“Sigurado ka ba na okay lang na kasama mo ako?”Napangiti si Melody nang marinig ang tanong ni Train bago sila bumaba ng kotse nito. Wedding anniversary ngayon ng mga magulang niya kaya may simpleng selebrasyon sa kanila.
Sinabi niya sa parents niya na may kasama siya at alam niyang totoong nagulat ang mga ito. Nasanay na kasi ang mga ito na palaging sila Osang at Yeng lang ang kasama niya. Kahit ang mga kaibigan niya noong college ay hindi na kasi niya nakakasama ngayon dahil may kaniya kaniyang trabaho na ang mga ito.
Mas lalo pang nagulat ang daddy niya nang sabihin niya na isang espesyal na tao ang ipapakilala niya. Hindi man ito umimik ay nakita niya na natuwa ang ama para sa kaniya. Ang mommy naman niya ay panay ang kulit sa kaniya tungkol kay Train.
Noon kasi ay hindi niya ipinakilala sa mga magulang ang binata. Mga bata pa kasi sila noon at ayaw niyang madismaya ang kaniyang ama. Baka kasi isipin ng mga ito na mahahati ang atensiyon niya sa pag aaral at sa boyfriend niya kaya kahit anong pakiusap ni Train ay hindi siya pumayag na ipakilala ito sa mga magulang niya. Naintindihan naman siya noon ng binata dahil hindi na ito nangulit pa.
“Mabait ang mommy at daddy ko.”
Masuyong hinaplos niya ang pisngi ng lalaki. Napaungol lang ito at hindi na muling nagsalita pa. Ilang sandali pa at magkasabay na silang pumasok sa bakuran ng bahay habang dala nito ang malaking kahon ng cake na regalo nito sa mga magulang niya.
Sa sala ay nadatnan niya ang ibang mga kamag anak nila. Nang makita niya ang ina ay mabilis na hinila niya si Train palapit dito.
“Mommy!”
“Nandito na pala ang bunso mo.” Sabi ng isang matandang tiyuhin niya.
Nakita naman siya ng ama kaya lumapit na rin ito sa kanila. Napansin niya na nakatutok sa kanilang dalawa ni Train ang mga mata ng mga naroon. Nahihiyang tumingin siya sa mga magulang.
“Si Train po—”
“Ang espesyal na taong sinasabi mo sa amin ng mommy mo?”
“Daddy naman!” napalabi siya sa sinabi ng daddy niya Nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi nito.
Si Train naman ay magalang na bumati sa mga magulang niya at ibinigay na ang regalo nitong cake. Kinalabit siya ng mommy niya kaya nagtatakang lumingon siya dito.
“Ang gwapo niya, anak. Siya na ba si ‘Mr. Right’?” humagikhik ang ina nang mapansin ang pamumula ng mga pisngi niya.
“Isa ka pa ‘my!” kunwari ay naiinis na saway niya sa ina.
Muli lang itong tumawa at nanunudyong tiningnan pa siya. Nagsimula na ang selebrasyon kaya naging abala na ang mga magulang niya. Hindi na niya naawat pa si Train nang kumbinsihin ito ng daddy niya na uminom. Kahit anong reklamo niya ay nakipag inuman pa rin ang binata sa daddy niya at sa iba pang kamag anak niya.
Pagsapit tuloy ng gabi ay hindi na nito nakaya pang umuwi. Mabuti na lang at tinulungan siya ng boyfriend ng ate Jenna niya na alalayan ang binata na umakyat sa kwarto niya. Nakauwi na ang mga bisita nila at ang daddy niya ay kanina pa nagpapahinga.
Nang lumabas ng kwarto niya si ate Jenna at ang boyfriend nito ay mabilis ang mga kilos na inasikaso na niya si Train. Kanina pa niya naihanda ang bimpo at plangganita na may lamang tubig. Ang kailangan na lang niyang gawin ay hubarin ang suot na pang itaas nito na hindi niya alam kung kaya nga ba niyang gawin.
Sumampa siya sa kama at dumukwang kay Train. Bahagya niyang itinaas ang laylayan ng white t-shirt na suot nito. Nanginginig man ang mga kamay ay pinilit niyang alisin ang mga bagay na tumatakbo sa isip at hinubad na ang damit nito habang panay ang ungol nito.
Parang gusto na niyang kumanta ng ‘Lord patawad’ nang imulat niya ang mga mata at tumambad sa kaniya ang perpektong hubog ng abs at malapad na dibdib ng lalaki. Mariing kinagat ni Melody ang mga labi at kinuha ang bimpo. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napapalunok habang pinupunasan niya ng basang bimpo ang malapad na dibdib at flat na tiyan nito.
Lord sorry na.. alam kong nababasa ninyo ang iniisip ko ngayon. Sorry na po agad. Hindi ko mapigilan talaga. Bakit naman kasi ang macho ng lalaking ito. Napapatingin tuloy ako!
“Mahal?”
“Huh?” nagitla siya nang hawakan ni Train ang kamay niya.
Nabitiwan niya ang bimpo at gulat na tumingin dito. Gising na ang binata at ngayon nga ay nakatitig sa kaniya ang mapungay na mga mata nito.
“M-mahal?”
Naalala pa rin ba nito na ‘mahal’ ang tawagan nila noon?
Sa naisip ay may kakaibang init ang lumukob sa puso niya. Umiling si Train at kinabig siya palapit sa katawan nito. Bumaha ang hindi maipaliwanag na emosyon sa dibdib niya nang magdikit ang mga balat nila. Hindi na niya magawang mag isip pa ng maayos habang nakakulong siya sa mga bisig nito.
“Hindi ka pa ba inaantok? Tulog na tayo, please?” nagsusumamong anas nito sa pagitan nang paghaplos nito sa likod at ulo niya.
Tumango siya at ibinaon na ang mukha sa leeg nito. Kusang pumikit ang mga mata niya at ilang saglit lang ay nakatulog na siya ng mahimbing sa mga bisig ni Train.
BINABASA MO ANG
LOVE FOR HIRE (COMPLETED)
RomanceItinuturing na isa sa pinakamaganda at matalino sa campus si Melody kaya hindi na nakapagtataka na magulat ang lahat ng maging malapit siya kay Train. May pagka-introvert at nerd kasi ang lalaki na kabaliktaran naman niya. Pero sa kabila ng lahat n...