Chapter 3: Simulation Room

7.5K 286 121
                                    

Chapter 3

Simulation Room


NOVA

A roaring bird made of steel passes by near the floating island, its white wings are mighty and the head is pointy with eyes reflecting the sunlight, but it wasn't an actual bird, it was an airplane.

Maingay ang turbine engine mula sa pakpak nito na umaalingawngaw sa langit, it hovered above the clouds, its wings almost reachable within a leap. Nasilayan ko ang mga pasahero sa loob ng eroplano, napanga-nga sila nang makita nila ang Heroteria Castle sa ulap mula sa maliit nilang bintana.

We waved at them with a wide smile.

"I-tour guide kaya natin sila sa langit." Biro ni Gray.

"Anong i-tu-tour natin? Mga ulap?" Sarkastik na sagot ni Blaire.

"Bakit naman hindi? May mga hubog naman ang bawat ulap, ah. Ito ang hugis ng dinosaur. Ito naman ang dragon." Sabay tinuturo pa ni Gray ang mga ulap kahit wala naman akong nakikita na ganon hugis.

I heard the other four groaned at Gray. I think he's the first person to attempt a casual conversation with us but he failed.

Hinatid kami ni Roman sa dormitory namin. Hiwalay ang girls sa boys. Tatlo lang kami nina Blaire at Maxllow sa kwarto kung saan kami naka-assign. Magkasama naman sina Gray, Soren, at August sa kwarto nila.

There are three high windows behind each of our beds, we have our own desks, trunks, and bookshelf, but only one bathroom and it's shared by all the girls in the ladies room.

Cabinets are already filled with our daily clothes such as simple shirts, some jogging pants, shorts, and a bundle of underwear. There's a pair of loafers and sneakers on the shoe rack.

Inangat ko ang plaid skirt, light coffee blazers, at blouse na may hero mask insignia, ang simbolo ng Heroteria. I didn't think students with superpowers need a school uniform, but apparently, they do.

It was weird how they all prepared this for us like they are certain we will stay.

"Sino ang unang magpapalit ng damit?" Tanong ni Maxllow na hinuhubad ang bomber jacket niya.

She's wearing a white shirt with tattered sleeves like it had been cut with a scissor. There's a tattoo of an ibong maya on her bicep.

Walang sumagot sa amin ni Blaire. Maxllow sighed atsaka naglakad sa likod ng dressing screen para makapagpalit doon. I went next to change into the uniform then Blaire came after.

Now we're all wearing the same uniform of Heroteria.

Naglaho ang mga sugat at pasa na natamo ko sa aking pisngi at katawan noong binugbog ako dahil sa regeneration ko. It's part of our Oddity traits where our body can heal our wounds and scars, but that doesn't mean we're all immune to pain and death.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama, Roman's trench coat that I had folded lay beside my pillow. Pinagmasdan ko si Blaire na sinusuklay ang mahaba niyang itim na buhok sa harap ng salamin. Si Maxllow naman ay kinikintab ang kanyang mechanical arm gamit ng bimpo at pang-kintab niya.

"Ano sa tingin niyo ang dahilan para ipagsama nila tayo rito?" Tanong ni Blaire.

"Para maging Superheroes?" Sagot ko na nakataas ang kilay. May iba pa bang dahilan?

Blaire rolled her blue eyes. "I meant the real reason. Sa tingin niyo ba talaga tuturuan nila tayo na maging Superheroes?"

"But Roman said—"

Not Your Kind of Superheroes (Heroteria Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon