CHAPTER : 50 // Flashback //
Present + Narration♡
I stared at the empty canvas in front of me. I was able to paint last time. Natapos ko. Natapos ko 'yong painting ko within four hours noong siya ang iniisip ko, noong siya ang subject ng art ko.
But now... I feel really empty. I played with the brush, mahigpit ang hawak hanggang sa unti-unting lumuwag. Paulit-ulit lang. Nangimay na ang mga kamay ko pero hindi ko pa rin binitawan ang brush.
I want to paint again. I know that Levi was one of the reasons why I tried again. Pero alam ko ang realidad. I know that I shouldn't depend on other people, especially when it comes to my happiness. Hindi pwede.
I sighed. Looking at the colors on the palette, I wish my life was still colorful as the colors I'm going to use. Ngayon kasi black and white, slowly turning into gray. Hindi ko alam kung kailan ba talaga magkakaroon ng mas matingkad na kulay.
Ipinahid ko ang brush sa canvas. Dama ang diin, nilalagyan ng pressure ang mga kamay. Kagat ang pang-ibabang labi ko, ginawa ko ang kung anong sinisigaw ng puso't isip ko. Linya, isa pang linya, manipis at makapal.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ako. Again, it didn't work. After painting Levi as a subject, all the other ones didn't work. It felt so empty.
“Abby?”
I placed the brush above the palette. I heard Irish's voice echoing downstairs. Mabilis kong pinagpag ang mga damit ko at pinuntahan siya sa baba. Nang makita niya ako ay malungkot siyang ngumiti.
“Tsk. What's with the smile, Irish?” untag ko bago ko siya nilapitan.
Irish pouted. “Wala lang. Ang bigat ng vibe dito sa inyo.”
Nag-kibit balikat lamang ako. “Matagal na namang ganito, ah? Hindi ka pa ba nasanay?”
Mabilis na iniling ni Irish ang ulo niya. “No. Everything was fine before. Sobrang nag-iba ngayon.”
“Baka dahil ako lang mag-isa dito. Hindi ako sumama sa parents ko, nangibang bansa na naman.”
“Bakit ayaw mo?”
Umismid ako. “Alam ko namang si Ate Anais lang ang pupuntahan nila. Hindi ko gugustuhing makita si Ate.”
“Galit ka pa rin ba sa ginawa nila, Abby?”
Malungkot akong ngumiti. “Hindi. Nasasaktan na lang. Nasasaktan pa rin kapag naaalala ko. Pero wala ng galit. Lungkot na lang. Mag-kaiba naman 'yon diba?”
Walang naisagot sa akin si Irish. Her eyes shifted as she heaved a sigh, hindi na rin ako nag-bitaw pa ng kung anong salita.
Dumiretso ako sa kusina para ikuha si Irish ng tubig. Bumalik ako sa living room at iniabot 'yon sa kanya. Tinitigan niya akong mabuti. Hindi ko na napigilan ang pagtatanong.
“May gusto ka bang sabihin?”
“Ayaw mo ba talaga malaman 'yong nalaman ko tungkol kay Levi? At kay Yeshua?”
Mabilis akong umiling. “Ayoko.”
Wala ng nagawa si Irish. Marahil ay alam niya na kapag pinilit niya ako, mas lalo akong magmamatigas. Mas lalo kong ipipilit ang naging desisyon ko tungkol sa mga bagay-bagay.
“Halika. Ipapakita ko sayo yung painting na isinali ko sa AAE.”
Umakyat kaming dalawa ni Irish sa kwarto ko. Tumambad sa kanya ang malaking canvas na natatakpan ng pula at makapal na tela. Sinadya ko 'yon. Para hindi na rin madumihan bago pa man ang AAE.
Nilapitan ko ang canvas at mabilis na tinanggal ang tela. Parang may dumagan sa dibdib ko at biglang bumigat ang pakiramdam ko. Habang tinititigan ang painting, mas lalo kong naramdaman ang lungkot at sakit na kinikimkim ko.
“Pamilyar siya, Abby.”
Humarap ako sa kanya. I sadly smiled. “It's Levi on his side profile. Sinadya kong ganyan ang gawin pagdating sa mukha. Bahala na lang siguro ang mga makakakita kung anong ibigsabihin sa kanila.”
Lumapit si Irish, mabuti pa rin na pinagmamasdan ang painting. “Ang ganda. Ang tagal tagal na noong huli kong nakita 'yong mga gawa mong alam kong may pinaghugutan ka.”
Naningkit ang mga mata ni Irish. Tumingin siya sa akin. “E sa'yo, anong ibigsabihin ng painting na 'to?”
Ngumiti ako. “Levi is still a mystery to me. A mystery of how he made me fall for him that easy and a mystery of why his existence in my life made me try again.”
BINABASA MO ANG
Walk With Me (COMPLETED)
Fanfiction[ EPISTOLARY NOVEL #1 | JUNGKOOK FF ] A girl. A not so perfect painter who lost her art. A boy. A lost musician who's trying to find his purpose again. A whole lot of conversations for months. What could go wrong between their lives?