Labinglimang minuto bago mag-alas-diyes nang umaga, sumilip si Anna sa bahagyang nakaawang na kuwarto ni Jane. May bilog na mesa silang inilagay doon kung saan kasya ang apat na tao, nakaupo na sa may mesa ang medium na si Clara—iyon lang ang gusto nitong itawag nila rito— at nakapikit at nakatungo na parang nagdarasal. Ayon kay Henry, animnapu't dalawang taong gulang na si Clara at biyuda at isang retiradong empleyada ng gobyerno. Hindi nito hanapbuhay ang pagtawag at pagkausap sa mga patay, sabi ni Henry sa kanya, dahil may kaya na ito noon pa at ngayong retirado na ay suportado ito ng mga anak na magaganda ang mga trabaho. Hindi lang daw talaga nito ipinagdadamot ang kakayahan nito lalo na kung makakatulong. She previously worked for the Department of Social Welfare and Development, so she probably always had the inclination to help.
Hindi nag-iisa si Clara nang dumating sa bahay nila kaninang mag-aalas-nuwebe nang umaga. Kasama nito ang pamangking si Patricia, na tatlumpo't apat na taon na at sa isang ahensiya rin ng gobyerno nagtatrabaho.
Both Clara and Patricia wore casual clothes—blouse and skirt for Clara, blouse and pants for Patricia. Nakakuwentuhan ni Anna ang mga ito kanina bago pumasok sa kuwarto ni Anna si Clara. Ayon kay Clara, dalaga pa raw ito nang malaman nito na may kakayahan itong makipag-communicate sa mga patay. Madalas daw, sa panaginip nito ipinararating ng mga namatay ang mensahe ng mga ito. Minsan, bigla na lang may papasok na mensahe sa isipan nito, mensaheng agad na mauunawaan nitong para sa isang kamag-anak nang isang namatay. And yes, Clara had seen a few ghosts. And yes, Anna believed her.
Limang minuto bago mag-alas-diyes, pinapasok na sila—si Anna, ang kanyang ina, si Emma at si Patricia. Naiwan sa labas ng kuwarto si Henry, ang tiyuhin niya at ang mga anak nitong si Andrew at Ingrid. Gusto sanang pumasok nina Andrew at Ingrid pumasok at manood, pero ayon kay Clara, madas daw na nabubulabog ang isang kalukluwa kung marami itong taong makikita. Hindi raw sana tatanggi si Henry kung isasama ito sa ritwal pero ayon kay Clara, mas maganda raw na mga kamag-anak ang sasama rito sa pagtawag sa kaluluwa ni Jane. Hindi raw mag-aatubili ang ispiritu ni Jane na makipag-usap sa kanila kung makakakita ito ng mga kamag-anak nito sa kuwarto. Saka baka makabigat pa at makagulo ang kawalan ng pananampalataya ni Henry sa kakayahan ni Clara, iniisip ni Anna. Hindi alam ni Clara na walang bilib si Henry sa mga tulad nito.
Naupo na sila sa bilog na mesa, magkaharap sila ni Clara habang magkaharap naman ang kanyang ina at si Emma. Si Patrica ay naupo sa isang bakanteng silya sa bandang sulok ng kuwarto. Ang trabaho nito? Gisingin o tulungan si Clara na labanan ang anumang ligaw na ispiritung magtatangkang pumasok sa katawan nito. Clara was a mental medium, her ability was to hear the spirit of the dead talking inside her head. The physical mediums, they were the ones who let spirits possess their body and speak through them. With a physical medium, you could actually hear the voice of the dead. Mahina raw ang katawan ni Clara para roon, hindi raw nito kakayananin na saniban ng isang ispiritu kahit sa loob lang ng ilang sandali ang katawan nito. Baka raw magkasakit ito kung marahas at bayolente ang ispiritung papasok sa katawan nito, baka raw mabaliw ito o bumigay ang puso nito at mamatay. A spirit inside you could make your heart beat ten times faster than normal. Tutulong daw si Patricia sa pagtataboy sa ispiritung gustong sumanib kay Clara sa pamamagitan ng isang dasal at malakas na pagyugyog sa katawan ni Clara o pagsampal sa mukha nito.
And Anna, definitely, would not wish to see it happen.
Nang maghawak-hawak-kamay sila at utusan ni Clara na ipikit ang mga mata nila, awtomatikong bumilis na ang pintig ng puso ni Anna. Huwag raw silang didilat hangga't hindi sinasabi ni Clara. At kung aksidente nilang mabubuksan ang mga mata, kailangan daw na agad silang pumikit uli. Never let your eyes and mind wander, Clara told them. Baka raw may maligaw na masamang ispiritu sa kuwarto at iyon ang makita nila sa sandaling ibukas nila ang mga mata nila. Para maiwasan iyon, dapat daw ay sabay-sabay silang magdidilat ng mga mata.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Horror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...