Chapter 8

858 12 0
                                    

"I used to believe in ghosts and in supernatural and paranormal," sabi sa kanya ni Henry. "Kahit sa mga medium, naniniwala ako." Sinundan nito ng parang mapaklang ngiti ang sinabi. "Kapag pumunta ka sa bahay ko, ipapakita ko sa'yo 'yong mga painting, sketch at illustration ko ng mga multo, vampires, angels, demons, werewolves, I have basically a gallery of them, most of them I did when I was still a student."

"Bakit hindi ka na naniniwala ngayon?"

Nakita uli ni Anna ang pagkislap ng kirot sa mga mata nito. "Nasa high school pa lang ako no'n nang iwanan kami ng mama ko at sumama ito sa ibang lalaki," paglalahad nito. "She wasn't my real mother, just a stepmother, anak ako ni Papa sa ibang babae na hindi niya nakatuluyan. Kung bakit hindi niya nakatuluyan, hindi ko alam. Hindi na siya nag-abalang ipakilala sa 'kin ang biological mom ko, ni pangalan niya, hindi ko alam. Hitsura niya, hindi ko rin alam. Masasalubong ko siya sa kalye and I won't recognize her. Four years old na 'ko nang magpakasal si Papa at 'yong stepmom ko. Pero minahal ko pa rin siya na parang totoong ina ko. Nang iwan niya si papa, nagmakaawa sa kanya si Papa na bumalik siya pero walang nangyari, in-abandon niya kami para sa lalaking 'yon. Na-depress si Papa at naging sakitin. Tuwing tatawag si stepmom sa 'kin noon para humingi ng tawad sa ginawa niyang pag-abandon sa 'min, mumurahin ko muna siya bago ko pagbabagsakan ng telepono. 'Yon lang naman lagi ang ginagawa niya, ang humingi ng tawad. Hindi ko alam kung bakit pero hindi siya nag-attempt na mag-explain o sabihin sa 'kin ang totoo. Hindi na 'ko bata no'n, may isip na 'ko. Dahil ba alam niyang hindi lang ako maniniwala roon? O hinihintay lang niya na si Papa ang magsabi sa 'kin? Wala tuloy akong naging choice kundi kampihan si papa at kamuhian siya. Eventually, my father recovered and moved on. Nakapag-asawa uli siya pero nauwi rin lang sa hiwalayan. But while on his deathbed, he decided to tell me the truth. I was twenty four then. That time, my stepmother had been dead for four years."

May nobyo na raw ang stepmom ni Henry nang makilala ito ng kanyang ama.

"Pero niligawan pa rin niya si Mama," pagpapatuloy ni Henry. "And worse, gumawa talaga siya ng paraan para magkahiwalay si Mama at ang boyfriend nito. He set the man up, for murder, I don't know the details." She saw him grit his teeth. "Pero twelve years nakulong 'yong lalaki, nang makalaya siya, sumama na sa kanya si Mama, si stepmom. All those years, hindi naniwala si Mama na may kasalanan 'yong lalaki. Ang problema lang, hindi nila alam kung sino ang nag-set up sa kanila."

"Pero may responsibilidad na siya sa papa mo," sabi ni Anna.

"Alam mo ba kung bakit pumayag magpakasal si Mama kay Papa? Dahil nangako si Papa na tutulungang makalaya 'yong lalaki sa sandaling magpakasal sa kanya si Mama. At nangako si Mama na kung makakalaya 'yong lalaki, habangbuhay na magiging tapat si Mama kay Papa. Pero sinira ni Papa 'yong pangako niya. And in spite of that, naging mabuting asawa pa rin sa kanya si Mama at naging mabuting ina sa 'kin. I remember her unhesitatingly giving me her blood when I needed a transfusion because of an accident. I remember those nights na napupuyat siya sa pag-aalaga at pagbabantay sa 'kin tuwing maysakit ako." Marahas na nagbuga si Henry ng hangin. "Nagkataon lang na nang makalaya ang lalaki, saka niya nalaman na si Papa ang dahilan nang pagkakakulong nito. Dahil na rin siguro sa galit, sa betrayal, kaya ipinasiya niyang iwan na si Papa. Hindi sila nagkaanak."

Pagkaraan daw umamin ng kanyang ama, naging misyon na ni Henry ang makausap ang kaluluwa ng stepmother nito para humingi ng tawad dito.

"Naka-isandaang spirit medium yata 'ko," sabi ni Henry, may mapakla uling ngiti sa mga labi. "I would look everywhere for them, kahit alam kong fake, pinapatulan ko na rin. Pati ouija board, sinubukan ko pero wala, walang nagtagumpay na ipakausap sa 'kin ang stepmom ko. At araw-araw, hinihiling ko rin na magpakita sa 'kin ang multo niya. Binili ko pa 'yong bahay na kinamatayan niya at tinirhan ko ng ilang buwan sa pagbabakasakaling naglalagi ro'n ang multo niya... I would sleep on her bed, hug her pillows, whisper her name... pero wala... wala ni katiting na paramdam..."

LOVE AFTER DEATH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon