“Nasaan na ba si pangit?”
“Sino bang pangit?” nagtatakang tanong ni Osang.
Naitirik ni Melody ang mga mata dahil sa tanong ng kaibigan. Daig pa nito ang pusang hindi maihi dahil kanina pa ito hindi mapakali sa kinauupuan. Ngayon lang niya ito nakita na natuliro ng ganoon.
“'Yung client mo?”
“Ay, loka, hindi pangit ang kliyente natin. Baka malaglag ang everything mo kapag nakita mo siya.” Kinikilig na sabi nito.
Napaingos siya. “Mabuti kung kahawig ni Lee Min Ho 'yan?”“Huh?” awtomatikong tumaas ang isang kilay ni Osang.
Nakasimangot na ibinaba nito ang hawak na coffee mug at dumukwang para tampalin siya sa noo.
“Aw!” angal niya.
“Ikaw, naalog na ba talaga ng matindi ang utak mo kaya puro na lang mga Koreano ang nasa isip mo, ha? Well, pasensiya ka dahil hindi mukhang Korean ang taong hinihintay natin ngayon. Mukha siyang greek god na bumaba sa lupa at nakahanda akong sambahin siya hanggang sa huling araw ko sa earth.”
“Ewww!” siya naman ang dumukwang at tinampal ng palad ang noo nito. “Wala akong tiwala sa'yo, 'yung unang nakadate ko sabi mo kamukha ni Coco Martin pero nang makita ko, jusko! Pareho lang naman sila ni Coco ng ilong. Pero the rest, never reminder na.”
“Never mind, M-I-N-D,”
“Fine! Never mind.”
Ipinilig niya ang ulo. Nagmalfunction na naman ba ang utak niya kaya iba ang sinasabi niya sa iniisip niya? kahit napahiya ng bahagya ay ngumiti na lang siya kay Osang. Alam din nito ang sitwasyon niya kaya nga nang makiusap siya dito noon na ihanap siya ng raket ay agad na pumayag ito. Schoolmate sila noong nasa grade school pa lang sila. Dahil nga matalino dati ay nabibilang siya sa star section at sa average section naman ito. Taga kabilang village ito kaya madalas na dumadayo sa computer shop sa village nila. Dati ay naiilang pa itong makipag usap sa kaniya. Kilala daw kasi siya nito kahit noon pa dahil sikat na sikat siya sa eskwelahan nila. Beauty and brain ang madalas na idescribe sa kaniya ng mga tao. Nang ipaliwanag niya kay Osang ang nangyari sa kaniya ay nabawasan na ang pagkailang nito. Mas naawa pa nga siguro ito sa kaniya kaya hindi nagdalawang isip na tulungan siya.
“Pero alam mo,” itinukod nito ang mga braso sa table glass at nangalumbaba. “May kakaiba diyan kay Doc Train ‘eh.”
“T-train?” mula sa pagsimsim ng mainit na mocha coffee ay napatingin siya kay Osang. Napilitan siyang ibaba ang hawak na coffee mug nang maramdaman ang biglang panginginig ng kamay. Kahit may sampung taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin nagbabago ang epekto sa kaniya kapag naririnig ang pangalan na iyon.
Ah, marami naman ang may pangalang Train ha? Bakit kailangan kong maturete ng ganito?
“Paanong kakaiba?” lakas loob na tanong niya.
Kinagat ni Osang ang mga labi na parang kinikilig pa rin. “Iba siyang tumingin, nanunuot hanggang laman. Ang gwapo niya 'day! Foreigner na foreigner talaga ang dating pero magaling magsalita ng tagalog.”
“Paano mo ba nakilala 'yun?”
“Nirekomenda lang ako ng pinsan kong si Mario. Ako nga dapat ang makikipagdate kaya lang alam mo naman na hindi ako pang innocent beauty.”
Maganda si Osang. Pero mataray ang dating ng ganda nito. Siguro ay dahil masyadong matangos ang ilong nito na namana daw nito sa ama na isang Indian. Magaslaw din ito kung kumilos at kapag nagsimula nang magsalita ay siguradong maaagaw nito ang pansin ng mga tao. Malakas kasi ang boses nito at parang palaging hyper.
BINABASA MO ANG
LOVE FOR HIRE (COMPLETED)
RomansItinuturing na isa sa pinakamaganda at matalino sa campus si Melody kaya hindi na nakapagtataka na magulat ang lahat ng maging malapit siya kay Train. May pagka-introvert at nerd kasi ang lalaki na kabaliktaran naman niya. Pero sa kabila ng lahat n...