"Anna?"
Napalingon si Anna sa saradong pinto ng kuwarto ni Jane kung saan nanggaling ang boses ni Emma. Nakahiga siya sa kama ng kapatid. Mag-aalas-dos na nang hapon, katatapos lang niyang ayusin ang nagkalat na mga gamit ng kapatid. Kaninang umaga, bandang alas-diyes, may dumating na pulis at nag-imbistiga sa kuwarto ni Jane. Kaninang madaling-araw, isinugod nila sa ospital ang lalaking tumalon sa bintana ng kuwarto ni Jane. Apparently, from the window, the man tried to jump into one of the trees, probably hoping that the leaves would cushion him, but miscalculated—he fell and hit his head on one of the rocks scattered underneath the tree. Tumawag ng pulis ang tiyuhin niya habang nasa ospital sila at pagkaraan ng isang oras ay dalawang pulis ang dumating. The two cops talked briefly to her and her uncle, they were told to go home and the two cops then went straight to the ICU where the suspect was taken—they had been told that he had slipped into coma.
"Emma, bakit?"
Bahagyang umawang ang pinto at umilip doon si Emma. "May mga pulis sa ibaba," sabi nito.
Bumangon na sa kama si Anna at saglit na humarap sa salamin, magdamag siyang walang tulog at kita na iyon sa hitsura niya. Lumabas siya ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Sa sala, dinatnan niyang kausap ng Tito James niya ang isang pulis.
Naupo siya sa tabi ng tiyuhin niya, paharap sa nag-iimbistigang pulis.
"Miss Anna Rojas?" tanong sa kanya ng pulis.
"Yes, sir," sagot niya.
"Galing ako sa ospital," sabi nito. "Comatose pa 'yong suspect pero na-identify na siya. Francis Mercado, 'yon ang pangalan niya, thirty eight years old, may asawa at dalawang anak na parehong babae, eight years old 'yong panganay at five 'yong bunso. At ipinakita ko 'yong litrato niya sa nanay mo at kinumpirma niya na si Francis din ang lalaking nakita niya sa kuwarto ng kapatid mo. Kilala mo si Francis?"
Umiling si Anna.
"Si Jane, 'yong sister mo, kilala kaya niya si Francis?"
"H-Hindi ko lang po alam," sabi niya.
"Nakausap ko na 'yong wife ni Francis, hindi siya makapaniwala na magnanakaw si Francis dahil may pera naman sila," sabi pa ng pulis. "Engineer siya at medyo malaki ang kinikita."
Napakunot-noo si Anna. "Engineer?"
Tumango ang pulis. "At walang police record. Tinanong ko rin si misis kung kilala ka ni Francis. O kahit si Jane lang, hindi raw niya alam. Worth mentioning din siguro na sa Makati sila nakatira at nandito kayo sa Cavite at 'yong misis niya ay isang dentist."
Hindi agad nakasagot si Anna. Pinoproseso pa niya ang mga nalaman. The man was an engineer. At dentista ang asawa nito. At napakalayo ng bahay nito sa kanila. Bakit ito magnanakaw sa kanila kung ganoon? Bakit nito inilagay sa panganib ang buhay nito makapasok lang sa kuwarto ng kapatid niya? Ano meron sa kuwarto ng kapatid niya?
"Ang iniisip ko," sabi pa ng pulis. "Pagnanakaw pa rin ang pakay niya sa kuwarto ng kapatid mo pero hindi gamit na puwedeng ibenta o pagkakitaan ang hinahanap niya kundi isang partikular na bagay."
Maaari raw na may isang bagay na pag-aari si Jane na importante kay Francis, isang bagay na kung malalantad o malalaman ng mga tao ay maaaring makasira kay Francis o sa pamilya nito, kaya gustong makuha iyon ng lalaki para matiyak na hindi iyon malalaman ng publiko. Desperado na itong makuha kung anuman 'yong bagay na 'yon dahil hindi na nakapaghintay ng matgagal para pasukin uli ang kuwarto ni Jane."
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Horror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...