Chapter 38
Refuge
NOVA
Biglang may sumulpot na lalaking may itim na balabal sa likod ni Cloud mula sa itim na usok. Pinulupot ng lalaking naka-itim ang braso niya kay Cloud hanggang sa hinigit niya ito sa usok at naglaho sila sa kawalan.
Sumigaw si Gray habang nakaabot ang kamay niya sa kumukupas na usok, trying to catch Cloud he couldn't reach. Tumigil lahat ng mga kalamidad sa paligid at hindi na namin nakita ang lalaki na may pasimuno nito.
Humihinga ako nang malalim, nanghihina na ako at ramdam ko na may bumibiyak sa katawan ko. I ignored the pain and the cracks on my skin to bring a smile for these people.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa gilid ng lansangan. Minasid ko ang mga nakasabit na seaweeds sa traffic lights at pader, ang ibang mga basura na nabasa at kumapit sa kalsada na may bakas ng baha at makakapal na dumi.
Pinuntahan kami ng mga imbestigador upang mapagtanungan sa insidente. Napaliwanag namin sa kanila lahat na kailangan nilang malaman.
Matapos nila kaming kausapin, nagsama-sama ang mga law enforcements at iba pang Superheroes na tila bang may mga sarili silang pagpulong at hindi kami inimbita.
Nilingon ko si Gray na nakapatong ang siko sa tuhod niya, nakatulala ang berde niyang mata sa kawalan as if he had seen a ghost.
"Is he really your brother, Gray?" Lumingon ako sa direksyon niya.
Napalunok nang bahagya si Gray. "Yes. He is my only family left."
Nanlaki ang mga mata ko nang malalim ito.
"But... bakit hindi mo siya kasama? Bakit kasama niya ang mga Villains?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.
"It's complicated, Nova."
"Why aren't you trying to get him back?"
Marahas ang tingin niya sa akin. The pain in his eyes says it all. "Don't you think I have tried? I am ashamed of myself! I failed him! I failed my family! And because of me, my family is dead!"
Bigla siyang lumipad para makalayo sa amin, malakas na ihip ng hangin ang humampas sa amin na naging dahilan kung bakit kami napaatras.
Sinundan ko si Gray at lumipad din gamit ng rocket boots ko. Bumaba siya sa tuktok ng building. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makababa ako sa rooftop kung nasaan siya.
Nakaupo siya sa ledge ng rooftop. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa tabi niya atsaka umupo sa tabi niya.
"Gray." Tiningnan ko siya nakayuko lang siya sa kalsada mula sa rooftop na inuupuan namin. Malamig ang ihip ng hangin na humahawi sa aming mga buhok. "Tell me what happened."
Napabuntong-hininga siya na tila bang hindi siya handang pag-usapan ito, na nasasaktan pa rin siya ikwento ito. "My brother and I were at home which was a forest, playing catch. Noong pinulot niya ang bola na napadpad sa kalsada, nabunggo siya ng truck.
Napatakip ako sa bibig ko.
Pati ang puso ko nararamdaman ang sakit na kumikirot sa kanyang damdamin. It feels heavy but also a relief to hear him talk about his life.
"Anong nangyari sa inyo?"
He took a deep breath as if preparing himself for the worse.
"Pero parehas kami ng kapatid ko at hindi niya alam na may kapangyarihan siya not until he was runover by a truck. He went out of control." Napatingin ako kay Gray at nakita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha sa pisngi niya habang nakatitig siya sa lumulubog na araw. "Pumunta ang pamilya namin sa kanya para dalhin siya sa emergency room. Dahil bata pa siya, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya at hindi niya pa naiintindihan ang kanyang kakayahan..."

BINABASA MO ANG
Not Your Kind of Superheroes (Heroteria Chronicles #1)
Science FictionSome say only heroes wear capes, badges, and uniforms, but my heroes wear a smile of love and a mask of unity. *** Six strangers, a time traveler, and the end of the world. They must find a way to prevent the destruction of the human race from happe...