Levi 🐰❤
0928******Abby? Please? Unblock mo na ako :(
Abby? Sige na please. Gusto kita makausap
Sagutin mo naman mga tawag ko sayo
Replyan mo naman ako sa mga texts ko :((
Abby? Namimiss na kita ☹️ Maniwala ka wala naman talaga akong alam sa nangyari.
Wala akong alam sa mga ginawa ni Yeshua.
Maniwala ka please, hindi ko ibinigay yung number mo sa kanya. Wala akong alam abby.
Please please pengs, kausapin mo ako. Kailangan kita makausap, paniwalaan mo naman ako.
Pangako pengs, wala talaga. Maniwala ka please. Maniwala ka sakin.
Hindi kita kayang lokohin. Yung tungkol sa akin, pasensya na kung hindi ko pa masasabi ngayon. Takot pa rin kasi ako. Takot ako na baka hindi mo ako tanggapin.
Lalo na ngayon na ganito nangyayari.
Lalo na ngayon na parang ang dali dali mo akong iwan at alisin sa buhay mo.
Hindi ako nagsisinungaling tungkol kay Yeshua. Wala akong alam. Kung alam ko lang, hindi ko naman hahayaan na masaktan ka niya ulit.
Ang tagal tagal kitang hinintay Abby. Ang tagal. Pinagmamasdan ko lang mga litrato mo.
Ang tagal na kitang gusto Abby kaya hindi ako papayag na ganon lang.
Hindi ko alam kung makakatulong to pero ikaw, ikaw yung sinasabi ko na matagal na matagal ko ng gusto.
Hindi lang crush 'yon, Abby. Ikaw yung babaeng 'yon.
Mahal kita. Minahal kita kahit malayo, minahal kita mula sa malayo. Mahal kita kahit parang imposible.
Maniwala ka, please? Hindi ko kayang saktan at lokohin ka. Lalong lalo naman na hindi ko kayang ibigay ka ulit kay Yeshua.
Ayokong mapunta ka sa kanya Abby.
Gusto ko sakin ka lang. Gusto ko sa akin lang. Gusto ko ikaw lang.
Kausapin mo naman ako abby please. 😭
•••
Irish Agoncillo
12:00 AMIrish:
Magpahinga ka na Abby.
Wag ka na magpuyat. Naaawa na ako sayo.
Tangina naman kasi ng Yeshua na yan. Panira e.
Okay naman si Levi para sayo ha.
Halos nagsisimula pa lang kayo.
Sure ka bang gusto mo ng tapusin kaagad?
Abby:
Wala namang tatapusin dahil wala namang sinimulan.
Irish:
Meron. Kilala kita Abby. Gusto mo na yung tao. Kahit hindi halata sayo, nagawa niyang paibigan ka. Kahit online. Kahit malayo.
Kahit mukhang imposible.
Sobrang empty mo, Abby. Siya nga lang yung medyo nagfifill na sayo. Sobrang dalang ko na makita smile mo noon pero now, bumalik.
All because of Levi.
You're trying to paint again right? May ipinakita ka sa akin. Nakatapos ka na ulit sa isang canvas.
Dahil ulit kay Levi diba?
Abby:
Irish, tama na.
Lolokohin niya lang din ako.
Kaibigan niya si Yeshua.
Mag-katulad lang silang dalawa.
Irish:
Abby, pakinggan mo kaya muna yung tao? Overwhelmed ka lang siguro masyado kay Yeshua. Sobrang stressed ganon.
Pagbigyan mo si Levi. Paano kasi kung si Yeshua pala talaga nanloloko sa inyong dalawa diba?
Abby:
Abby may tinatago siya sa akin. Hindi niya kayang sabihin sa akin kung ano yon. Ayaw niyang sabihin.
Tingin mo ba masasabi kong mahal talaga ako ni Levi kung una pa lang hindi na niya maipakita sa akin yung totoong siya?
Pwede ka bang magmahal ng isang tao ng hindi nakokonsensya kapag may tinatago ka sa kanya?
Hindi Irish.
Hindi pagmamahal yung kay Levi.
Baka niloloko niya lang rin ako.
Irish:
Abby naman :(
Nakita ko na kasi kung paano ka sumaya ulit. Bibitawan mo na lang ba ulit?
Abby :(
Abby:
Hindi ko naman pinanghawakan kaya wala rin akong dapat bitawan.
Ang hirap. Para sa akin na naloko,
ang hirap na magpapasok ng tao sa buhay ko. Lalo na kung hindi siya
gagawa ng paraan para
ipakilala ang sarili niya
sa akin ng buo.Tangina Irish, sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
Walk With Me (COMPLETED)
Fanfiction[ EPISTOLARY NOVEL #1 | JUNGKOOK FF ] A girl. A not so perfect painter who lost her art. A boy. A lost musician who's trying to find his purpose again. A whole lot of conversations for months. What could go wrong between their lives?