Parang magkakasakit ang pakiramdam ni Anna.
Mag-iisang oras na yata siyang nakaupo sa ibabaw ng kama niya, mag-aalas-tres na nang madaling araw, nagising siya mula sa napakasamang panaginip na iyon kung saan nakita niyang nakapako sa isang krus si Jane. Ang una niyang ginawa ay ang tawagan si Jane pero natutulog na daw ito, sabi ni Emma. Nakababatang kapatid niya si Jane, dalawampu't tatlong taon na ito, apat na taon ang tanda niya rito at si Emma ay pinsan nila, na mas matanda naman ng anim na taon sa kanya. Jane had leukemia. At si Emma ang tumutulong sa kanyang ina na mag-alaga rito. Nagbitiw sa trabaho nito si Emma at nagprisintang magbantay kay Jane habang naghahanap ito ng bagong trabaho. Anna was giving her some allowance for it. Ang kanilang ama ay may isang taon nang patay, atake sa puso. Namatay na ito bago pa man nila nalamang may malubhang sakit ang kapatid niya. Jane had also resigned from her job, and Anna was planning to hire a nurse to look after her once Emma found a new job, which was ironic because she was a nurse herself.
Nandito siya sa England, sa London, at dito nagtatrabaho. Pero nagdesisyon siyang pumunta rito hindi para takasan ang responsibilidad niya kay Jane kundi para kumita ng mas malaki at mas makatulong kay Jane. Pero ang pangunahin nilang kailangan para sa sakit ng kapatid sa mga panahong iyon, perang hindi nila makukuha kung dadaanin nila sa emosyon ang lahat.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tinawagan uli niya ang cell phone ng kapatid habang nakaupo pa rin sa ibabaw ng kama.
Pero si Emma uli ang sumagot. "Tulog pa rin siya," sagot nito. "Baka magtuluy-tuloy na ang tulog niya, alas-otso na kasi."
"A," sambit niya. "Is she okay?"
"Maayos naman siya, parang napagod lang."
Napapikit siya nang marinig ang sinabing iyon ni Emma, naalala na naman niya ang napanaginipan. "Hindi mo kasi siya dapat pinayagan," sabi niya, nagpipigil ng galit.
"Mapilit kasi siya." May naririnig na siyang bahagyang pagkairita sa boses ni Emma dahil pangatlong beses na yata nilang pinagtatalunan ang bagay na iyon. At alam naman niyang kung may dapat sisihin sa nangyari, si Jane iyon. Hinid lang niya maiwasang mapagbuntunan ng init ng ulo ang pinsan.
"Si Tita Rowena ang pumayag," sabi nito nang manatili siyang tahimik, na ang tinutukoy ay ang kanilang ina. "Para maarawan naman daw siya, lagi na lang kasi siyang nasa bahay."
"May dahilan kaya siya nasa bahay, Ate Emma."
Hindi ito kumibo.
"Hindi na mauulit 'yon, ha, Ate?"
"Oo," pangako nito. "Sabi niya kasi, may kikitain siyang kaibigan do'n, hindi ko naman alam na nagsisinungaling siya." Tumahimik ito ng ilang sandali bago uli nagsalita. "Pero parang Gusto na namang mairita ni Anna sa narinig. "Alam mo ba 'yang sinasabi mo?"
Hindi ito sumagot.
Agad ding nagsisi si Anna sa pagkastigo rito. "Sige na, tatawag na lang uli ako bukas," sabi niya bago tinapos na ang usapan nila.
Bumalik siya sa pagmumukmok sa ibabaw ng kama. May dahilan naman siya para mag-alala at matakot sa kapatid. Kahapon, nagkuwento sa kanya si Jane. Nagtungo ito sa isang probinsiya—na mahigit dalawang oras ang layo mula sa lugar nila—kasama si Emma at dalawang kaibigang babae, sa isang baryo roon—na wala na raw residente— kung saan may isang abandonadong simbahan na daan-daang taon na ang edad at kondenado na dahil mga lindol na tumama roon. Pumasok sa loob ng simbahan si Jane, naiwan ang mga kasama nito sa labas na natatakot dahil parang guguho na ang simbahan. The church also looked haunted, Jane told her. At hindi na raw nakapagtataka iyon dahil may mga namatay na sa loob niyon, ilan sa mga namatay na iyon ay isang paring naaksidente raw nang tamaan ng lindol ang nasabing simbahan, ang isa pa ay pari ring inatake sa puso nang luminbdol. Tatlumpung taon daw ang pagitan ng dalawang trahedyang iyon.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Terror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...