Anna closed her eyes as a realization suddenly dawned on her.
Hindi niya maintindihan kung bakit nawala iyon sa isip niya, kung bakit hindi niya iyon nabanggit sa mga pulis at pati na kay Henry—iyong sandaling nakita niya ang mukha ni Alfred kay Ruben. It wasn't just a simple hallucination –Alfred was connected to all this, connected to Ruben and connected to Francis.
Inabot niya ang cell phone na nasa mesa sa tabi ng kama niya at nag-text kay Henry.
Gising k p? tanong niya rito. Pasado ala-una ng madaling-araw na ng mga sandaling iyon at nasa kuwarto na niya siya at nakahiga sa kama. Sa umpisa ay tumanggi siyang puntahan ang morgeng kinaroroonan ng bangkay ni Ruben. But it was necessary that she identified him according to the cops. Kaya kasama si Henry at ang Tito James niya, nagpunta siya kanina sa morge, anim na oras makaraang matanggap nila ang balitang napatay ng mga pulis si Ruben. Tiningnan niya ang bangkay ng lalaking may isang tama ng baril sa ulo at isa sa dibdib at isa pa sa tiyan at kinumpirmang iyon nga ang lalaking pumasok sa kuwarto niya ilang gabi pa lang ang nakakaraan at nagtangkang pumatay sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang mukha ni Ruben. The man who gave her the scariest moments of life. Inisip niya talaga na mamamatay na siya habang parang bakal na nakapaikot ang mga daliri nito sa leeg niya.
Takot siyang mamatay, sino ba ang hindi? Pero mas nakakatakot palang mamatay nang hindi mo kilala kung sino ang nagtatangkang pumatay sa iyo at kung bakit ka nito gustong patayin? It felt like her soul would be eternally tortured by those questions? Sino ang pumatay sa kanya at bakit siya pinatay? It would be easier to just die of a heart attack. No questions, no one to blame, except your self and your unhealthy lifestyle. Hindi mo na rin pahihirapan ang mga maiiwan mo sa pag-iisip kung bakit sinapit mo ang ganoong klase ng kamatayan. Hindi na rin mahihirapan ang mga ito sa paghahanap ng katarungan para sa iyo.
Dumating sa morge ang asawa ni Ruben na si Karen at isang anak nitong babae habang nasa morge pa rin sila kaya nakausap niya ito. Wala raw trabaho si Ruben nang mapatay at lasenggo at madalas mapaaway. Kinatatakutan daw ito at kinaiinisan sa lugar na tinitirhan ng mga ito kaya marami sa mga ito ang natuwa pa nang mabalitaang namatay na si Ruben. Mas mukha ring nabunutan ng tinik sa dibdib si Karen kaysa sa nagluluksa. Hindi rin nila nakitang umiyak ang anak nito.
Mabilis ang naging sagot ni Henry sa text niya. Yup, y?
Tinawagan niya ito.
"I told you to get enough sleep," sabi nito nang tawagan niya.
"Paano ako makakatulog sa mga nangyayari?" tanong niya rito.
Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. "Okay, understandable talaga na gising ka pa hanggang ngayon. Bakit ka natawag?"
"May nakalimutan akong sabihin sa 'yo," sabi ni Anna. "No'ng gabing pasukin kami ni Ruben."
"Ano?"
"May ilang sandali na ang tingin ko sa kanya ay si Alfred."
"Siguro, dahil si Alfred ang laging nasa isip mo."
"Hindi, Henry, sigurado ako, may kinalaman si Alfred sa mga nangyayaring 'to."
"Anna, mahigit isandaang taon nang patay si Alfred."
"And still, he was able to harm Jane."
"Jane had problems, alam mo 'yon..."
"Kaya walang dapat sisihin sa pagkamatay niya kung 'di siya?" sabi niya, may bahid ng pagkainis ang boses. Henry, like many of the people around her, didn't believe that there was supernatural or something paranormal involved in Jane's death. Hindi siya dinidirekta pero alam niyang iniisip ni Henry at ng iba pang mga tao sa paligid niya na isa sa posibleng dahilan ng pagkamatay ni Jane ay dahil nabaliw na ito. Only someone with unsound mind would do that, stab yourself—stab your own heart. Jane had been depressed for a while and depression, they said, could really push you to do insane things. Pero si Anna, kahit minsan, hindi nawala ang paniniwala niyang may kinalaman si Alfred sa pagkamatay ng kapatid niya. Alfred lured Jane to her death, he convinced her to commit suicide.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Horror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...