Epilogue

1.2K 15 2
                                    

Sinindihan ni Anna ang kandilang nasa tapat ng nakangiting larawan ni Jane. Kaarawan nito—mahigit isang taon na itong namamatay, at kagabi, napanaginipan niya ang kapatid. Saglit lang itong nagpakita sa kanya pero sapat na iyon para bigyan siya ng kasiyahan at kapanatagan ng isip. Nakita niya si Jane, nakasuot ng puting damit, nakatuntong sa puting mga ulap at nakatingin sa kanya at nakangiti.

Jane looked really peaceful and happy.

Ilang buwan na mula nang magtagumpay silang gawing abo ang hindi naaagnas na bangkay ni Alfred. Malinaw pang naaalala ni Anna ang lahat nang nangyari nang umagang iyon, ang paghuhukay niya sa libingan ni Alfred gamit ang dalawa niyang kamay, ang pagsasaboy niya ng gasolina sa hindi naaagnas na bangkay ni Alfred at ang pagpapaliyab niya rito.

At ang pagdating ni Henry.

Nakakulong daw sa kuwarto niya si Henry nang umagang iyon nang may maring itong tumatawag sa pangalan nito. Tinakpan nito ang mga tenga nang matiyak na si Alfred ang may-ari ng boses na iyon. Pumasok sa banyo si Henry. He turned the shower on without taking his clothes off. Hinayaan nitong bumuhos ang malamig na boses sa katawan nito sa pagbabakasakaling itataboy niyon ang boses ni Alfred. Pero lalo lang lumakas ang pagtawag sa kanya ni Alfred. Inisip daw nitong itali ang sarili, iyong hindi nito makakalag.

But then, he blacked out before he could do it.

Ang sumunod daw na namalayan ni Henry ay nakaupo na ito sa nagpuputik na lupa at sa harapan nito ay may nagliliyab na hukay. Hindi nito alam na libingan ni Alfred iyon at galing mula sa natupok na katawan ng lalaki ang mga abong kasalukuyang nililipad ng hangin mula sa hukay. Hindi maalala ni Henry na lumabas ito ng bahay at nagmaneho patungo sa kinaroroonan ni Anna. Nakita nila ang kotse nito hindi kalayuan sa abandonadong simbahan, nakabangga ito sa isang malaking puno.

Pagkatapos niyon, hindi na uli nagparamdam sa kanila si Alfred, kahit pa sa panaginip ay hindi na nila uli ito nakita.

And the abandoned church, a recent earthquake in the province where it was located flattened it to the ground.

Pinaplano na nila niHenry ang kasal nila at ang isa sa mga agad ay napagkasunduan nilang desisyon tungkol sa kasal: Althea would be one of the bridesmaids. ®®®

LOVE AFTER DEATH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon