Chapter 8: Freefall

1.8K 121 17
                                    

Chapter 8

Freefall


NOVA

Natanaw ko sa bintana ng eroplano ang mga hijackers na ginawang hostage ang mga pasahero, piloto, at flight attendants. There's a look of terror showing on their faces, their hands tucked behind their heads, the guns pointing at their chests.

They don't need to ask or beg for help. Once I saw the situation, my brain told me I had to run towards the airplane and so I did.

Kusang tumakbo ang aking mga binti mula sa damuhan ng floating island papunta sa eroplano, bumwelo muna ako bago tumalon nang napakataas hanggang sa bumagsak ako sa pakpak ng eroplano.

Hindi ko mapaliwanag kung bakit nagkusa ang katawan ko na gawin ito. I wasn't motivated by anything grand or a purpose. I just know I have to stop them.

Napansin kong sumunod din pala ang lima sa akin. Tumayo sila nang tuwid mula sa pagbagsak nila sa gilid ko. They didn't have to follow me but they did anyways.

We all exchanged glances, a communication telling each other 'let's go?' then we all nodded.

Tumakbo kami mula sa pakpak ng eroplano papunta sa bintana. Sinilip ko ang gilid nito at palakad-lakad lang ang mga hijackers at binabantayan ang mga pasahero, ang lider nila'y may inuutos sa mga kasama niya na may dalang bagahe.

Mukhang hindi pa nila kami napapansin dahil abala pa sila sa kung ano man ginagawa nilang kababalaghan. This is our chance to strike them.

"Paano tayo makakapasok sa loob?" Tanong ni Gray.

"Kapag binuksan natin iyan, baka mahigop ang mga pasahero sa langit at iluwa sa dagat." Sabi ni Blaire.

"I have a plan." Pinahayag ni Soren ang plano sa amin. Kailangan namin makapasok para mahuli namin ang mga hijackers na nasa loob.

Tumungtong kami sa bubong ng eroplano, kapag ordinaryong tao ang nakatayo rito, panigurado natangay na sila ng hangin ngayon.

But we are not Ordinaries. My body is made to withstand a hurricane.

Kumapit ako sa gilid ng eroplano. Gamit ng Anti-Gravity ko, lumapit ako sa pinakaulo nito. Kumatok ako sa bintana at kumaway sa mga piloto na nasa cockpit.

Namilog ang kanilang mata nang makita nila ako sa harap ng eroplano na nakangiti sa kanila.

"Tell them to fasten their seatbelts." I mouthed the words. Mukhang naintindihan naman ito ng dalawang piloto atsaka sila tumango.

Biglang pumasok ang lider sa cockpit kaya pumailalim ako sa bintana bago pa ko makita ng kanilang lider. Sinilip ko ito sa gilid, nakita ko siyang tinutukan ng baril ang mga piloto, ang isang piloto ay kinausap ang lider.

Nagsalita ang piloto sa mikropono niya bago tumingin sa direksyon ko at kinurap-kurap ang mata niya. It's a signal.

Bumaba ulit ako at lumingon sa direksyon ng lima na nakatayo sa bubong ng eroplano. Malakas ang paghampas ng hangin kung kaya't nagwawasiwas ang aming buhok at laylayan ng damit. Napansin kong nagtutulakan si Soren at Gray, mukhang nagbabanggayan silang dalawa sa hindi ko malaman na dahilan.

Tinapat ni Gray ang kanyang kamay sa eroplano, an ice emerges from his hands, pero agad din siyang pinigilan ni Soren at naglaho ang umuusbong na yelo mula sa kanyang palad.

"Makinig ka sa'kin! If you freeze the entire airplane, baka masama rin ang mga pasahero at maging yelo rin sila!"

"Anong magagawa ng sa'yo? Ha? Gagawa ka ulit ng hagdan? At least I'm trying to do something!" Buwelta ni Gray.

Not Your Kind of Superheroes (Heroteria Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon