Levi 🐰❤
0928*******Good morning pengs! ♡
7:30 amWala ka ng pasok diba? Gising ka na kaya ngayon? Hindi ko kasi alam e. Naka-block ako sa facebook tapos hindi ka naman nagrereply dito. Musta na pengs ko? :")
7:32 amI'm still working with the song, Pengs. Hindi ko alam kung anong gagamitin kong title. Kung pangalan mo ba o yung dala mo sa akin.
7:33 amEuphoria. Ganon na lang no? Mas maganda. Parang ikaw. Parang yung pagkatao mo. Parang yung ikaw at ako.
7:35 amNami-miss na talaga kita Abby. Hindi ako makatulog sa gabi.
Do I sound gay by just being this affectionate? Sorry, ayoko kasing itago yung nararamdaman ko, Pengs.
7:36 amUmaasa pa rin ako isang araw na magre-reply ka.
7:38 amWala pa akong nadadagdag na lyrics sa kanta pero ngayon lang, sure na ako sa title na Euphoria. Bagay ba? Reply ka naman :(
7:39 amNeed ko ng support system.
7:39 amNeed ko ikaw. ☹️
7:40 amAbby? Please? Pansinin mo naman ako?
7:41 amMagsisimula pa lang sana tayo pero natapos na kaagad. Pwede bang isa pa? Isa pang chance please. Isa pa. Kailangan kita Abby.
7:42 amAbby, kapag kaya sinabi ko yung totoo tungkol sakin, magiging okay lang sayo? Matatanggap mo kaya ako? Natatakot kasi ako.
7:43 amAlam mo yung pakiramdam na mahal mo yung tao pero natatakot ka na baka hindi ka niya tanggapin kasi hindi ka sigurado kung kapantay ba ng pagmamahal mo yung pagmamahal niya.
7:44 amGanon yung pakiramdam ko. Nung sinabi mo sa akin na malapit ka ng maging sigurado sa akin, nabuhayan talaga ako nun uy! Ang saya saya ko!
7:44 amNegative thoughts ang meron ako noong araw na yun pero pinilit ko maging positive. At least merong improvement diba? Malapit na ako sa sigurado. Malapit ka na maging sigurado sakin.
7:46 amSana nababasa mo to. Sa susunod, buong kanta na isesend ko sayo. Buong mga lyrics na. Sana, sana magustuhan mo.
7:48 amMapapansin mo pa kaya ako? Papansinin mo ulit kaya ako? Pagbibigyan mo kaya ulit ako? Itutuloy mo pa kaya yung pagiging sigurado mo sa akin?
7:50 amKung nababasa mo man to, umay ka na siguro kababasa ng mga messages ko. Kababasa ng mga i miss you ko.
7:52 amDaig ko pa naging jowa mo no? Si Yeshua. Nakakainis, Abby. Nakakainis. Ang tagal kong nag-hintay sayo pero hindi mo man lang ako nagawang pakinggan.
7:53 amPero alam mo? Hindi kita masisisi. Natatakot ka na magpapasok ng tao sa buhay mo kagaya ng takot kong hindi mo ako matanggap.
7:56 amAbby, papasukin mo na ulit ako sa buhay mo. Sa puso mo. Please. Maniwala ka sa akin. Wala akong alam. Wala akong kinalaman.
7:56 amHinintay kita ng matagal, itinago ko sa sarili ko kahit nakakainip. Hinintay kita ng matagal kahit parang imposible. Hinintay kita na hindi ko alam na ikaw pala yung sinaktan at binasura ni Yeshua.
7:57 amHinintay kita noon kahit malayo, kahit imposible. Hihintayin pa rin kita ngayon kahit pa mahirapan akong tibagin yang pader na ipinalibot mo sa sarili mo.
7:58 amGagawa ako ng paraan. Hindi kita susukuan.
7:59 amI love you, my euphoria.
8:00 am
BINABASA MO ANG
Walk With Me (COMPLETED)
Fanfiction[ EPISTOLARY NOVEL #1 | JUNGKOOK FF ] A girl. A not so perfect painter who lost her art. A boy. A lost musician who's trying to find his purpose again. A whole lot of conversations for months. What could go wrong between their lives?