Chapter 10: Hero Instincts

1.4K 123 14
                                    

Chapter 10

Hero Instincts


NOVA

Maya Angelou once said, 'I think a hero is any person really intent on making this a better place for all people'.

Everyone has their own reason to make the world a better place—for comfort, luxury, and satisfaction. We want it to be perfect so we can fit inside the bubble of security, a glamorous lifestyle like from celebrities, the life we want like it was filmed in the movies.

I chose to make this world better so my family can live a longer life, to let the people we love exist for as long as we can because this is the only place we can embrace each other, the only place we can call home.

Once the world is in chaos, it will drag everyone along with the people close to our hearts.

And I won't let it happen to us.

The end is not my fall but an awakening.

News of towns, villages, and apartment of it being burned to the ground while killing the residences have spread like wildfire.

Pinag-uusapan ito ng mga classmates namin, speculating whether these are caused by an organized criminals or Supervillains. Iniimbestigahan pa lang ito pero wala pang sapat na ebidensya para matagpuan ang mga kagagawan nito.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ng girl's dormitory. Nakabalik na kami sa Heroteria Castle mula sa Burning World matapos namin hintayin si Roman sa lugar kung saan iniwan kami nito hanggang sa binuksan ni Roman muli ang portal pabalik sa aming timeline.

Kinikilabutan pa rin ako nang maalala ko iyon.

Nakapinta pa rin sa isipan ko ang imahe ng future. Iyon ang magiging huling hantungan ng buong mundo.

Cities collapsed and burning into ashes, pair of clothes floating in the air, the planet becoming lifeless, the world ending in the future.

Ang hirap paniwalaan na dadating din ang araw... ang katapusan ng mundo. Masyado tayo naging pokus sa mga walang kwentang bagay at hindi na tayo nagbigay ng oras na alalahanin ang magiging kinabukasan natin upang pahalagahan ito.

Inangat ko ang aking nanginginig na kamay. Naiwan pa rin sa akin ang epekto ng nasaksihan kong mundo. Iniisip ko ang pagkawala ng mga magulang ko. Hindi ko kakayanin ito. Hindi ko matatanggap na mawawala sila.

Marahas kong pinunasan ang luhang nakatakas sa aking mata. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang aking paghikbi habang dahan-dahan nawawasak ang pagkatao ko.

"Natatakot ka rin ba?" Napabaling ako sa nagsalita.

Blaire is staring at me through her blue orbs, she's laying on her stomach at her bed, swinging her feet in the air while resting his arm around a magazine.

I blew my pink bubble gum until it pops and chew it again.

"Sino bang hindi matatakot sa nakita natin?! Who the fuck would destroy the world?!" Bulyaw ko at napahilamos sa aking mukha dala ng sarili kong frustrations.

Mapait kong tiningnan ang kisame. Hindi ko maiwasan na magalit sa kung sino man may pasimuno nito. Walang pinalagpasan, lahat pinatay at winasak. Bata, matanda, o kung sino man.

There are no exceptions to their wrath.

"Probably Villains. Aren't they the evil, bad guys?" Nagkibit-balikat si Blaire sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "Maybe. But something is odd about the Burning World."

Napaisip ako nang malalim habang hinahaplos ang gilid ng noo ko, binabalikan ang Burning World na aking nasaksihan.

Not Your Kind of Superheroes (Heroteria Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon