Alas-singko pa lang nang madaling-araw ay nasa kalye na si Anna, sakay ng kotseng pag-aari at minamaneho ng tiyuhin niyang si James. Katabi niya sa back seat si Emma. Ang bodyguard niyang si Zaldy ay naiwan uli sa bahay kasama ng kanyang ina. Tatlong araw na ang nakakaraan nang tawagan siya ng isang babaeng nagngangalang Althea. Nagkausap na raw ito at si Henry.
Althea was a descendant of Alfred's brother, Arcadio. At may kapatid si Althea na nangngangalang Rafael—who turned out to be Francis. Ang Francis na pumasok sa bahay nila at may hinahanap an kung ano, na ang hula niya ay ang abo ni Jane. At si Althea, nagbago rin lang daw ito ng pangalan. Ito si Leila, ang nabanggit sa kanila ni Fernando na kapatid ni Rafael o Francis. Alam daw ni Althea kung paano wawakasan ang panggugulo sa kanila ni Alfred. Kailangan lang daw niyang sunugin ang bangkay ni Alfred na hanggang ng mga sandaling iyon ay nananatiling buo at hindi naaagnas.
"You just have to trust me on this," sabi ni Althea.
And Anna decided to do just that.
At nagulat pa siya nang malaman kung saan nakalibing si Alfred. Hindi raw kalayuan sa abandonadong simbahan kung saan ito namatay at si Jane, malapit sa ilog na nadaraanan nila tuwing pupunta sila sa nasabing simbahan. Hindi mapapansin na may libingan doon dahil natakpan na ng mga damo at mga halaman. Pero ngayon, madali raw niya iyong makikita, sabi ni Althea, dahil ang kinalilibingan ng bangkay ni Alfred ang walang damo sa lugar na iyon bukod pa sa may patay na puno sa tabi nito.
Tumanaw sa labas ng sasakyan si Anna, tumingala nang may marinig na ugong ng eroplano. Ang sabi ni Althea, pagkatapos nilang mag-usap ay lilipad na ito pabalik sa Amerika para hindi na raw ito makagulo pa sa gagawin niya. May posibilidad kasi na gamitin ito ni Alfred—at si Henry na rin—para pigilan siya sa kanyang gagawin. Napabuntung-hininga si Anna nang muling pumasok sa isipan niya ang nobyo. Dalawang buwan na silang hindi nagkikita at nagkakausap nito. And she missed him so much, na yayakapin niya siguro ito ng ubod nang higpit at hindi na niya papayagang lumayo uli sa kanya kung sakaling aksidente sila nitong magkikita. Natatakot silang dalawa na mapatay siya ni Henry kung patuloy silang magsasama pero ngayong magkahiwalay sila, parang unti-unti na rin siyang namamatay. Lalo na kung iisipin niyang baka maging permanente na ang hindi nila pagkikita. At wala siyang duda na pareho sila nang nararamdaman ni Henry.
Kailangang maghiwalay tayo na parang isa sa kanila ang namatay, natatatandaan niyang sabi ng lalaki sa kanya habang pansamantala itong nagpapaalam sa kanya.
Pero binigyan sila ng pag-asa ni Althea.
"Anna, dito na tayo," paggambala sa pag-iisip ni Anna ng boses ng tiyuhin niya.
Tumanaw siya sa labas, doon sila laging humihinto at lumalabas ng sasakyan tuwing magtutungo sila sa abandonadong simbahan. May isang kilometyo ang lalakarin niya para marating ang simbahan at kulang-kulang isang kilometro daw ang layo ng libingan ni Alfred sa simbahan. Nabawasan ang takot niya nang makitang maliwanag na. Huwag na hugaw daw silang pupunta roon nang gabi o nang madilim pa, mahigpit na bilin ni Althea.
Sumulyap si Anna sa relo niya, mag-aalas-siyete na nang umaga, siugurado siyang kung marami mang maligno at demonyo sa lugar na iyon, lahat ay nahihimbing na at naghihintay nang muling pagkalat ng dilim.
"Ayaw mo talagang samahan kita?" tanong sa kanya ng tiyuhin niya.
"Delikado raw, Tito, sabi ni Althea," sabi niya. "Hintayin n'yo na lang ako rito."
"Anna, pareho lang tayo ng nararamdamang galit kay Alfred."
Alam niyang totoo iyon at kung siya ang tatanungin, mas gusto talaga niyang tiyuhin na lang ang gumawa nang gagawin niya. Hindi niya makumbinsi ang sarili na hindi siya tatakbo sa sandaling kaharap na niya ang bangkay ni Alfred. Tumingin lang sa patay ay takot na siya, paano pa kung ang patay na iyon ay si Alfred na alam niyang may kakayahang gawan sila ng masama.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Horror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...