Chapter 12

843 16 1
                                    

Dinampot ni Fernando Almario ang envelope na nasa mesa at may kinuha mula roon—isang luma at black and white na litrato. Ipinatong nito ang litrato sa diyaryong nasa ibabaw ng mesa, sa tabi ng larawan ni Ruben. Halos sabay pang dumukwang sina Henry at Anna para matingnan ng malapit ang larawan ni Lucinda. Pinanlamigan ng katawan si Anna nang makitang malaki nga ang pagkakahawig ni Lucinda kay Ruben.

"Siguro, dapat ipagtanong n'yo kung sino si Ruben," sabi ni Fernando sa bahagyang gumaralgal na boses, halatang tulad nila ni Henry ay naapektuhan ito sa nakitang pagkakahawig nina Lucinda at Ruben. Sino ang hindi mayayanig? Kung iisa nga lang ang Ruben na anak ni Lucinda at ang Ruben na nagtangkang pumatay sa kanya, parang halos may katiyakan na ang hinala niyang may kinalaman si Alfred sa mga nangyayari sa kanila. Ruben was a direct descendant of Arcadio. And Arcadio was Alfred's brother. Kadugo ni Alfred si Ruben.

Ipinaghihiganti ba ng mga kadugo nito si Alfred?

Pero ano ang kasalanan nila kay Alfred?

Dahil inilayo nila si Jane kay Alfred? Gustong mailibing ni Jane sa simbahang kinamatayan nito, simbahang kinamatayan din ni Alfred at pinaniniwalaang tinatahanan ng kaluluwa nito. Jane resembled Divina, Alfred's great love. Hindi nakapagtatakang gustuhin ni Alfred na makasama ito sa loob ng simbahan. Alfred was probably thinking that Jane was Divina's reincarnation. Lalo pang nanlamig ang katawan ni Anna sa sumunod na naisip. Hindi naghihiganti sa kanila ang mga kadugo ni Alfred.

Gusto nitong bawiin sa kanila si Jane.

Jane's ashes.

Iyon ang gustong makuha sa kanila ni Francis. At ni Ruben.

At sa maling mga silid naghanap ang mga ito—dahil na sa kuwarto ng kanyang ina ang mga abo ni Jane.

"Naglayas si Ruben no'ng bata, baka nagpalit siya ng apelyido," sabi ni Fernando bago napatingin kay Anna.

Napatingin na rin sa kanya si Henry at agad na may bumahid na pag-aalala sa mukha nito. "Anna, are you all right? Parang maputla ka."

Ipinilig ni Anna ang ulo. "I-Iyong abo ni Jane," sabi niya, bahagya pang nanginig ang boses. "'yon ang gusto nilang makuha." Nananatiling nakatingin lang sa kanya ang dalawa. Nang walang magsalita sa mga ito, nagpatuloy siya. "'No'ng mamatay si Jane, nag-iwan siya ng sulat, na gusto niyang malibing sa simbahan. Siguro, 'yon ang gusto ni Alfred, 'yon ang iniutos niya sa kapatid ko. Siguro, bago nagpakamatay si Anna ay nagkakausap sila. Strange as it is, pero puwedeng may communication sila, maybe, through Jane's dreams.... O baka nagpapakita sa kanya ang multo ni Alfred at nakikipag-usap sa kanya, I don't know... " Ipinilig niya ang ulo. "Siguro, 'yon ang paraan para magkasama sila ni Alfred. Divina's gone, buried somewhere else, sa isang malayong lugar na hindi alam ni Alfred... kaya si Jane na lang ang gustong makasama ni Alfred, siguro, iniisip ni Alfred, na reincarnation ni Divina si Jane, and having Jane is like having Divina.... O baka si Jane na ang gusto ni Alfred." Anna shuddered at the thought.

"Hindi ba sabi nila, kung saan nakalibing ang isang tao, naroon madalas ang kaluluwa nito," pagpapatuloy niya. "Nasa bahay namin si Jane kaya siguro naroon ang kaluluwa niya.... Kaya siguro gustong makuha ni Alfred ang mga abo ni Jane para pumunta ang kaluluwa ni Jane sa simbahan na 'yon... wala sigurong kapangyarihan ang kaluluwa ni Jane na lumayo sa mga abo nito..."

"You're reading too many supernatural books, Anna," komento ni Henry, naghahalo ang emosyon sa mukha nito, hindi niya alam kung gustong mangiti o mairita.

"No, Henry," sabi niya. "Believe me, spirits are real, people have souls, there are ghosts.

Tumingin siya kay Fernando at tumango lang ito bilang pagsang-ayon sa kanya, si Henry ay hindi na uli nagsalita.

LOVE AFTER DEATH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon