99 Luftballons by NENA.
***
Chapter 15
Motorsky and Road Trips
NOVA
Nakipagkita kami kay Crackerjack at Roman sa tapat ng Eiffel tower na ngayon ay naging Crotchless Gray tower. Dahan-dahan natutunaw ito mula sa sikat ng araw, ang kaninang nakangiti na istatwa ay nakasimangot na ngayon.
Napatingala kami sa sinasakyan ni Crackerjack na Starship, a giant ball vehicle with orbiting planets surrounding it. Bumaba ito sa harapan namin na may kasamang whirlwind at hangin na umaagos sa paligid namin.
Lumabas sina Roman at Crackerjack mula sa pinto, may mahabang staircase na lumabas mula sa kanilang paanan na umaabot hanggang sa sahig.
Nakarating silang dalawa sa harapan namin sabay napalingon sila sa statue ni Gray.
"That's a pretty masterpiece." Komento ni Roman habang nakangiti ito.
"It looks like shit to me." Tugon naman ni Crackerjack.
"Wala ka lang kasi alam pagdating sa art." Gray shot back.
Humalakhak si Crackerjack sabay umiling-iling ito. "I am the artsy-fartsy in the castle, Gray. Who do you think made the castle?"
Kumunot ang noo namin sa sinabi niya. Naglakad si Crackerjack para makaharap niya ang napinsala na city, may binaba siyang cube box sa sahig at kusang bumukas ito, nagulat ako nang may napansin akong mga robots na naglalakad palabas ng box.
"Crackerbots! Time to fix the cities!" Utos ni Crackerjack.
Ang sandamakmak na mga maliliit na robots the size of a fist are scurrying through every part of the city to reassemble the buildings back together.
Nagkalat ang mga maliliit na Crackerbots at may mga lumilipad pa sa ere. Binuhat ko ang isa sa mga robots at hinaplos ko ang ulo nito na tila lumalambing ako ng mga alagang hayop.
"Crackerbots can fix the cities in less than an hour." Proud na sagot ni Crackerjack na may malawak na ngiti.
"Aww! Such a cute fella!" Natutuwang sabi ni Gray while poking the Crackerbot before it bit his finger.
"Ouch! You piece of shit!" Hinagis niya ito sa ere sabay sinipa ito palayo sa kanya.
"How come you guys get along with the bots?" Hindi makapaniwalang sabi ni Gray habang pinagmamasdan niya kami na napapalibutan at nilalambing ng mga Crackerbots.
"Because..." Humarap sa kanya si Blaire habang may bitbit itong mga Crackerbots. "You're stupid."
Sabay tumawa ang mga hawak niyang Crackerbots na ikinainis lalo ni Gray.
Excited na akong marinig kung ano ang kinalalabasan ng balita ngayon!
Napapangiti na lang ako tuwing iniisip ko na may mga magiging masaya na tao kapag nalaman nilang dumating na kami sa kanilang mundo para iligtas ang mga tao.
---
"In other news, Team Zero, a new formed alliance of Superheroes had destroyed a wide scale portion of France and completely abolishing the monumental structure known as the Eiffel tower. Citizens are afraid they no longer have a home to go back to because of the wreckage they left behind."
Ito ang anunsyo ng reporter na kumakalat na balita sa buong mundo. Iba't-ibang linguahe at reporter ang bumungad sa Monitoring Room habang pinapaliwanag nila ang pinsala at ang mga sinira namin mula sa pagkabagsak at sa labanan namin kay Rock and Troll.
BINABASA MO ANG
Not Your Kind of Superheroes (Heroteria Chronicles #1)
Science FictionSome say only heroes wear capes, badges, and uniforms, but my heroes wear a smile of love and a mask of unity. *** Six strangers, a time traveler, and the end of the world. They must find a way to prevent the destruction of the human race from happe...