."

Ang tiyuhin ni Anna ang unang kumilos at humakbang papasok sa simbahan. Lumapit ito sa kinaroroonan ng lalaki at may niyuko rin sa lapag, pag-angat nito ay kinawayan sila para pumasok. "Patay na 'yong ahas," pagkumpirma nito.

Pumasok uli sila ni Andrew sa simbahan pero si Emma ay naiwan. "Baka may ahas pa diyan," sabi nito. "Dito na lang tayo."

"Wala na," sabi ni Anna kahit hindi naman siya sigurado roon. It was just that the presence of the stranger was quite reassuring. Naintindihan na rin niya ang nangyari kanina, iyong may kumalabog at pagkatapos ay nalaglag sa lupa ang ahas na naging dahilan para hindi siya maabot nito—binato ng lalaki ang ahas.

Iniligtas nito ang buhay niya.

Gustong manlaki ng ulo niya at manlamig ang katawan nang makita ang ahas. It was a cobra, one of the most venomous snakes in the world. Sa laki nito ay iisipin mong isang sawa. Hinawakan ng lalaki ang kamera nito at kinunan nglarawan ang patay na ahas.. Inilabas ni Andrew ang cell phone nito at ginaya ang lalaki at kinunan din ng litrato ang ahas. Durog na ang ulo ng hayop pero kung wala ang lalaki at kahit nahatak na siya ng tiyuhin niya, siguradong aabutan pa rin siya ng ahas at matutuklaw siya.

Yumuko ang lalaki at dinampot ang ahas at iniangat, para ipakita siguro na patay na talaga ito. "If one of you was bitten by this," sabi nito. "It's goodbye. Sampung kilometro yata ang layo ng pinakamalapit na hospital dito."

Gusto uling manlamig ng katawan ni Anna. "Totoo bang ahas 'yan?" tanong niya.

Napatingin sa kanya ang tiyuhin niya at ang lalaki, parang parehong nalito sa sinabi niya.

"A-ang ibig kong sabihin, hindi ba evil spirit 'yan?"

Nakita niyang bahagyang napangiti ang lalaki. "Evil spirit?"

"T-This church, sabi nila, haunted 'tong lugar." At nakapulupot sa krus ang ahas nang makita nila ito. Hindi ba parang may gustong ipakita sa kanila ang ahas o ang ispiritu ng demonyong nagpapanggap na ahas? Ipinapakita nito na mas makapangyarihan ito kaysa sa sinisimbulo ng krus.

"Yeah, I heard that."

"K-Kaya nga, baka nga... masamang ispiritu 'yan... na nag-anyong ahas lang..."

"Puwede," sabi ng lalaki. "Pero puwede ring ordinaryong ahas lang 'to at nabulabog lang nang pumasok kayo. Tumingin ka sa paligid, parang gubat na 'tong lugar at 'di ba sabi nila, may ahas sa lahat ng gubat. Saka kung demonyo 'to, hindi dapat nadurog ang ulo nito sa bato." Sinundan nito ng maikling tawa ang sinabi, pagkatapos ay binitiwan na nito ang ahas at inilahad ang kamay sa kanya. "Ako nga pala si Henry," pagpapakilala ng lalaki sa sarili.

LOVE AFTER DEATH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon