Pagod na pagod ang pakiramdam na nahiga si Henry sa kama niya sa loob ng kanyang kuwarto. Kauuwi lang niya galing kina Anna. Sinamahan lang niya ang mga ito sa bahay ng mga ito bago dumiretso na siya ng uwi sa bahay. Nawalan daw siya ng malay habang nasa labas ng simbahan, nagising siyang nasa loob na ng kotse niya na minamaneho ni James—may kalahating oras na raw siyang walang malay ng mga sandaling iyon. Nasa likurang upuan siya, napapagitnaan nina Emma at Anna. Nasa unahang upuan si Father Cortez. Dadalhin siya ng mga ito sa ospital pero tumanggi na siya at ipinilit na mabuti na ang pakiramdam niya.
Nagdahilan siya na kulang lang sa tulog kaya nahilo. Sa umpisa ay nagpumilit pa si Anna na magpatingin siya sa doktor pero nakumbinsi rin niyang huwag na lang at umuwi na lang sila matapos mangako ritong babawi siya ng tulog at pahinga. Una nilangg inihatid si Father Cortez bago sila nagtuloy sa bahay nina Anna. Gusto pa ni Anna na ipagmaneho siya ng tiyuhin nito pauwi pero tinanggihan din niya iyon. Nakapagmaneho siya pauwi nang hindi na nakaramdam ng hilo.
Maliligalig lang ng husto si Anna pati na ang iba pa nilang kasama kung sasabihin lang niya sa mga ito ang totoong nangyari sa kanya kanina. He closed his eyes and images of what occurred earlier instantly flashed before him. At agad ay nanlamig ang katawan niya.
Kanina, habang nasa loob sila ng simbahan, nakita niyang may nakatayo sa tabi ng malaking krus. Nakita niyang lalaki ito nang titigan niya—si Alfred. Nakatingin ito sa kanya. May kadiliman sa kinatatayuan nang nakita niya ang imahen ni Alfred pero sigurado siyang ang lalaki ang nakita niya. Pagkurap niya, nawala ito kaya inisip niyang namalikmata lang siya. Pero kasunod niyon, naramdaman niyang biglang uminit, parang nadoble bigla ang temperatura sa loob ng simbahan. Pagbalik ng tingin niya sa tabi ng krus, may nakita siyang nakalutang na mapusyaw na liwanag doon. Tiningnan niya ang mga kasama, parang walang napapansin ang mga ito, na parang siya lang ang nakakakita sa liwanag. Then, the light suddenly took a shape—a figure of a human.
It was like a shadow made of light.
Hindi lang niya masabi kung lalaki iyon o babae.
Was it a ghost?
Bago pa makatutol ang lohikal na bahagi ng isip niya, naramdaman niyang parang gumagalaw ang lupang kinatatayuan niya. Ang unang pumasok sa isip niya ay lumilindol. Tiningnan uli niya ang mga kasama pero wala siyang nakitang reaksiyon sa mga ito. Siya rin lang ang nakakaramdam ng tila mahinang pagsayaw ng lupa. Nang ibalik niya ang tingin sa liwanag, bahagya siyang napaatras nang makitang lumulutang iyon papalapit sa kanya.
At kasunod niyon ay may narinig siyang parang bumubulong...
Henry...
May tumatawag sa pangalan niya... boses ng isang lalaki...
Henry...
Para siyang nagising sa isang masamang panaginip nang maramdaman niyang may humawak at marahang yumugyog sa kanya—si Anna. Tinanong nito kung ano ang nangyayari sa kanya. Nagpaalam siya ritong lalabas sandali ng simbahan, mainit na mainit pa rin ang pakiramam niya noon, wala na siyang narararamdamang paggalaw ng lupa pero nahihilo pa rin siya. Naglakad siya palabas ng simbahan, ang balak niya ay maglakad nang maglakad para ipagpag ang kung anumang kakatwang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pero hindi pa siya nakakalayo sa simbahan ay muli niyang narinig ang boses na iyon na mahinang tumatawag sa pangalan niya at naramdaman niya ang paggalaw ng lupa.
He felt like the world had turned upside down—and then he collapsed and he blacked out.
Nasa kotse na niya siya nang magkamalay. Ano ang nangyari sa kanya? Nagpakita ba sa kanya ang multo ni Alfred? Iyong liwanag na naghugis-tao, sino iyon? Si Alfred din? Posible, pero posible ring hindi. Alam niyang hindi lang si Alfred ang namatay sa simbahang iyon. May mga paring namatay din doon. At si Jane, sa simbahan ding iyon ito namatay. Kung multo ang liwanag na iyon, siguradong iyon din ang may-ari ng boses na narinig niya. Boses iyon ng lalaki—kaya hindi si Jane ang nakita niya. The voice sounded rough and hoarse. Boses ba ni Alfred iyon? Nakita niya si Alfred bago niya nakita ang liwanag. Kaya malamang na kung multo ang mapusyaw na liwanag na nakita niya, si Alfred iyon. Pero bakit siya pagmumultuhan ni Alfred?
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Horror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...