Chapter 6
Vortex Chamber
NOVA
Tumatak sa isipan ko ang huling sinabi sa akin ni Roman bago siya tumayo at umalis sa table namin. Nanindig pa rin ang aking balahibo tuwing sumasagi sa isip ko ang mga katagang iyon.
Because he missed me.
In all of the things he said, this was the only time he didn't smile besides the time when he defended me from bullying at the university. Nakaramdam ako ng kakaibang ritmo sa aking puso na hindi pangkaraniwan kong nadarama sa ibang tao. Sa kanya lang nagkakaganito.
Napailing na lang ako sa sarili ko. I have to remind myself he's still a stranger. Someone who knew me too well that he speaks my name with such expertise, so casually and endearing as well like a person who shared my history for a long time.
Nawala ako sa tuliro nang niyugyog ni Soren ang balikat ko.
"Iniisip mo ba si Roman?" Sinusuri ni Soren ang ekspresyon ko..
Sinimangutan ko siya. "Wala naman akong iniisip."
"Kunwari ka pa." He looked smugged as if he could read me. "Does he even love you?"
Hindi ko na lang siya pinansin. Nilipat-lipat ni Blaire ang channel sa flat screen television. Huminto siya sa balita para mabalitaan kami sa kaganapan na nangyayari sa labas ng kastilyo.
Pinapahayag ng reporter ang pakikipagkamay ni President Osgood ng Pilipinas na tinatawag na ngayon na Heroteria kay Dr. Sync ng Synthetics Lab tungkol sa approval ng science program niya. They are celebrating its success. I don't know what it is but it sounds boring to me.
Nagulat na lang ako nang hinagis ni Maxllow ang remote sa flat screen television na nagpabiyak sa iskrin at kumalat ang pira-piraso ng remote sa sahig.
Plasmabot approached us with his stomach dispenser na puno ng mga inumin at cold drinks sa loob ng tiyan niya. "Would you like some drinks?"
"Argh!"
Kumalampag ang sahig mula sa hakbang ni Gray at nilagpasan niya ang robot butler namin bago niya hinigit ang flat screen television mula sa pader at binagsak ito sa sahig. Parehas nilang inapak-apakan ni Maxllow at Gray ito at tinatalunan ang kawawang pirat na tv.
"Anong ginawa sa inyo ng tv para magalit kayo nang ganyan?" Tinaasan sila ng kilay ni Blaire.
"Parang kayong unggoy dalawa." Dugtong pa ni August.
"Give it a rest. Baka gawain lang 'yan ng mga kriminal." Soren provoked.
Napatigil ang dalawa sa pagtatalon sa telebisyon para harapin si Soren, their eyes fuming and faces turning red.
"You little shit!" Maxllow cursed.
"What? I'm just telling the truth." Soren said without emotions, holding a book he's reading The Strange Adventure of a Witch.
"You don't know what you're talking about!" Gray retorted.
"Hindi mo kilala ang gagong 'yon—"
Napahinto sila sa pagbanggayan nang may dumating bigla na maliliit at bilog na robots kasinglaki ng kamao ang dumating sa living room.
"Crackerbots here to fix!"
Binuhat nila ang nasirang flat screen tv at remote bago nila dinala sa kung saan man ito dadalhin. Nagpatuloy ang lima sa pagsisigawan.
BINABASA MO ANG
Not Your Kind of Superheroes (Heroteria Chronicles #1)
Ciencia FicciónSome say only heroes wear capes, badges, and uniforms, but my heroes wear a smile of love and a mask of unity. *** Six strangers, a time traveler, and the end of the world. They must find a way to prevent the destruction of the human race from happe...