Chapter 14

890 11 2
                                    


"K-kadugo ko si Alfred?" bahagya pang nautal na tanong ni Henry. "Paano?"

"Ipagpaumanhin mo kung hindi ko agad sinabi na naging bahagi rin ako ng angkan ni Alfred, Henry," sabi ni Fernando.

"Kadugo ka rin ni Alfred?" nanlalaki ang ulong tanong ni Henry rito.

Umiling ito at ilang sandaling nanahimik, parang tinitimbang ang mga sasabihin bago uli nagsalita. And for a moment there, Henry had an urge to grab him by the collar and shake him for him to immediately continue talking. "Naging asawa ko si Victoria na isa sa mga apo sa tuhod ng kapatid ni Alfred na si Arcadio," mayamaya ay sabi nito. "Matanda ako ng labinglimang-limang taon kay Victoria at alam kong hindi niya talaga ako mahal nang pakasalan niya, mayaman ang pamilya ko noon at mahirap lang sila. May apat na taon pa lang kaming nagsasama nang pagtaksilan niya ako... nagkarelasyon siya sa ibang lalaki at nagkaanak. Hindi ko siya masyadong masumbatan dahil may kasalanan din ako at ang aking pamilya sa nangyari, sinamantala ko ang pagiging mahirap ng kanyang pamilya para magpakasal siya sa 'kin. Nakipaghiwalay ako sa kanya nang nalaman kong nabuntis siya ng lalaking 'yon." Huminto ito sa pagsasalita at malungkot ang mga matang tiningnan siya. "Ikaw 'yong naging anak nila, Henry. 'Yong lalaking sinamahan ni Victoria, 'yon ay ang papa mo."

Ilang sandaling nakatitig lang si Henry sa kaharap, nababalangko ang isip niya. Gusto niyang hintaying bumawi ito at sabihing nagbibiro lang ito pero bakit nito sisingitan ng pagbibiro ang napakaseryoso nilang pag-uusap? Gusto rin niyang isipin na niloloko lang siya nito, kung bakit siya lolokohin nito ay hindi pa niya alam. He could feel his mind wanting to go haywire at that moment.

Then it sank in to him, the old man was neither joking nor trying to deceive him—he and Alfred were blood-related—and he felt like his head would explode. Halos wala sa sariling tumayo siya at naglakad nang pabalik-balik sa harapan ni Fernando.

"Magdadalawang taon ka pa lang yata nang mamatay si Victoria," sabi uli ni Fernando.

Hindi sumagot si Henry, napakaraming tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. Kilala siya ni Fernando nang lapitan siya nito at kausapin para sa libro ni Alfred. Bakit siya ang nilapitan nito? Alam din ni Fernando na miyembro ng isang kultong sumasamba sa demonyo si Alfred. Alfred was evil, and yet, Fernando introduced Alfred to him. Why? Dahil galit ito sa kanyang inang si Victoria at galit ito sa kanya? Gusto nitong maghiganti kay Victoria sa pamamagitan niya? Ang libro ni Alfred na pinagtulungan nilang buuin ni Fernando ang ugat nang lahat ng kademonyohang nangyayari ngayon sa kanya at sa pamilya ni Anna. Alam ba ni Fernando na sa sandaling lumabas ang libro ni Alfred ay lalabas din ang mga kademonyohang taglay nito na magpapahirap sa kanya at sa mga taong mahal niya? He glared at Fernando and the old man had guilt written all over his face. Tinalikuran niya ito at humakbang na siya paalis bago pa siya mawala sa sarili at maibuhos ang nararamndamang galit dito. Narinig niyang tinatawag siya ng matanda pero hindi na niya ito pinansin.

Sumakay sa kotse niya si Henry. Ilang sandali ring nakatulala lang siya sa may manibela bago niya binuhay ang makina. Pero bago niya ito napaandar, nakita niyang humahakbang patungo sa harapan ng sasakyan si Fernando, kahit hirap at may gamit na tungkod ay pilit nitong binibilisan ang paglalakad patungo sa harapan ng sasakyan niya. Ilang sandali ring nalito siya sa kung ano ang plano ng matanda habang nakatayo sa harapan ng sasakyan bago niya naintindihang gusto lang nitong bumaba siya at kausapin ito.

Grudgingly, he got out of the car and went back to the table.

"Alam ko kung san nanggagaling ang galit mo," sabi sa kanya ni Fernando habang magkaharap na uli sila nito sa mesa. "Iniisip mong isang klase ng paghihiganti 'yong paglapit ko sa 'yo at pagpapakilala kay Alfred sa 'yo."

LOVE AFTER DEATH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon