59

64 9 3
                                    

ABBY GALLARDE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ABBY GALLARDE

I stared at myself while standing in front of the mirror. The sunlight peeking through the windows, slowly making the room hotter. Tinignan kong mabuti ang sarili ko. Mula ulo hanggang paa. Tipid lamang akong ngumiti, ayos naman na siguro 'to.

Ripped jeans. Simple white shirt and a red converse shoes. Hinayaan ko na lamang na nakalugay ang aking buhok dahil malamig naman mamaya sa venue pero pinili ko pa rin magbaon ng ponytail.

“Abby, are you ready?”

The door opened. Iniluwa no'n si Mommy at Daddy na parehas nakangiti sa akin. Lumunok ako, why do I feel so uncomfortable around them?

Siguro hindi lang ako sanay na kasama sila or maybe it's more than that. Nasanay na lamang ako na wala sila sa tabi ko, nasanay na lamang ako na laging si Ate Anais ang inuuna nila. Maybe that's why I grew up like this.

“Let's go.” aya ni Daddy. Nag-paalam sa akin si Mommy at kaagad rin siyang bumaba. Muli kong tinignan ang sarili ko sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas ng kwarto.

I guess this is a new start. Kakayanin ko. Babalik ako sa pagpi-pinta.

Nang makarating kami sa University ay hindi na ako nagulat. Maraming tao, mga estudyante na galing sa ibang unibersidad at ibang mga artists na naghahanap ng pwedeng bilhin na mga artwork. Huminga ako nang malalim, this is it.

This is it, Abby.

Matagal ko ng hilig ang painting pero hindi ko alam kung bakit parang baguhan lamang ako ngayon. Namamawis ang mga kamay dahil sa kaba at ang kabog ng puso ko ay nakikisabay sa lakas ng tugtog sa buong unibersidad.

Lahat ay may dekorasyon. Mga kung anu-anong makukulay na tela ang nakasabit sa halls. Mga bandaritas at kung anu-ano pang banner na ginagamit para mai-welcome ang mga bisita.

Hinigpitan ko ang hawak sa phone ko. Nag-paalam ako sa mga magulang ko na mauuna na akong pumasok. Alam naman kasi nila kung saan ang mismong venue at ang mismong exhibit. Saulado nila ang lugar na 'to, parehas sila na dito nakapagtapos ng kolehiyo. At ako naman ang susunod.

Pag-pasok ko ay sumalubong sa akin ang kanya-kanyang grupo ng mga estudyante. 'Yong iba ay nakikilala ko dahil pamilyar ang mukha nila pero ang iba ay hindi na. Marahil ay mga first or second year college students sila.

“Abby?”

Natigilan ako sa boses na narinig. Nanlamig ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kahit nasaksihan ko ang dami ng mga tao sa event, pakiramdam ko ngayon ay nag-iisa na lamang ako.

“Abby!”

Isang malalim na hininga ang hinugot ko nang pumunta siya sa harapan ko. Ang mga mata ko ay nag-simulang mamasa pero ginawa ko ang lahat para mapigilan ang mas bumibilis pang pamumuo ng mga luha ko.

Walk With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon