[ EPISTOLARY NOVEL #1 | JUNGKOOK FF ] A girl. A not so perfect painter who lost her art. A boy. A lost musician who's trying to find his purpose again. A whole lot of conversations for months. What could go wrong between their lives?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“What are you doing here?”
Madiin ang pagkakasabi ko ng tanong kay Francis. Ngayon ko na lang ulit siya nakita sa personal, nakita nang malapitan.
He changed so much. Hindi rin ako sigurado kung mas tumangkad pa siya. He looked more manly kaysa noong college days niya.
Francis looked older than me. And yes he is. Ngunit hindi ko alam kung bakit wala ni isa sa amin ang tumatawag sa kanya ng kuya. Siguro dahil masyado siyang malapit sa lahat, masyadong friendly.
He fished out his phone from his pocket. Sinundan ko lamang ng tingin ang mga ginagawa niya. Nag-salubong ang mga kilay ko. Anong mayroon doon?
“I still have thirty minutes to talk to you.” Hindi sinagot ni Francis ang tanong ko. Parang may sarili siyang mundo noong sinabi niya sa akin ang mga salitang 'yon.
I frowned. “Wala naman tayong pag-uusapan.”
He sniffed. Kinamot niya ang tungki ng kanyang ilong at inilibot ang tingin. Pagkatapos ay ibinalik din sa akin. “We have. Meron tayong dapat pag-usapan.”
Francis is a senior. Mas matanda siya sa akin. Tinitingala siya ng mga members ng association namin noon.
Bumigat ang pag-hinga ko. I know where this is going. Levi. Kapatid niya. Levi na naman. I tried so hard to get rid of Levi after Yeshua came back, after knowing that they're friends. Right after I felt like I was being played.
“Huli na 'to, Abby.” Francis pleaded. Namamaos ang boses at mas naging mababa.
Tumalikod si Francis. Dapat ay umalis na ako. Dapat ay lumayo na ako noong mga oras na tumalikod siya. I don't know what made me follow him. Imbis na sa kabilang direksyon ako dalhin ng mga paa ko ay sinundan ko siya.
Tumigil siya sa paglalakad nang makarating kami sa loob ng auditorium. Kumunot ang noo ko. Bakit hindi naka-lock? Dahan-dahang humarap sa akin si Francis, dahilan 'yon para mas lalo akong kabahan.
“He loves you so much, Abby. Bakit itinapon mo lang 'yon?”
“Yeshua hurt me. Tingin mo ba magiging madali sa akin na tumanggap ulit ng lalaki sa buhay ko?”
Francis scoffed. “Eh anong tawag mo sa ginawa niyo ng kapatid ko? Landian lang?”
Natigilan ako. Kumuyom ang mga palad ko. Francis' stare was getting more intense. Nakipagtitigan ako. Tinapatan ko ang mga titig niya. Staring at him now, mas na-realize ko na ang laki rin pala talaga ng resemblance nilang dalawa ni Levi.
Kahit sa picture ko pa lang nakikita ang kapatid niya, sigurado akong malaki ang pagkakahawig nilang dalawa.
Shit. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
“I don't want to hurt him, Francis. Hindi pa ako buo. Aaminin ko, nagka-interes din ako kay Levi. Lumala 'yon hanggang sa hindi ko na namalayan na pinapasok ko na talaga siya sa buhay ko.”
“Ayaw mo siyang masaktan o ayaw mong masaktan ka na naman dahil akala mo niloloko ka niya?”
Natigilan ako. Nawalan na naman ng sasabihin. I'm afraid of letting people in. After what Ate Anais and Yeshua did, masyado na akong naging matigas. I built walls around me.
Mga pader na akala ko ay walang makakatibag, but then, Levi came.
Huminga ako nang malalim. Lahat ng napag-usapan namin ni Levi ay bumalik sa isipan ko. Lahat ng mga salitang iniwanan niya na mistulang tumiim sa pagkatao at isipan ko.
Puta, bakit ganito?
“Masyado kang takot masaktan, Abby. Masyado kang nangangamba na hindi mo na napapansin na 'yong lalaking handang magmahal at mag-hintay sa'yo ay parang pinapatay mo na para lang ma-protektahan 'yang sarili mo.”
Tinignan ko siya. “Then sinong po-protektahan ko? Si Levi? Si Levi na hindi ko pa nakikita? Si Levi na hindi ko pa nakakausap sa personal? S-Si Levi na...” I tried so hard to think of negative things that I could say. Pero wala. Wala na akong ibang maisip.
“You already met him, Abby. Years ago.”
Kumunot ang noo ko. “I haven't.”
Tumungo si Francis at umiling. “Now because of you, he's pushing himself with the therapy just so he could say that he's deserving for you.” Nag-tagis ang bagang ni Francis. “Damn you, Abby. Nakakagalit ka.”
“Therapy?” ulit ko.
Umiling siyang muli. “Nevermind. Huli na rin naman 'to, Abby. Gusto lang niyang sabihin na pasensya dahil naging kaibigan siya ni Yeshua. 'Yong lalaking hindi niya alam na siya palang nanakit sa'yo.”
Namasa ang mga mata ko. I felt something tugged my heart pero wala akong nagawa. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig lamang kay Francis.
“See? Levi's sorry for something he shouldn't be sorry about. Anong ka-sorry-sorry sa pagiging mag-kaibigan nila ni Yeshua? Wala naman.”
He cleared his throat. “Wala siyang dapat ihingi ng pasensya dahil si Yeshua ang nanakit sa'yo. Hindi siya. Hindi rin kasalanan ni Levi na naging mag-kaibigan silang dalawa.”
Francis was getting more and more frustrated. He brushed his hair using his fingertips. “Tangina. Nauna niyang nakilala si Yeshua pero he's willing to throw their friendship because of you. Kasi nag-sinungaling rin sa kanya si Yeshua pero mas lalong dahil sinaktan ka ni Yeshua.”
Umiwas ako ng tingin. Bakit parang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Ganoon ba talaga 'yon? Ganoon ba talaga na kapag pinoprotektahan mo ang sarili mo ay ikaw naman ang makakapanakit?
Bumuntong hininga si Yeshua. “Sorry for taking up too much of your time. Nakiusap lang si Levi sa akin na sabihin sa'yo na he is sorry for what happened.”
“F-Francis—”
Nilagpasan niya ako. Leaving me speechless and crying. Muling bumalik ang masasakit na alaala sa isipan ko kasabay ang mga salitang iniwan sa akin ni Levi.