58

66 5 3
                                    

FRANCIS ANDRADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRANCIS ANDRADE

Fuck. Ang tigas tigas talaga ng ulo ng taong 'yon. Sinabi ng mag-sabi sa amin kapag uuwi siya pero hindi niya ginawa. No wonder na naging sakit siya ng ulo ng mga magulang namin noon. Buti na lang ay dinala siya sa ibang bansa para sana mag-tino pero mukhang mas lumala pa siya.

“Kuya!”

Lumingon ako kay Levi. Nalaglag siya sa sahig. Kaagad na lumapit ang nurse sa kanya. Ako naman ay sumunod ay tinulungan siyang makatayo.

“Nahihilo ka ba? Mag-pahinga ka muna.”

Umiling si Levi. Mahigpit siyang humawak sa kamay ko pati na sa kamay ng nurse. Pinilit niyang makatayo kahit na nahihilo siya.

“Kailangan ko gumaling, Kuya. Kailangan ko makita si Abby bukas. K-Kailangan bukas k-kaya ko na...”

Mariin akong pumikit. Hindi ko na pinigilan si Levi nang sumunod pa rin siya sa nurse para mag-simula ulit. Lumabas ako ng kwarto bago kinuha ang phone mula sa bulsa ko.

Magta-type pa lamang sana ako ng message na ise-send ko sa kanya nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

“Kuya Francis!”

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero saulado ko na ang pagkakaiba nilang dalawa. Tumingin ako sa direksyon na pinanggalingan ng kanyang boses.

Ngumiti ako. “Matthew!”

Bumilis ang mga lakad niya. Nang makalapit siya sa akin ay itinaas ko ang mga braso ko. Akmang yayakapin ko siya pero hinawakan ko siya sa balikat at inikot patalikod. Saka ko siya inakbayan, inipit ang ulo niya sa pagitan ng braso ko.

“Kuya Francis! Aray naman!”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka pala?”

Tinanggal niya ang pagkakapahawak ko sa kanya. Lumabi siya sa akin at inayos ang magulo niyang buhok. “Alam ko kasing hindi mo na naman ako papayagan once na pinaalam ko sa'yo. Bulok na ako doon!” reklamo pa ni Matthew.

“Tsk. Nag-alala lang ako. Wala kasing susundo sa'yo sa airport. Alam mo naman 'yon, e.”

Bumuntong hininga lang si Matthew. Ibinulsa niya ang mga kamay niya bago sumilip sa bintana. “How's Levi?”

“He's trying his best. Kailangan daw ay magawa niya ng maayos bukas. Kailangan daw ngayon ay mag-improve na siya para kapag nagkita sila...”

“Nino?”

“Ni Abby. Abby Gallarde.”

Namilog ang mga mata ni Matthew. Kinalikot niya ang phone niya at ipinakita sa akin ang nahanap niya. Picture ni Abby ang naandoon at ang kanyang online art blog.

“Kilala mo siya?”

Tumango si Matthew. “Yeah. I saw her paintings online. May online blog kasi siya. Aksidente lang na nakita ko and yeah, naging interesado ako.”

“Ano ba meron sa kanilang dalawa?” tanong ni Matthew, naka-tuon ang atensyon sa cellphone at mistulang may hinahanap.

“Kaya pala parang hawig ng side profile ko 'yong isa sa mga paintings niya. Si Levi pala 'yon.”

“Mahal siya ni Levi.” simple at maikli kong sagot sa tanong ni Matthew. Natigilan siya dahil doon.

“Mahal?”

“Nasa ibang bansa ka na noon. Sinama ko kasi siya dati sa University. Nakita niya si Abby. Abby was a freshman back then, Levi was in his second year.”

Tumango si Matthew. “Buti na lang pala nasa ibang bansa na ako. Baka kung sumama ako, mag-kaaway kami ni Levi ngayon.”

Umiling ako. “Loko-loko!”

“Hindi alam ni Abby na nag-kita na sila noon?”

I sighed. “Unfortunately, she doesn't remember. Ginigiit niya na hindi.”

Tumango si Matthew, sumisilip sa loob ng kwarto kung nasaan si Levi. “Alam mo ba kuya na magkikita kami ni Abby? I guess I can help my twin.

“Levi insists na pupunta siya bukas. Ayaw niya magpaawat. Hindi ko na rin pinigilan dahil si Abby lang naman ang nag-tulak sa kanya para maging ganyan kalakas para umayos ang lagay niya.”

Matthew cleared his throat. Looking through the window, observing Levi and his therapy. “Alam mo ba Kuya Francis kung bakit din ako pumayag na manatili abroad kahit na malulungkot ako?”

Lumapit ako sa kanya at sinilip na rin si Levi. “Bakit?”

“Because everytime Levi looks at me, pakiramdam ko ay mas lalo lang siyang nasisira. You see, I'm his twin. Kamukhang kamukha niya ako. Buo ako pero siya hindi. It's really... really hard for him, Kuya Francis.”

Napatingin ako sa kanya. He showed me a small smile. “Pumayag ako para hindi niya na rin ako makita. Dahil sa tuwing mangyayari 'yon, it will only show him how broken he is. How he's so damaged that he can't even write songs again.”

“Matthew...”

“It's time for Levi to be happy again, Kuya Francis. Nag-sabi siya sa akin na nakatapos ulit siya ng isang kanta dahil sa isang babae. Si Abby pala 'yon.” He chuckled. Matthew tapped my shoulder, “Can you give me the copy of the song? Hingin mo sa kanya. Bukas na lang ako magpapakita.”

“Thanks, Matthew.”

He just nodded. “Akong bahala.”

Nilagpasan niya ako. I smiled while staring at his figure slowly fading from my sight. Na-miss ko si Matthew, I miss how he calls me Kuya Francis while Levi just calls me Kuya.

Mag-kamukha sila pero talagang mag-kaiba.

Walk With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon