Chapter 23: Calamity

746 67 1
                                    

Chapter 23

Calamity


NOVA

Malakas na alon ang humarentado sa pagitan ng mga gusali, rumaragasa ang tubig at kumakalat sa kabuoan ng kalsada.

Everyone screamed and panic while running away from the tsunami streaming towards our direction. I was about to raise my hand until I saw someone run in front of me.

Mabilis ang kilos ni Gray nang humarap siya sa tsunami wave at inangat ang kanyang palad 'don. Bago pa kami tuluyan salubungin ng agos ng tubig, umangat ito na tila may invisible wall na humarang sa tubig.

But Gray didn't made a barrier, he was manipulating the water from crashing and drowning us completely.

"Go!" Sigaw niya, ang berde niyang mata'y lumiliwanag.

May nakalusot na alon at natangay nito si August at Blaire. Namilog ang mata ni Gray habang namumutla ang mukha nito.

Hinabol namin ni Soren ang dalawa na natangay ng tubig ngunit sa sobrang bilis ng alon, hindi namin sila mahabol at maabutan.

"I got an idea!"

Nagulat na lang ako nang sumabay din si Soren sa alon sabay hinigit niya ako, parehas na tuloy kaming natangay ng alon.

"Nababaliw ka na ba?!"

"Mas mabilis natin sila maabutan kung nasa alon tayo."

Umakyat kami sa ibabaw ng mga kotse na tinatangay ng alon. We jumped from the roof of trucks and cars one after another to get closer to August and Blaire.

"Nasaan sila?! Bakit hindi ko sila mahanap?!" Natataranta kong tanong.

May dalawang anino na tumambad sa amin. Tumingala ako sa pinanggalingan nito.

"Activate niyo rocket boots niyo! Mga tanga ba kayo?"

Umiling sa amin si Blaire. Nalutang na pala si August at Blaire gamit ng kanilang rocket boots.

"Superheroes don't need to be saved." August shrugged.

"Sometimes, they do need help." I argued, squinting my eyes at them.

Dinala namin ang mga tao sa tuktok ng gusali. Inevacuate naman ng ibang Superheroes ang mga empleyado at residence ng mga buildings sa rooftop.

Hinintay namin ang mga helicopter para iligtas ang mga tao sa siyudad at dalhin sa ligtas na lugar.

"My daughter! Where's my daughter?!" Halos humagulgol na iyong ina habang hinahanap ang anak niya.

The girl...

Nahagilap ko ang ibang mga tao na natangay sa trahediya ng alon. Kumirot ang puso ko, ang aking binti ay kusang tumungtong sa gilid ng rooftop, handang tumalon para iligtas sila.

"Nova! Kailangan natin bantayan ang mga nasa rooftop!"

Nanlilisik ang mata kong nilingon ko si Soren.

"There are people drowning! I have to dive and save them!"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na i-activate ang Hero suit ko mula nang pinindot ko ito sa gilid ng Hero mask. Binalutan ang buong katawan ko ng Hero suit ko na parang alon na yumayakap sa aking balat.

Nang mabuo ito, lumiwanag ang aking suit na may umiikot na galaxy. Huminga ako nang malalim. Pahakbang na sana ako para tumalon nang hinawakan ni Soren ang braso ko para pigilan ako.

Not Your Kind of Superheroes (Heroteria Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon