"Medium?" paniniyak ng kanyang ina kay Anna nang banggitin niya rito ang kanyang plano habang kasabay niya itong nag-aalmusal at si Emma.
"Yes, ma, medium," kumpirmasyon niya. "Tatawagan niya ang kaluluwa ni Jane para makausap natin."
"Ayoko," mariing tanggi ng kanyang ina.
"Bakit, ma?"
"Nananahimik na ang kapatid mo."
"Ma, hindi natin alam 'yon," pangangatwiran ni Anna. "Baka nga naliligalig siya ngayon dahil nahihirapan tayo rito, baka gusto niyang makatulong sa 'tin, wala lang siyang paraan."
"Totoo ba 'yon, Anna?" tanong ni Emma.
"Ang alin?"
"Na puwedeng makausap ang isang kaluluwa?"
"Hahanap tayo ng totoong medium," sagot niya.
"May totoong medium ba?"
"Meron," sabi niya, may mga nabasa na siya at napanood na nagpapatunay na nakakausap ang mga kaluluwa. "Itatanong lang naman natin kung kilala niya si Francis at kung ano ang kailangan nito sa kanya."
"Akala ko takot ka sa mga ganyan," sabi sa kanya ni Emma. "Ni hindi ka makatulog ng patay ang ilaw, 'tapos makikipag-usap ka sa kaluluwa." Walang halong panunudyo ang pagkakasabi ng pinsan niya, nagsasabi lang ito ng totoo.
"Hindi naman ako ang makikipag-usap," sabi niya.
"Sino ang makikipag-usap?"
"'Yong medium nga."
"Pero 'di ba dapat kasama nila 'yong kamag-anak ng kaluluwa?"
Natigilan si Anna. Nakalimutan na niya ang tungkol doon. Séance was never done alone by the medium. Tama si Emma, kailangang may kasama itong kamag-anak ng kaluluwa. "Ikaw, kamag-anak ka?" sabi niya kay Emma.
"Baka makasira lang ako ro'n, hindi nga ako masyadong naniniwala sa gano'n, 'di ba?"
"Kailangan ba na naniniwala ka?"
"Hindi ko alam," sabi ni Emma.
"Si Tito James," sabi niya.
Pero kinumbinsi na muna ni Anna ang ina bago siya nakipag-usap sa tiyuhin niya. Kinagabihan na niya ito nakumbinsi na walang mangyayaring masama sa kaluluwa ni Jane kung tatangkain nila itong makausap, na kung nannahimik manang kaluluwa ni Jane, sigurado siyang babalik ito sa pagiging tahimik pagkatapos nilang makausap. At hindi ba maganda naman talagang makausap nila ito? Malalaman nila mula mismo rito kung ano ang kalagayan nito. Maybe Jane could tell her if she was with the angels now. Alam niyang nagpakamatay ang kapatid pero hindi naman siguro makakaapektyo iyon sa pag-akyat ng kaluluwa ng kapatid niya sa langit. Pagkatapos kumbinsihin ang ina ay pinuntahan niya sa bahay nito ang tiyuhin.
At natuwa siya nang agad pumayag ito kahit pa alam niyang tulad ni Emma ay hindi rin ito masyadong bilib sa mga ganoon.. "Pero wala akong kilalang medium," sabi nito.
"Maghahanap ako sa Internet, Tito."
"Malamang na fake lang ang makuha mo ro'n. Hanapin mo 'yong may pruweba na, 'yong may magpapatunay na nakakatawag sila ng kaluluwa."
Naisip niya si Henry.
"Medium?" parang agad ay iritadong tanong sa kanya ni Henry nang banggitin niya rito ang hangad niyang makausap ang kapatid sa pamamagitan ng isang spirit medium.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER DEATH (Completed)
Horror"You can't kill love!" Those were the last words uttered by Alfred Santiago before he stabbed himself in the heart inside a church. And more than a hundred years ago after his death, Jane stabbed himself in the heart inside the same church. Nagk...