CHAPTER 7 PART 1

4.9K 135 4
                                    

“Marunong ka pa bang ngumiti?” hindi mapigilang itanong ni Melody nang patayin na ni Train ang makina ng kotse.

Sa buong durasyon kasi ng biyahe na magkasama sila ay halos mapanisan na siya ng laway dahil hindi man lang siya nito kinausap. Kahit nga sulyap ay hindi nito ginawa sa kaniya kaya parang gusto ng sumama ng loob niya. Hindi man lang nito pinuri ang magandang ayos niya ngayong gabi.

“May dahilan ba ako para ngumiti?” nakataas ang isang sulok ng mga labi na tanong naman nito.

Nanatili pa ring nakahawak ang mga kamay nito sa manibela kahit nakaparada na ang kotse sa isang sulok ng parking lot ng mamahaling restaurant.

“Meron. Ako.” Lakas loob na wika niya.

Syeeet! Tumingin siya sa akin. Waaah! Pwede mo na akong kunin lord!

Kulang na lang ay magtumbling na ang puso niya dahil sa simpleng pagsulyap ni Train sa kaniya. Napalunok siya nang marinig ang pagpalatak nito.

“Hindi ba kasama sa trabaho ko ang pangitiin ka?”

Umiling ang lalaki.

“Ang trabaho mo ngayon ay ipakita sa mga tao na masaya ka sa akin at mahal na mahal mo ako. Kailangan mong bumawi sa ginawa mong pagpahiya sa akin noon at ipaalam sa kanila na pinagsisihan mo ang ginawa mo.”

“T-train...gusto kong magpaliwanag—”

“No.” mariing tugon nito. “Kung ayaw mong masayang ang effort mo ngayong gabi ay mas mabuti pang huwag mo nang subukan pa na magpaliwanag sa akin. Ayokong marinig ang mga sasabihin mo.”

Madilim ang ekspresyon ng buong mukha na sabi nito sa kaniya.
Daig pa niya ang tinusok ng matalim na kutsilyo sa tapat ng puso niya. Napahinga siya ng malalim at pilit na ibinalik sa normal ang paghinga niya.

Nang tumingin siya dito ay pinilit niyang ngumiti kahit alam niya sa sarili niya na namamanhid na ang katawan niya sa matinding sakit.

“Wala akong sasabihin....”

Sa ngayon. Pero sana naman Train pakinggan mo na ako sa sunod. Hindi ko ginustong iwanan ka noon. Mahal na mahal kita at ang kinabukasan mo ang mas mahalaga sa akin.

Napaatras siya nang dumukwang si Train palapit sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya nang tumama sa pisngi niya ang mainit na hininga nito.

“Relax, hindi kita hahalikan.”

“Huh?” tanging nasambit niya.

Nagulat siya nang mapansin na ito na mismo ang nagtanggal ng suot niyang seatbelt. Iglap lang ay lumakas na ang pagkabog ng dibdib niya. Namumula ang mga pisngi na nag iwas siya ng tingin sa binata. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang epekto nito sa kaniya.

Lumipas man ang maraming taon ay kayang kaya pa rin ni Train na pabilisin ang pintig ng puso niya. Mas lalo pa itong naging gwapo sa paningin niya nang bumaba na ito ng sasakyan at umikot sa kabila para pagbuksan siya ng pinto.

Nang bumaba siya ng kotse ay ang nakangiting mukha nito ang bumungad sa kaniya. Parang ice cream tuloy na natunaw ang puso niya. Natitigilang inabot niya ang nakalahad na palad nito. Alam niya ang ibig sabihin nang pagbabago ng mga kilos ni Train. Magsisimula na silang magpanggap kaya dapat lang na maging malambing na ito sa kaniya.

Magkasabay silang naglakad habang hawak nito ang kamay niya. Nakita niya ang ilang pamilyar na mukha na kasabay nilang dumating at pumasok sa loob ng restaurant. Sinalakay siya ng matinding kaba. Naramdaman siguro ni Train ang kaba at pagkailang niya kaya ipinaloob nito ang braso sa baywang niya. Gulat na bumaling siya ng tingin dito. Umiling naman ito at bumaba ang mukha sa kaliwang tenga niya.

LOVE FOR HIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon