41

58 25 1
                                    

Levi 🐰❤0928*******

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Levi 🐰❤
0928*******

Hi Abby.
6:30 pm

Kakauwi ko lang. Sorry hindi ako naka-text sayo kanina.
6:31 pm

Kumusta ka? Nami-miss na kita.
6:33 pm

Nami-miss na kita kausap. Kumusta ka na? Nami-miss ko na malaman kung paano yung naging araw mo.
6:33 pm

Namimiss ko na kapag nagkekwento ka kung paano sumasakit ang ulo mo kapag nagre-review ka. Nakakamiss.
6:34 pm

Nakakamiss yung mga pambabara mo sa mga banat ko para pakiligin ka. Nakakamiss yung pagsusungit mo sa akin. Hehe.
6:35 pm

Alam mo ba sumusubok ulit ako magsulat ng kanta. Sinusubukan ko ulit hanapin yung passion ko. Naniniwala ka sa akin diba? Na kaya ko. Ganoon din ako sayo, Abby. 😊 Naniniwala din akong kaya mo mag-paint ulit.
6:35 pm

Namimiss mo kaya ako? Aba, syempre naman no! Charot hehe. Para naman akong baliw dito. Wala namang nagre-reply. Reply ka naman diyan, pengs ko! Please? :(
6:36 pm

Para akong nababaliw dito hehe! Naiiyak ako na ewan. Ang bigat ng dibdib ko. Ayoko kayang naiyak kasi parang bakla pero hindi ko mapigilan.
6:38 pm

Hindi ko mapigilan mga nararamdaman ko basta pag-dating sayo. Nakakainis na nga e pero nalulungkot ako.
6:38 pm

Sana andito ka para sungitan ako. Sana andito ka para kwentuhan ako. Sana kausap pa rin kita para napapatawa kita. Sana kausap pa rin kita para unti-unti akong magkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo yung totoo.
6:39 pm

Sana kausap pa rin kita kasi kahit corny pakinggan, hindi talaga nabubuo yung araw ko kapag wala ka.
6:39 pm

Naiinis ka na ba sa mga texts ko? Sunud-sunod na ba mga messages ko? Maingay na ba phone mo? Sorry ha. Hindi ko lang talaga matiis.
6:41 pm

Ito pala yung ilan sa mga lyrics nung sinasabi kong kanta sayo. Basahin mo sana. Tungkol sayo to, Abby. Lahat tungkol sayo.

“You are the sunlight that rose again in my life. A reincarnation of my childhood dreams. I don’t know what this emotion is, if this place is also inside a dream.

This dream is a blue mirage in the desert
a priori deep inside of me. I’m so happy, I can’t breathe, my surroundings are getting more and more transparent.”
6:45 pm

Nahihiya ako hehe. Maayos ba? Tagal ko na rin kasing tumigil sa pag-sulat ng kanta. Alam mo naman yun. Alam mo rin yung dahilan.
6:46 pm

Wag ka magalala Abby. Tatapusin ko tong kanta. Tungkol sa'yo to e.
6:48 pm

Basta ikaw, panghahawakan ko. Lahat ng bagay tungkol sayo, panghahawakan ko. Hindi ka man maniwala, mahal na mahal kita pengs. Mahal kita Abby.
6:50 pm

Sana kausapin mo na ulit ako. Sana mag-kaayos na ulit tayong dalawa. Sana pag-bigyan mo ako.
6:53 pm

Mahaaaaaaaaaal kita!
6:55 pm

I love you. I love you so much, my euphoria.
6:56 pm

•••

#6YearsWithOurHomeBTS : Happy 6 years, bts! My heart is crying for happiness! Proud na proud ako sa inyo. Sobrang proud ng lahat ng ARMYs sa inyo. We purple you, BTS! I purple all of you crackheads! ♡♡♡♡ 061319 - 6 years ♡

Walk With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon