Chapter 9: The Burning World

1.4K 109 8
                                    

Chapter 9

The Burning World


NOVA

Leave the neighborhood! Let our families be safe! Stay away from us!

"Natatakot din ako sa anak natin. We are all Ordinaries, bakit siya ang nangingiba sa pamilya natin?"

"Dapat kami ang magiging bayani dahil tinatanggal namin ang mga katulad ninyo!"

"Hindi ka tao! Wala kang emosyon katulad namin! Aksaya lang kayo sa lipunan! Dapat matagal ka nang kinuha ng gobyerno at pinag-eksperimentuhan para hindi na dumadami ang katulad mo!"

Napabalikwas ako mula sa aking bangungot na binabalutan ng panginginig at pawis. Ang aga-aga pero lumiliyab na kaagad ang galit sa puso ko. Sa tagal na nitong naiipon sa aking damdamin, patuloy lang itong sumisiklab habang tumatagal na hindi ko na namamalayan.

I still wonder if I had made a mistake staying in Heroteria Castle. I find comfort here to be surrounded by people like me than being down their where judgements and discriminations are free.

Pagod na kong matrato na parang hindi ako tao. Pagod na kong magtiis na nag-iisa lang ako. Habang nandito ako pakiramdam ko'y ligtas ako sa panghuhusga ng mundo.

Everyone thinks Superheroes are special.

They become the models and depictions of what humanity should be, always saving the day and creating an image of what people should aspire to become.

In reality, we overvalue the importance of Superheroes because they are always on screen, people tell you to follow their footsteps and maybe someday, you would become one of them.

We don't have to act and be like them. To copy another person doesn't make it your true quality.

This is the reason why I don't believe in Superheroes. Masyadong na glorify ang ideya na ang mga Superheroes palagi ang lumiligtas sa tao mula sa kapahamakan.

In reality, there's more to the world that needs to be saved. The ones who are left neglected and ignored are never heard.

Where are their heroes? For the bullied, the homeless, the abused, the victims, and suicidal? Who will hear their cries?

Kasalukuyan kaming nakaupo sa Earth classroom sa mga desks. Kinausap kami ni Maestro tungkol sa pagtangka namin na lumayas ng floating island pati na rin ang insidente sa eroplano.

"Hayaan niyo si Roman ang mag-asikaso sa kanila. Puntahan niyo na ang misyon ninyo." Maestro commanded to his students and other Founders before they gave him a salute and left. Sumabay si Maestro na lumabas ng living room at sinarado ang pinto.

Naiwan kami kasama si Roman na serioso ang ekspresyon.

Nakatayo si Roman sa harapan namin. Kami ang anim na hindi nabibilang sa kahit anong estado ng mundo, kami ang nawawalan ng landas, at pipilitin ni Roman na dalhin kami sa daan kung saan magiging Superhero kami.

"The Professors aren't happy with your behaviors. Alam ko kung gaano kahirap mag-adjust. May mga naiwan kayo at may mga nag-iwan sa inyo, pero dinala ko kayo rito para mabigyan ng pangalawang pagkakataon na hanapin ang nararapat para sa inyo." Sabi ni Roman.

"You really think you know how it feels?" Gray made a rhetorical laugh while shaking his head. "Do you really know how it feels to be at your lowest point?"

Roman showed his sorrowful smile. "Yes. I know how it feels."

"How can I become a superhero? Sa buong buhay ko, natatakot ako dahil sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa akin! Sinisisi ako ng ibang tao kahit ako ang biktima! Sa tingin mo bang kaya kong magligtas ng ibang tao kung hindi ko naman magawang iligtas ang sarili ko?!" Blaire screamed while tears striking down her cheeks.

Not Your Kind of Superheroes (Heroteria Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon