Chapter 5: Time Traveler's Pursuit

2.3K 149 40
                                    

Chapter 5

Time Traveler's Pursuit


NOVA

"In order to become a Superhero, you must learn how to handle an explosive missile. Bombs are common these days, you should know how to disarm and stop the bombs."

Sa klase ni Blitzkrieg sa loob ng Saturn classroom, matatanaw ang rings of Saturn sa labas ng bintana. It really does feel like we're inside a planet.

"Pag-aaralan natin ang mga missile, bomba, at baril. May pagkakaiba ng lakas at impact ang explosion o tama ng bala. You can use this information when it comes to fighting and put it to your advantage or maybe add it as a new ability to your Oddity." Paliwanag ni Blitzkrieg.

Imbes na blackboard, may naka-display na iba't-ibang klase ng baril, bomba, at mayroon din rocket launcher doon. Sa dami nito'y halos mapuno ang buong pader sa harap ng classroom. I think Blitzkrieg love to collect war weapons in his free time.

Kasalukuyan akong nagsusulat at bored na nakikinig sa klase habang nagtuturo si Blitzkrieg, katulad ng sinasabi niya, may hawak siyang totoong missile at inilalarawan ang impact nito. It's really cool to see a live explosive missile in a classroom. You'll never know if it will blow up at any time or not.

"The proper way to disable a bomb is trying not to eat it. Yes, I'm talking to you, Nova." Yeah, pinatayo ako ni Blitzkrieg kanina para sa recitation and I responded with a sarcastic answer.

"I think the best way to disable a missile is letting it explode." Sarkastik kong sagot. Natawa ang mga kaklase ko.

"So, you're telling us to let civilians die when an explosion occurs?" Tinaasan ako ng makapal na kilay ni Blitzkrieg.

Hindi ako sumagot. I pressed my lips shut.

Inulanan siya ng mga tanong ni Soren. Nakatungo naman si August sa desk niya at natutulog. Naghaharutan naman si Maxllow at Gray, naghahagisan ng mga crumpled papers kapag hindi natingin si Blitzkrieg. Kumakain lang ng snacks si Blaire na tinatago niya sa ilalim ng kanyang desk.

I still have a bitter feeling with Maxllow kaya hindi kami gaano nagpapansinan.

My attention shifted when the door slides open and Roman steps inside the classroom, he's wearing a white shirt tucked in his slacks with suspenders, his bowtie peaking through his collar and the sleeves rolled up to his biceps.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya papalapit sa direksyon ko. Umiwas ako ng tingin, napansin ko sa gilid ng mata ko na umupo siya sa tabi ko.

"Roman, anong ginagawa mo rito?" Napahinto si Blitzkrieg atsaka ibinaba ang missile sa ibabaw ng teacher's table.

"Estudyante mo rin ako." Malapad ang ngiti ni Roman.

Kumunot ang noo ni Blitzkrieg. "Graduate ka na."

"I know, I know. But I can repeat, right?" Roman sat back on his chair, relaxed and composed.

Huminga nang malalim si Blitzkrieg.

"Ginugulo mo lang si Nova." Madiin nitong sagot.

"I don't think so. Am I distracting you, Nova?" Malambing na tugon ni Roman bago siya lumingon sa akin.

"Okay lang sa'kin na katabi ko siya. Hindi siya problema sa'kin." Wika ko kay Blitzkrieg, lumapad naman ang ngiti ni Roman. "Hindi siya magiging distraction ko."

"Really?" Roman leaned against the table, amusingly. "Haven't heard that before."

I'm honestly not bothered by his presence. Yes, it's distracting, but I don't mind it.

Not Your Kind of Superheroes (Heroteria Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon