56

51 6 1
                                    

WALK WITH ME // Narration

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WALK WITH ME // Narration

July is fast approaching. Sa araw araw ay mas nadadagdagan ang kaba ko. Thinking about Yeshua and my older sister, Anais, holding on to the grudge I have for them won't do me any good.

Matthew Millares kept on messaging me online. I seldom reply because I don't really feel that I need too. Hanga ako sa kakulitan niya.

Hindi ko mapantayan. One time, sinubukan kong maging makulit sa kanya pero hindi ko talaga kinaya.

He's hyper as well. Pakiramdam ko nga nakakain ng sandamakmak na tsokolate ang taong 'yon.

I've been trying so hard to cover up the pain pero sa tuwing si Matthew ang kausap ko, nagiging masungit ako. Malamig. Parang walang pakialam sa mundo. Maybe this is the only way I know to protect my heart and myself.

Napaitlag ako sa kinauupuan ko nang may kumatok. Kumunot ang noo ko. Sino naman ang pupunta sa bahay namin ngayon? Kahit si Irish ay hindi ko naman inimbita.

I stood up. Setting my thoughts aside, all I wanted was to know who knocked on the door. Masyado akong naging curious.

Parang bumigat ang kamay ko noong mahawakan ko ang door knob. I ignored the feeling. Binuksan ko pa rin ang pintuan. Tutuloy sana ako hanggang sa ibaba kung hindi lang sana tumamad sa harapan ko ang nakatatanda kong kapatid.

Turned out na siya pala ang kanina pang kumakatok sa pintuan. Wala lang siguro talaga ako sa sarili para akalain na nanggagaling ang ingay sa ibaba.

“What are you doing here, Ate Anais?” I emphasized the word Ate. Something that she never fulfilled, something that she didn't let me experience. Growing up, parang wala akong kapatid. Thanks to ger greediness.

She smiled at me. Damn, muntikan na akong masuka. Ano na namang palabas ang gusto niya? Na kunwari mag-kasundo kaming dalawa?

“Long time no see, little sister.” Mataman akong tinignan ni Ate Anais. Eyeing me from head to toe. She smirked. Ano? Mas maganda na naman siya sa akin? Mas maayos siya? Like I care.

Nang makarinig ng ingay sa ibaba ay kumunot ang noo ko. Sunod kong narinig ang boses ni mommy't daddy. Sinulyapan ko si Ate bago mabilis na tumakbo pababa.

Bakit hindi sila nag-sabi sa akin ngayon sila uuwi?

“Dear! We missed you!”

Daddy welcomed me with open arms. Hindi ako lumapit. Siya ang nag-lakad papunta sa akin bago ako yinakap nang mahigpit.

“Bakit hindi niyo sinabi sa akin na ngayon kayo uuwi?”

Umatras si daddy. Ang ngiti niya ay napalitan ng simangot. Tinignan ko lamang siya at hindi nag-salita.

“We wanted to surprise you, Abby.”

“Hindi ka ba masaya na nandito na kami?” tanong ni Mommy, inilapat ang kamay sa balikat ko.

Tipid akong ngumiti. “Masaya po.” I'm happy that they're here. Na umuwi na sila. Maliban lang sa katotohanang baka araw araw ko na namang makita si Ate Anais sa bahay na 'to.

Narinig ko ang yabag ni Ate. Mariin akong napapikit. Tinawag niya ang pangalan ko. How I wish na hindi na lamang siya isinama ng mga magulang namin dito.

She's doing good abroad, bakit ba pinili niya pang umuwi? Para guluhin na naman ba ang buhay ko?

“May aayusin lang kami ng daddy mo and may mga gamit pa kaming kailangang kuhanin sa kotse. Dito muna kayo, okay?”

My heart hurts. Hindi alam ni mommy ang dahilan kung bakit ako nag-maneho mag-isa noong araw na 'yon. Hindi nila alam ni daddy ang ginawa ni Ate Anais sa relasyon namin ni Yeshua. Hindi nila alam kung paanong panloloko ang ginawa ni Yeshua habang kami pa.

“Abby.”

Marahas akong lumingon sa kanya. “Ano na namang kailangan mo?” Wala na akong pakialam kung hindi ko na siya nari-respeto. Seeing her face brings back the terrible memory of what I've been through because of them.

Damn. Ang sakit sa kalooban ko.

Ate Anais sighed. “Don't worry. Hindi ako mananatili dito. May kailangan lang akong asikasuhin.”

Umirap ako. Lalagpasan ko na sana siya pero nag-salita siya.

“I'm very sorry, Abby.”

I hate how what she said made me stop. I hate how sincere she sounded. I hate it. Namuo ang luha sa mga mata ko. Tinignan ko siya, kuyom ang mga palad at diretso ang tingin.

“Sana mapatawad mo 'ko. Kaming dalawa ni Yeshua.” anas niya bago akmang aabutin ang kamay ko pero mabilis ko 'yong iniwas.

“Yeah. Thanks.” Sarkastiko at malamig kong tugon sa kanya. She was about to say something but I walked passed her. Hindi ko na hinayaang makapag-bitaw pa siya ng isa pang salita na maaaring makapag-pahaba sa usapan naming dalawa.

Tumungo ako sa kwarto. Isinarado ko ang pintuan at tinanggal ang puting tela sa isa pang painting na matagal ko ng natapos. My heart felt heavy. Habang tinitignan ang painting ay mas lalo akong naiyak.

I made this when Yeshua and I were still together. Ipininta ko siya. I planned to give this painting to him as a gift, ngunit hindi na natuloy. Itinago ko na lang. Tinakpan ko dahil hindi ko magawang itapon o sirain. I hated how weak I was.

Tinignan ko ang kanang braso kong may peklat. Patunay na inoperahan ako. Patunay ng hirap na dinanas ko matapos mangyari ang lahat ng 'yon. Nilagyan ng bakal ang braso ko, isa pang dahilan kung bakit hindi na ako nag-pinta pa matapos ang insidente.

I snapped back to reality when I saw a tear dropped on my right arm. I sighed, I dried my tears and sat on the edge of the bed while still staring at the painting.

“Is it really the time to forgive?” tanong ko sa sarili ko. Kinakapa ang kanang braso ko na naging patunay sa lahat.

Walk With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon