[Dara P.O.V]
"So, kaibigan mo na pala ngayon si DEN?" Inis na tanong sakin ni Kuya.
"Yeah? Kaibigan sya ni Bestfriend eh! Sorry na kuya!" Sabi ko at hawak ko parin si Chichi.
"Alam mo naman di ba? Pero bakit mo parin sya kinaibigan Rhianne?" Inis na sabi nya.
Para sa mga hindi nakaka-alam.
Si Kuya DEN ay dating kaibigan ni Kuya JD. Pero nagbago yun dahil sa napag-awayan nilang walang kwentang bagay. Yeah. Walang kwenta!
"Kuya naman! Ito na ngalang yung daan para makilala ko yung mga taong totoo sa akin!" At ngayon ako naman ang naiinis.
"Rhianne, hindi mo naman kasi kailangang magpanggap as the Nerd Dara!" sabi nya at napa-iling ako.
"Mas masaya ko ngayon. Dahil nakakalimutan ko sya at nakilala ko si Nathalia. She's different Kuya.Sobra. Kaya kung pwede lang na ako na lang talaga si Dara, Ill take it" sabi ko.
"Alam ko namang nasaktan ka masyado Rhianne dahil kay CJ, But, stop pretending Rhianne. Pero, maiba ako, kamusta naman yang Bestfriend mo? Baka mamaya katulad lang din yan ng iba ha? ako ang habol. Nako, malilintikan sakin yan." Yan ang kuya ko! Mahal na mahal ako! Hehe..
"She's different Kuya, the way she talk and look. Pero alam ko na kung bakit. Sabagay, kung ako naman din kasi ang nasa lugar nya baka, mas matindi pa dun ang magagawa ko" sabi ko at alam kong naguguluhan si Kuya.
"What do you mean? May nangyari ba kaya sya ganun makitungo?" Tanong nya.
"Masyado kang interesado kuya. Gumawa ka na lang ng paraan kung gusto mong malaman. Try mong makipag-kaibigan sa kanya. Im sure magugustuhan mo sya as a friend. And Kuya. Alam mo ba? Napaka-lungkot ng nakaraan nya. And one more thing. Ang gusto ko sa kanya, hindi sya nahihiya kung sino sya." sabi ko
"Wala naman kasi syang emosyon" sabi ni kuya at umiling ako.
"She's not rich. She is just the ordinary." sabi ko at halatang nagulat sya.
"Sige kuya, Ipagpapa-alam ko lang kay mommy kung pwede ko syang dalhin dito sa bahay. As her bestfriend, I want to change her. Gusto kong makita yung totoong ugali at totoong sya. Because, I know, masarap syang makasama at masaya syang maging parte ng buhay" sabi ko at nagulat sya.
"Kailan ka pa naging ganyan Rhianne?" Tanong nya.
"Ganito na ko kuya dati pa, di mo lang napapansin dahil never akong nagseryoso." sabi ko at ngumiti sya sa akin.
"Matured na pala ang kapatid ko. ahahaha" tawa nya.
"Sira kang panget ka!" Sabi ko at tumakbo.
----
-Nathalia P.O.V
Kanina pa ko nakatingin sa bintana dahil naboboringan ako sa nagtuturo.
Iba talaga ang homeSchooling kesa sa ganito dahil kapag sa bahay lang kasi, nasa akin lang ang atensyon nya kaya naiintindihan ko.
Mag-iisang buwan narin pala...
"Okey, sino ang makakasagot kung ano na ang nangyayari sa America ngayon?" Tanong ni Sir.
Bakit ba nasasama pa sa subject namin itong mga tanong na ito?
"Yes, Ms. Bliss" tawag ni Sir kay Megan dahil sya lang ang nagtaas.
"Mas umaangat po ang industriya ng America ngayon." sabi nya at lahat nagpalakpakan.
![](https://img.wattpad.com/cover/24506768-288-k367557.jpg)