Chapter 25
The President's Mission
NOVA
Nasa loob kami ng tent habang naglalaro ng Cards Against Superheroes. Kakatapos lang namin kumain pagkatapos namin mamigay ng relief goods sa mga lumikas na sambayanan.
"I have a card that says 'to give peace to the world, what would you offer'?"
Nilapag ko ang card ko. "World domination by cats."
"What about 'a marching band but uses farts as instruments'?" Sunod na naglapag ng card ay si August.
"Pwede itong card ko?" Maxllow squinted her eyes bago niya binaba ang kanyang card. "Maging libre ang pizza sa buong mundo."
Blaire placed down her card with a grin on her face. "I'll make it better. 'humans become slaves to dogs'."
"How is that even better?" Tinaasan siya ng kilay ni Gray, nakaangat ang hawak niyang card. "May maganda pa ang card ko! Erase social media!"
"Imagine a world ruled by dogs. We will be dominated by cuteness." Ngumiti si Blaire sa kanya.
"What the fuck are you guys playing?" Tanong ni Soren. Nagbabasa lang kasi siya ng libro sa gilid.
"Cards Against Superheroes." Tugon ko at binasa ang likod ng lalagyan nito. "Madness made it."
"That's a Villain's game! Superheroes are not allowed to play those cards!" Binaba ni Soren ang hawak niyang libro at napaupo siya nang tuwid.
"But it's fun!" I pouted.
"Sumali ka na!" Aya ni Maxllow.
"Anong mapapala ko sa laro na 'yan?" Tinaasan niya kami ng kilay.
"Wala naman. Katuwaan lang natin." Blaire shrugged.
"Sige, sasali na ako."
Tinabi niya na ang libro na binabasa niya at nakisali sa laro namin. Lumipas ang oras ng paglalaro namin ng Cards Against Humanity na puno ng tawanan, halos inabot na kami ng hatinggabi.
Binaba ni Soren ang hawak niyang cards, forfeiting from the game.
"May problema ba, Soren?" Tanong ko.
"Sino si Cloud?" Tiningnan ni Soren si Gray.
"Pwede bang huwag na lang natin pag-usapan ito? Let's just play cards." Hindi niya tiningnan si Soren habang may kinuha siyang bagong card.
"I demand to know, Gray. We all need to know."
Nagtiim ang panga ni Gray habang umiiling sa kanya. I noticed his knuckles tightens into a grip, turning his skin white.
"That's none of your business!" Tumayo na si Gray at aksidenteng natabig ang kamay ko sa nangyari. Nabitawan ko ang mga cards ko.
"Aww. I got the best cards." I pouted atsaka pinalutang ang mga nakakalat na baraha at inilapag sa lamesa para i-forfeit ito.
Nilingon ko sina Soren at Gray. Parehas silang magkaharap ngayon na may tensyon na namamagitan sa dalawa dahilan kung bakit napahinto na rin ang laro nina August, Maxllow, at Blaire.
May mga tinatanong pa rin sa kanya si Soren tungkol kay Cloud pero katulad kanina'y iniiwasan ito sagutin ni Gray. Nagdulot ito ng banggayan sa pagitan nilang dalawa habang nagtataasan ang boses niya.
Just tell them, Gray.
Agad na tumayo si Blaire mula sa kanyang inuupuan upang awatin ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Not Your Kind of Superheroes (Heroteria Chronicles #1)
Science FictionSome say only heroes wear capes, badges, and uniforms, but my heroes wear a smile of love and a mask of unity. *** Six strangers, a time traveler, and the end of the world. They must find a way to prevent the destruction of the human race from happe...